Marj
Nagising ako nang maaga dahil kailangan ko pang mag luto ng pang umagahan at maglilinis pa ako dito sa bahay.
Napadaan ako sa kwarto ni dy at nakabukas ito. Dito ba siya natulog o sa bahay niya?
Sinilip ko kung meron siya sakto namang nandun siya at mahimbing na natutulog. Halatang pagod siya kaya inayos ko nalang yung kumot niya.
Buti naman dy naisipan mong umuwi dito baka kasi iba pa isipin ko pag di ka umuwi dito o sa bahay mo.
Hinalikan ko siya sa pisngi bago umalis.
Dumiretso na ako sa kusina at nagsimula na akong magluto. Nagluto ako nang paksiw na bangus kasi parang gusto ko ulamin yun ngayon.
Talagang sinarapan ko, kasi pagod si dy kaya dapat masarap luto ko.
After I finished cooking, nagprepare na ako sa lamesa. Pagkatingin ko sa lamesa nakita ko si dy na nakaupo duon.
"Ang ganda manuod nang cooking show ni mommy ko" sabi ni dy pagkalapag ko nung plato at ulam.
Natawa nalang ako sa sinabi niya. Hindi ko manlang siya napansin na nanunuod. Ganun ba ako kabusy kanina?
"Kain na tayo dy, halatang gutom ka na oh" sinandukan ko na siya nang pagkain niya.
"Gusto mo nang kape dy?" Tanong ko.
"Sige mi"
Nagtimpla na ako nang gusto niyang kape at ibinigay sa kanya. Sinabayan ko na rin siyang kumain.
"Mi" bulong niya habang kumakain.
Bakit kaya, may problema ba sa niluto ko?
"Bakit dy? Hindi ba masarap yung niluto ko?"
Sayang naman kung hindi masarap. Gagalingan ko nalang sa susunod.
"Hindi ah. Masarap kaya siya mi, naisip ko lang kasi....
Pwede ka nang maging asawa"
\\\\_\\\\
Speechless ako grabe haha.
Si dy, umagang umaga kung ano ano sinasabi. Kinikilig tuloy ako.
Haha.
Di mawala sa isip ko hahaha.
Hay magtino tino ka nga Marjo.
..
Pwede na daw ako maging asawa niya.
Haha
"Umm mi, uwi muna ako mamaya ah" paalam niya
"Ah sige dy"
Alam ko namang mag-aayos pa yan. Diba sabi niya may date kami. Ano kayang plano ko ngayon?
Pagkatapos naming kumain, si dy nalang daw ang maghuhugas ng pinagkainan baka daw kasi mapagod pa ako lalo. Kinulit ko siyang wag na pero ayaw niya eh kaya naisipan ko nalang maligo. Habang naliligo ako may mapansin akong pasa sa likuran ko na nakita ko sa salamin. Ang laking pasa, hinaplos ko to at pinisil. At ako tong si tanga nasaktan
"Aish.. san ko ba to nakuha??" Wala akong matandaang natamaan ako sa likod. Bahala na.
Pupunta ako sa mall ngayon para bumili ng mga gamit na kakailanganin dito sa bahay tsaka magpapaayos na rin ako. I want my date today be special.
Pagkatapos kong maligo ay nag-ayos na ako at yung mga bibilhin ko na rin.
"Mi san punta mo?" Tanong ni dy habang prineprepare yung damit niya mamaya.
"Dy pupunta ako nang mall ngayon, may bibilhin lang ako tsaka mag papaayos na rin."
"Sabay na tayo mi. Baka kasi kidnapin ka dyan o kung ano pa yan para narin safe ka"
"Dy wag na kaya ko naman eh"
"No, hahatid kita" saka siya pumasok sa CR. Si dy kulit din eh kaya ko naman pumunta nang mall kahit hindi na niya ako sunduin. Pero kahit naman makipagtalo pa ako sa kanya palagi naman siyang nananalo kaya sasabay nalang ako.
Nanuod muna ako habang inaantay maligo si dy.
Nakita ko naman si dy na tapos na kaya nilapitan ko siya na pinapatuyo yung buhok niya.
"Dy ako nalang" saka ko kinuha yung towel niya.
Bat kasi wala akong blower? Di ako mahilig gumamit nun eh. Testing ko kayang bumili nun.
"Mi nagsasawa ka na ba sakin?"
Bat naman natanong yan ni Dy? Anong bang akala niya na nagsasawa na ako sa kanya?
"Ano ka ba dy, syempre hindi" sagot ko agad. Kasi once na tumahimik ka nang kaunti iisipin niya agad na pilit nalang yung iisasagot ko. Malay mo kasi maiba pa yung ibig niyang sabihin
Yumuko lang siya nang marinig yung sagot ko.
Hindi ba siya naniniwala?
Inangat ko yung mukha niya at tinapat sa salamin.
"Nakikita mo ba mukha mo?" Tumango lang siya. "Yang taong nakikita mo ngayon sa salamin, never kong pagsasawaan kasi bakit ko pagsasawaan kung siya naman ang bumubuo nang buhay ko"
Humarap siya sakin. Sakto naman guminhawa na yung mukha niya kumpara kanina.
"Thank you so much mi for loving me like this, thank you.. thank you" sabi niya.
Nilapit ko yung mukha ko sa kanya at sinabing "Always welcome" saka siya hinalikan. Yung halik na punong puno nang pagmamahal. Yung sa halik na yun, pinapakita ko na siya lang ang mamahalin ko wala nang iba pa.
___

BINABASA MO ANG
Marry You (COMPLETE)
Romance'Hindi ko alam na sa huli pala ay magiging isang malungkot na pangyayari na kailan man ay pagsisisihan ko. Hindi ko namalayan na huli na pala ako' Sana... siya ay mapakasalan ko.