Marry you 18

110 4 0
                                    

Marj

"Marjo, wake up. May bisita ka"

Nagising ako dahil sa pag-gising sakin ni Lyka. Hindi ako sumagot at pinagpatuloy lang yung tulog ko.

Pag-ginalaw ko kasi yung ulo ko mas lalo lang ako mahihilo. Masakit din yung katawan ko.

Gusto kong matulog. Nanghihina ako.

"Marj.. marjo! Oi wake up!" Sigaw ni Lyka.

"Mmm" sagot ko.

Bakit ang bigat ng katawan ko? Parang may nakadagan sakin na malaking elepante.

I feel tired.

"Oh god! Akala ko kung ano na... Marjo kasi.. nandito parents mo" pagkasabi nun ni Lyka, hindi na ako nagpatumpik tumpik pa at tumayo na ako.

Ugh!

Pagkatayo ko, nakita ko sila. Sila Mama, Papa, at ang kapatid ko.

Nakikita ko sa mata nila ang awa. Awa na ayokong makita.

Mas lalo akong nalungkot ng makita ko ang mama ko at kapatid ko na umiiyak ng dahil sakin.

"Bakit nandito kayo?" Sabi ko sa kanila na parang ayaw ko silang bisita. Kahit na gusto kong punasan ang luha ni Mama. I don't want to see her like this, i hate it.

"Marjo, I'm sorry. Ayoko kasing nahihirapan kang ganito. I call them for a help, marj.. makakatulong sila sayo." Pagpapaliwanag ni Lyka.

Dahil dun.. napa-iyak na ako. Totoo.. totoo na kailangan ko sila sobra. Para akong sisiw na tinatawag yung nanay niya dahil takot siya. Yun yung nararamdaman ko.

"Ma.." tawag ko sa kanya.

Lumapit sakin si mama at niyakap ako, pagtawag palang kasi sa kanya. Nararamdaman na niya na kailangan ko sila. Ma..

Lumabas agad si Papa. I know pinipilit niyang wag kong makita yung iyak niya. Kilalang kilala ko si papa, na pag may care siya sayo sesermunan ka nyan pero deep inside alalang alala siya sayo.

Sumabay din si Juris at Lyka na lumabas, kahit gusto rin akong yakapin ni Juris hinayaan niya muna kami ni mama na mag-usap. Alam kasi nilang close ko si Mama.

"Nak, bakit nandito ka? Bakit mo tinago samin ha?" Sabi ni mama na may halong pag-aalala.

"Ma.. I'm sorry. I'm really really sorry" iyak parin ako ng iyak habang hawak ko yung kamay niya.

Wala akong masabi kundi sorry lang. Sorry sa lahat.

"Nak sana sinabi mo na matagal na. Sa kondisyon mo ngayon.. kailangan mo kami. Kailangan mo kaming pamilya mo, hindi ka nagiisa anak. Look at you! Hindi ka nila magagamot dito. I have a friend sa Canada na doctor, ipapagamot kita dun"

"Ma, please don't. Pagod na ako ma"

I'm already losing hope.

Kinuha ko yung keychain sa ilalim ng unan kk.

"Ma, be-before I die, give it to him please. Just for the last time, do this for me" pangiyak ngiyak na sabi ko.

"Shh.." sabay halik ni mama sa noo ko. " Don't say that, ipupunta kita sa Canada ha? If you go there you have a chance to live. Listen to mama ok?"

"Please ma, I'm begging you please. Just remember this. I love you so much" saad ko.

"Nak.. please don't leave us"

Napatingin lang ako kay mama. Nahinto rin yung pagtulo ng luha ko, naistatwa ako sa posisyon ko.

Padilim ng padilim na yung paningin ko, hindi ko alam ang nangyayari pero binabalot ako ng kadiliman. Kadiliman na kung saan walang liwanag. I-i think this is my end.

Pinilit kong tinignan si Mama kahit dumidilim na yung paningin ko. My baby.. my dy...

Hanggat sa...

"Ma..." the last word I utter.

Marry You (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon