Marry you 8

62 3 0
                                    

Marj

Napansin kong hindi na umaandar yung sasakyan kaya minulat ko yung mata ko

Pagtingin ko sa tabi ko, wala si dy. Hala san pumunta yun? Akala ko ba gigisingin niya ko? Eh iniwan niya lang ako.

Gabi na kaya madilim na sa labas. Hindi rin familiar sakin yung lugar. Nilibot nang tingin ko yung place baka kasi makita ko si dy.

May nakita akong "Come to my world mi" na nakaform siya through light. May katabi rin itong pinto kaya pinasok ko yun. Mala Alice nga ako eh. Basta basta nalang pumapasok sa pinto.

Teka ano bang pasabog to?

Bawat dinadaanan ko may mga nakasulat sa pader.

"Everyday, every hour, every minute, and every second that I spend with you. My mi, it was my happiest and most memorable memories in my life"

"I love you mi I always do. I see our future in your eyes and I can't wait to happen that future."

"You! Yes, you. The one reading this. You know, you are beautiful, talented, amazing, and simply the best at being you that's why I love you."

At kung ano ano pa yung mga nakasulat sa pader kaya pinagpatuloy ko lang yung paglalakad ko. Nakakaiyak nga yung mga pinagsasabi dun ni dy eh. Siguro naman hindi naman to proposal diba?

Pagkatapos kong mabasa yung mga nakasulat. Napansin ko na yung dinadaanan ko puro petals na puti ang nakikita ko.

Proposal ba talaga to?

May likuan yung dinaanan ko at pagkaliko ko, nakita ko si dy na may hawak na human size teddy bear at nagtatapon siya sa ere nang mga petals nang makalapit ako sa kanya.

Naiiyak nalang ako dahil sa pinaggagawa niya. Si dy kasi akala mo naman kasi magpropropose na.

Binaba niya muna yung teady bear at lumapit sakin.

Pinunasan niya yung luha ko na kanina pa tumutulo gamit yung kamay niya. Pahamak na mga luha to oh, ngayon pa dumating.

Niyakap ko nalang siya ng napakahigpit at pinatigil yung luha ko.

Ayokong mawala sakin si dy, ayokong ayoko. Ayoko ng pakawalan si dy pagnagkataon. Gusto gusto kong mabuhay kasama siya.

"Wag ka nang umiyak mi, sige bahala ka. Date natin ngayon tapos pangit ka" sabi niya sakin habang nakayakap parin ako sa kanya.

Imbes na pakalmahin niya ako dahil sa pakikilig niya, asar ang narinig ko.

"Ikaw talaga" saka ko saka siya binatukan.

"Aw ko naman mi, binibiro lang kita... gusto mo na bang kumain?"

"Sige, gabi na rin"

Hinawakan niya yung kamay ko at sinundan siya.

"Wow~"

Pagkatingin ko kasi, ang ganda nung place na pinuntahan namin. Isa siyang beach na may nakalagay sa sand na candles na nakaform nang "I love you Mi" tsaka dun sa gilid, may dalawang higaan siya. Yung dalawang higaan pinag-gitnaan yung lamp. Kaya pala mahangin dito at maririnig mo agad yung hamlas ng dagat sa lupa kasi beach ang pinuntahan namin.

Sa kabila naman may table na nakalagay, yun ata yung kakainan namin ngayon. At tama naman kami kasi dun kami pumunta.

Ang effort ni dy grabe. Nakakatouch.

Hinila konti ni dy yung upuan na uupuan ko para makaupo ako. Nagpasalamat naman ako sa ginawa niya. Napakagentleman talaga ni Dy, nakakapadagdag nang pogi points.

Marry You (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon