Marry you 7

72 4 0
                                    

Marj

"Mi sunduin nalang kita dito ah" sabi niya pagkalabas ko ng sasakyan niya.

"No need na dy, commute nalang ako." Sabi ko, nakakapagod din kasing magdrive at ayokong mapagod si Dy kakasundo sakin. Syempre dapat kailangan ko rin alagaan si dy.

Alam kong tatangi siya kaya inunahan ko na.

"Dy saglit lang naman ako tsaka sa bahay mo nalang ako sunduin mamaya ok ba yun?"

"Sige ngarud mi ingat ka ha?"

"Ingat ka rin dy, I love you dy"

"I love you more"

Saka siya umalis at ako naman pumasok na ako nang mall.

Una kong ginawa ay bumili ako nang kakailanganin sa bahay. Bumili ako nang mga shampoo, sabon, noodles, at iba pa.

Habang naglalakad ako dito sa mall may napansin ako na cute. Nahikayat ako dun sa kacuteness niya kaya pumasok ako dun sa shop na yun.

Kung titignan isa siyang keychain na magkahawak kamay na babae't lalaki. Tinanong ko yung tao dun isa daw siyang recorder. Dapat isang beses ka lang magrecord dito at permanent na yun.

Dahil sa nagustuhan ko siya, binili ko yun. Plano ko tong ibigay kay dy sa susunod na monthsary namin. Malapit narin pala kaming mag aniversary.

Tumagal nanaman kami, sana tuloy tuloy na to. I wan't to grow old with dy.

Kumain lang ako sa jollibee for lunch at umuwi na, nagpamanicure lang ako at hindi na nagpaayos.

Pagkauwi ko sa bahay, nakaramdam ako nang hilo kaya nagpahinga ako. Siguro dahil lang to sa pagod ko kakalibot sa mall.

Umidlip lang ako saglit at tumayo na para mag shower.

Nagbath tub nalang ako kasi gusto kong marelax muna ngayon. Ewan ko kung ano ang nangyayari sakin.

Nang medyo ok na ako naisipan kong magbihis na. Magsuot ako ng simpleng dress na brown color.

Naisipan kong magpungos nang medyo messy na bun. Naglipstick rin ako pero plain lang siya at nagpolbo lang ako. Hindi na rin ako nagsuot nang kung ano ano pang alahas kundi yung kwintas lang na binigay sakin ni Dy nung 4th aniversary namin.

Syempre yung singsing na binigay niya kahapon sinuot ko rin, importante kaya lahat nang binibigay sakin ni dy at talagang kinekeep ko lahat.

Pumunta ako sa salamin ko na malaki. Tinignan ko kung ayos na ako, parang ang pangit ko.

"Mi?"

"Ay palaka si Dy!" Sigaw ko.

Eh kasi naman bigla bigla nalang may sisilip agad sa salamin. Syempre magugulat ka talaga kung biglang may magpapakita sa salamin. Nakakatakot kaya yun lalong lalo na pag nakaputi pa.

"Ah.. so palaka na ako?" Sabi ni dy nang may nakakalokong ngiti.

Parang may plinaplano siyang patayin este kilitiin ako.

"Hehe hindi naman dy, nagulat lang ako" rason ko, tsaka totoo naman eh.

"Hindi eh, rinig na rinig ko yung sinabi mo na palaka ako" pangasar na sabi niya papalapit sakin

Uh oh

Umaatras ako habang siya humahakbang papunta sakin. Halata kasing kikilitiin niya ko eh, malakas pa naman kiliti ko.

Napahiga ako sa kama ko dahil hindi ko namalayan na kama ko na pala yung nasa likod ko kaya biglang ngumisi si dy kasi may pagkakataon ma siyang kilitiin ako.

"Waaahhh! Dy! Hahahaha wag dyan dy! Lahh hahahaha dy kasi!!"

Di na tuloy ako makahinga kakatawa. You know that feeling haha.

Kiliti lang siya nang kiliti sakin, hanggat sa hindi ko na talaga kaya. Hindi manlang ako makapaghiganting kilitiin siya.

"Dy!!! Hahaha tama na dy haha!"

Di na talaga ako makahinga. I swear.

Nahalata niya siguro na mamamatay na ako joke haha na hindi na ako makahinga kaya itinigil na niya.

Tinitigan niya lang ako habang nasa ibabaw ko siya.

"You look perfect tonight mi" then he kissed me in my checks then to my lips but it took just a second.

Baka kung saan pa mapunta yun, hindi na kami makapag date eh.

"Let's go?" Tanong niya.

Ngumiti lang ako sa kanya. Tumayo na siya at tinulungan naman niya akong tumayo.

Nag-ayos ako saglit dahil nagulo yung buhok ko kanina kakikiliti sakin ni dy.

Nag-aanantay sa baba si dy kaya bumaba na ako.

Pagkalapit ko sa kanya, may ibinigay siya sakin.

"Mi para sayo" bigay niya sakin. Isang bouquet of roses na white. Kung titignan maganda yung roses and pure white siya pero may nagiisang red rose sa ginta.

"Dy bakit white?" Nun kasi bihira lang siya magbigay ng white roses. Tsaka diba white roses symbolizes a friendship? Tama ba?

"Mi may ibig kasing sabihin sakin yan. May isang red rose dyan means mahal kita. And it surrounded white roses kasi ibig sabihin, peace. Diba pagtinaas yung red color sa flag natin it means war? Ayoko kasing puro away ang mangyari sa pagmamahalan natin."

Wait lang?... tama siya ah. Bat di ko naisip yun? Astig. Buti talaga si dy ang minahal ko.

I smell it and it really smells good.

"Tara na mi?"

"Wait lang dy" sabi ko

Lumapit ako dun sa lamesa ko sa sala at pinalitan yung flower dun sa vase. Pinalit ko yung binigay ni dy.

Gusto ko kasing palagi ko tong makita para maalala ko si dy.

"Tara na dy" yaya ko sa kanya.

Pagkalabas namin sa bahay, pinagbuksan niya ako nang pinto nang sasakyan niya.

"Thank you dy"

"Always welcome my love"

Aysus, gentleman daw ang peg eh. Sabagay haha date namin ngayon.

Pagkasara niyaa nung pinto, umikot na siya para umupo sa drivers seat.

Inopen niya na yung engine ng sasakyan at nagsimula na siyang mag drive

Tumitingin lang ako sa mga dinadaanan namin ng may naramdaman akong humawak sa kamay ko.

Tinignan ko si dy kung bakit o kung may problema pero wala siyang pinakitang anumang reaksyon at seryoso lang na nakatingin sa daanan.

Mas hinigpitan niya yung hawak sa kamay ko kaya hinawakan ko rin yun.

Siguro may malalim na iniisip si dy kaya siya ganyan ngayon.

"Idlip ka muna mi, medyo malayo yun eh" sabi niya sakin still nakatingin parin siya sa daanan.

Hindi na ako sumagot pa at sumandal nalang sa bintana. Hanggat sa tinamaan na ako ng antok.

___

Marry You (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon