20 years before...
Naisipan niyang lumabas muna sa kanila bahay dahil naiinip siya sa loob. Ang kambal niyang si Jamiel ay abala sa pag-aaral nito sa library nila samantala siya naman ay wala naman siya alalahanin kasi likas na siya matalino. Hindi sa pagmamayabang pero pinanganak siyang may mataas na IQ at ganun din ang kakambal niyang si Jamiel.
Pareho sila naaaccelerate kaya sa edad nilang siyam na taon nasa sekondarya na sila.
Yung nga lang sadyang masipag lang sa pag-aaral ang kakambal niya si Jamiel kaya mas tutok ito sa pag-aaral kaysa sa kanya. Hindi na siya magtataka dahil alam niya gusto nitong sundan ang kanila ama sa larangan ng pagnenegosyo.
Tinawid niya ang patio ng bahay nila at naisipan niyang maglakad-lakad muna.
Pareho wala ang magulang nila dahil abala ang mga ito sa kani-kanilang trabaho. Ang Mama Amelia niya busy sa kabubukas lang na ospital na pinatayo ng Papa Dave niya para sa Mommy niya.
Napangiti siya. Kahit nagkaanak na ang mga ito nakikita pa rin nila na in love na in love pa rin sa isa't-isa ang mga ito.
Sana makatagpo din siya ng lalaki na katulad ng kanyang ama na matatanggap siya kung ano ang tunay niyang pagkatao.
Bigla siyang natigilan sa paghakbang ng makita niya may isang lalaki sa kabilang kalsada. Abala ito sa skate board nito sinusubukan na ibalanse ang sarili doon. Hindi niya alam kung bakit niya ito pinapanuod wala naman nakakamangha sa ginagawa nito at mukhang hindi naman marunong ito sumakay sa skateboard.
Boring.
Agad na nag-iwas siya ng tingin ng makita niya na napatingin sa gawi niya ang batang lalaki na sa palagay niya ay kaedad lang din niya. Naipilig niya ang ulo kasi biglang kumabog ang dibdib niya.
Weird!
Natigilan siya sa pag-iisip ng makita niya ang paparating na kotse agad na napansin niya na hindi deretso ang pagmamaneho ng driver ng kotse hanggang sa marinig ng matalas niya pandinig ang pag-uusap ng sakay niyun.
"Sandali,bagalan mo lang may bata sa unahan!"sabi ng boses ng isang babae.
Agad siya napalingon sa lalaki na pinapanuod niya kanina.
Masasagasaan siya! Alingawngaw ng wolf niya.
Mabilis ang naging kilos niya kasingbilis ng hangin ay tinakbo niya ang kinaroroonan nito at isang saglit pa ay dinamba niya ang batang lalaki na nagulat sa nangyari at sa biglaan paparating na kotse.
Napaigik siya ng maramdaman ang sakit sa may tuhod at siko niya. Pareho sila nakalupasay sa may damuhan.
"A-a-ayos ka lang?" takot na takot na untag ng batang lalaki ng makabawi ito sa pagkabigla.
Umupo siya sa damuhan at sinipat ang nasaktan niyang tuhod at siko pareho may gasgas at may dugo.
"May sugat ka! Eto panyo ko,"turan nito sabay kuha nito sa panyo na nasa loob ng bulsa nito.
Agad na inabot niya yun at mabilis na tinakpan niya ang sugat sa may tuhod niya ayaw niya makita nito ang kusang paghilom niyun nang maitali niya sa kanyang tuhod agad na tumayo siya para hindi nito makita ang siko niya.
Ipinanganak sila ng kambal niya na may isang katauhan. Ang pagiging lobo. Agad naman nila natanggap ng kambal niya ang pagiging lobo nila dahiL hindi nagkulang ang Mama at Papa nila na ipaunawa sa kanila ang tungkol sa katauhan nilang iyun.
Ang kanilang Mama Amelia ay isang lobo samantalang tao ang kanila Papa kaya alam nilang espesyal sila kumpara sa iba.
"Niligtas mo ako..salamat," untag nito sa kanya.
Tumingin siya sa batang lalaki at nakita niya ang pagkatulala nito sa kanya.
Noon lang niya nakita ang mukha nito. Cute ito pero kailanman hindi pa siya na-cute-an na kahit kanino maliban sa isang ito. Para sa kanya ang kanyang Papa at ang kambal na si Jamiel ang may pinakagwapong mukha sa paningin niya.
Mabilis ang tibok ng kanyang puso. Hindi niya alam kung bakit?
Agad na tinalikuran niya ito at mabilis na lumayo rito. Alam niya naiwang tulala ang niligtas niya hindi lang niya alam kung dahil ba yun sa nangyari na muntik na ito masagasaan o ano?
Marahas siya napabuga ng hangin.
"Saan ka galing?"bungad agad sa kanya ni Jamiel na nasa labas pala ng bahay nila malamang para hanapin siya nito.
Napatingin ito sa tuhod niya.
"Ano yan?" sita nito habang kunot ang noo.
"Ah,wala..fashion lang,"sagot niya.
Umiling ito.
"Meryenda na tayo ininit ko ang baked Mac ni Mama.." anito.
"Okay po!" nakangiti niya saad.
Inalis niya ang kulay asul na panyo sa tuhod niya wala ng bakas na nagasgasan yun at doon niya nakita na may nakasulsing letrang J sa dulo ng panyo.
Isasauli na lang niya ito kapag nagkita sila nito ulit.
Ngunit ng mga sumunod na araw ay hindi na niya nakita pa ang batang lalaki. Sana man lang pala naitanong niya ang pangalan nito para napagtanong-tanong niya.
Itinago na lamang niya ang kulay asul na panyo sakali man na magkita sila muli maibalik niya ulit iyun.
BINABASA MO ANG
Crazy in Love with Her : Sana'a Stonex-Dornan byCallmeAngge(COMPLETED)
Werewolf#Romance #She-wolf #Family #Mate #Firstlove