Chapter 5

8.5K 312 5
                                    

"May sakit po ba kayo?" bigla nag-alala niyang saad ng sabihin ng ina na ihatid niya ito sa hospital kung saan naadmit ang Tita Miriam niya.

Nadischarge na ang Tita M niya at nasa States na ito kasama ng mga pamilya nito para roon ng tuluyan magpagaling. Nag-stay lang kasi ang Tita M niya sa kanila dahil nga ayaw nito ipaalam sa pamilya nito ang tungkol sa karamdaman nito at mabuti na lamang naging maayos na ito ngayon.

Natuon ang mga mata niya sa spice pork adobo na nilalagay nito sa isang transparent na tupperware.

"Wala akong sakit,anak..ibibigay ko lang ito sa kaibigan ko," magiliw na turan ng ina.

Napatitig siya sa kanya mama. Bakas sa mukha ng ina ang kagiliwan nito sa sinasabi nitong kaibigan. Hindi nito ugali ang gawin nito iyun. Mapili sa kakaibiganin ang kanyang ina. Well,mukhang nakuha ng new found friend nito ang loob ng kanyang Mama.

"Naka-admit po ba dun?" muli niyang usisa habang hinihigop na ang kape niya na tinimpla nito para sa kanya.

"No,Yung doktor ng Tita M mo," nakangiti nitong sagot agad.

Tumango-tango siya. Kaya naman pala. Baka kasing-edad lang din nito at kilala niya ang Mama niya. Palakwento ito at ang love story lang naman ito ang paulit-ulit nito ikukwento at mukhang naging interesado ang doktor na yun sa love story ng Mama niya.

"Alam mo bang napakaganda ng doktorang iyun? Sana'a ang pangalan niya at magkaedad lang kayo,anak.." may himig na kung ano sa huling sinabi nito.

Natigilan siya sa sinabi ng ina. Kung gayun bata pa pala ang tinutukoy nitong kaibigan na doktor. "Nirereto niyo ba sakin?"panghuhuli niya sa ina.

Tumawa ito at sabay kindat sa kanya na kinailing niya.

"Baka sakali lang,I like her so much..napakagaan ng loob ko sa kanya..and she's so very angelic face,mukha siyang anghel!"puring-puri nitong saad.

Natigilan siya sa huling sinabi ng ina.

Angelic Face?

Bigla bumalik ang alaala iyun noong twenty years ago.

Ang batang babae na may malaanghel na mukha. His guardian Angel. His first love.

"Magpapalit lang ako ng damit then alis na tayo,okay?"pukaw nito sa kanya pagkaraan.

"Okay,"pagtango niya sa ina.

Ngayon lang niya nakita na masaya ang Mama niya sa isang kaibigan na kaedad lang niya. Ang mama niya bumabagets feel.

Masaya siya na masaya ang mama niya. Iyun lang ang hangad niya. Minsan kasi nawawalan din siya ng oras na makasama ang ina dahil abala din siya sa shops niya.

Dapat pasalamatan niya ang doktor na yun.

Sana'a..hmm,magandang pangalan..maganda nga daw ito parang anghel?

Kuryuso tuloy siya. Naniniwala siya sa ina kapag sa oras na namuri itong ng iba. Malamang nga na mukha ngang anghel ang kaibigan nito.

Bigla may kung anong binuhay na kuryuso sa kalooban niya na makilala ang Sana'a iyun.

Pero syempre ang first love pa rin niya ang gugustuhin niyang makitang muli.

He sighed. Kailan kaya sila ulit magkikita ng Angel niya? Mangyayari pa kaya yun?

May tuwa siyang nararamdaman habang hinihintay niya ang pagdating ni Tita Melissa. Yes,hindi na Mrs.Evans ang tawag niya rito kundi Tita na. May friendship na sila nabuo kaya naman natutuwa siya na may makilalang isang kaibigan sa katauhan ng ginang.

Agad na inihanda niya ang isang matamis na ngiti sa mga labi niya ng may kumatok at bumukas iyun at sumilay ang ginang.

"Good morning,Tita Melissa!" pagbati niya rito agad at sinalubong.

Hinalikan niya ito sa pisngi.

"Good morning din..heto may specialty spice pork adobo!" anito sa bitbit nitong paper bag.

"Wow! Thank you,Tita..mukhang naiispoiled niyo na ko ha,last time pinag-bake niyo ko ng Cake ngayon naman masarap na adobo," natutuwa niyang saad.

"Naku,maliit na bagay lang yun,masaya ako na may pinagluluto ako at pinagbi-bake maliban kay Jeff," anito.

"Kasama ko nga pala siya,ahm,gusto kita ipakilala sa kanya,okay lang ba?"anito na mahihimigan sa boses nito ang excitement.

"Sure,kayo pa ba?!"agad na tugon niya sa ginang.

Tumatawa na binuksan nito ang pintuan muli at tinawag ang pangalan ng anak nito na nasa labas at habang nilalagay niya sa may dining area niya sa opisina ang paperbag.

Agad na bumaling sya ng marinig ng sumara ang pintuan.

Agad na nagtama ang mga mata nila ng lalaki na kasama ni Tita Melissa.

Isang pamilyar na pares ng mga mata. Ang kulay brown nitong mga mata na nagpabalik sa kanya sa nakaraan. Hinding-hindi niya makakalimutan ang mga mata nito na noon ay tulala na nakatitig sa kanya ng mga oras na iyun.

Ang batang lalaki na niligtas niya noon!

Ang pagtibok ng puso niya noon habang magkatitig sila nito noon ay nararamdaman niya muli ngayon na magkatitig sila ng binata.

That skater boy!

Manghang nakatitig siya sa lalaki na nakatitig lang din sa kanya. Tila ba nabato-balani ito sa kanya. Gaya niya tila may kislap ang mga mata na isang pamilyaridad.

Naalala ka pa kaya niya?

Hindi siya sigurado dalawang dekada na ang nakakalipas at batang-bata pa sila ng mga panahon iyun at marami ng nagbago lalo na sa pisikal na anyo nila pero hindi ang mga mata nito na naging pamilyaridad na sa kanya.

Ang mga mata nito na hangang-hanga sa kanya na nakatitig noon ng mga oras na iyun gaya na lang din kung paano siya titigan ng mga mata nito ngayon.

Hindi siya nagkakamali na ito nga ang may-ari ng kulay asul na panyo na iyun.

Small world,huh..

Sadya nga maliit ang mundo at pinagtagpo sila muli nito at ang nakakamangha pa roon ay naging malapit sa kanya ang ina nito.

Hindi kaya nakatakda na talaga na patagpuin sila ng tadhana?

It's seem he is our mate?

May kung lumukob na hindi pamilyar na damdamin ang umusbong sa dibdib niya.

Is that love?

Uh,love at first sight ba?

Baka noon pa lang may nabuo na talagang damdamin siya para rito?

Is that called...first love?

Crazy in Love with Her : Sana'a Stonex-Dornan byCallmeAngge(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon