Hindi siya makakain ng maayos iyun ay dahil namamangha pa rin siya sa mga kasama niya sa mesa.
Samahan pa na naiintimidate siya sa Padre-de familia Dornan.
Hindi siya makapaniwala na kasalo niya sa isang hapunan ang mga magulang ng Doktora.
Napakaganda at mukhang anghel si Mrs.Dornan. Alam na niya kung saan namana ng doktora ang angkin nitong kagandahan.
Kung anong puno siya ang bunga. Nakakamanghang mga babae.
Sa kabila ng paghanga niya sa dalawang babae nababagabag din siya sa presensya ni Mr.Dornan. Hindi niya naisip na ang kilalang businessman na si Dave Dornan ang ama ng doktora.
Bakit ba kasi ignorante siya pagdating sa mga social issues?
Paano na lang kung bigla siya nitong tanungin sa kung ano nagaganap na may kinalaman sa business o social whatever na yun!
Mapapahiya pa siya!
Damn! Kahit pareho sila ng mundong ginagalawan nito nakikini-kinita niya na kaya siya nitong durugin gamit lamang ng daliri nito. Sobrang nakakaintimidate ng presensya nito. Ngayon lamang siya kinabahan ng ganito.
"Ano naman ang kinaaabalahan mo ngayon,hijo?" pukaw sa kanya ni Mrs.Dornan.
Gusto niya mailang na tinatawag siya nitong Hijo gayun napakabatang tingnan nito.
Tumikhim muna siya bago sumagot.
"May itinayo po akong shop kasosyo ang isang kaibigan,Ma'am.." tugon niya.
"Anong klaseng shop?" intimidating na tanong ni Mr.Dornan.
"Mga Sport Materials po ang binibenta namin,Sir.."may kabang tugon niya.
"Kung ganun,anong sports mo?" muli pang-uusisa nito.
"Skate boarding po,Sir.."matapat niyang tugon rito.
Tumango-tango ito.
"Sa dami ng sports bakit iyun ang napili mo?"tanong nito muli maya-maya.
Ito na nga yun nagpapakaba sa kanya!
" Ahm,siguro,Sir..kakaunti lamang ang may hilig sa ganung sports sabi nga po nila takaw aksidente ang pag-iiskate board..pwedeng ikamatay kapag nagkamali ka at hindi naging maingat,Sir"pagsagot niya sa tanong nito.
"Totoo yun..mabuti naman at maingat ka," magaan na nitong saad pero mahihimigan ang pagdududa nito kung ginagawa nga niya iyun.
Imbes na maoffend siya sa sinabi ng Ginoo natawa siya.
"Ilang beses na rin po akong muntikan mabalian ng buto,Sir,"magaan niyang saad.
Saka lang niya napuna ang sarili na unting-unti nawawala ang kaba niya rito habang nagtatagal.
"Well,mag-ingat ka na lang,"matapat nitong saad.
"Thank you,Sir.." matapat din niyang tugon rito.
Palihim siyang napahinga ng malalim. Pakiramdam niya na hotseat siya nito hindi pa man sila nagkakalapit ng anak nitong si Doktora Sana'a.
Talagang gusto mong mapalapit sa kanya? Untag ng isip niya..
Hindi ba pwede? Isa pa kaibigan siya ni Mama dapat lang na kaibiganin ko din siya,mayabang niyang sagot sa isip niya.
Talagang umaasa kang siya ang guardian angel mo noh?
He sighed. Inabot niya ang wineglass na may laman na nakakamanghang inumin na gawa sa katas ng rosas.
Napasulyap siya sa batang doktora. Nakangiti ito habang kausap ang Mama niya.
Bumibilis ang tibok ng puso niya.
Ayaw niyang isipin pero ito talaga ang iniisip niyang Guardian Angel niya.
Wala rin naman masama kung isipin niya iyun. Wala naman nakakaalam bukod sa kaibigan niyang si Ed na hindi niya kung tama ba na ikinuwento pa niya rito ang tungkol dun.
Napasulyap siya sa ina ng dalaga. Nakangiti ito agad sa kanya na sinuklian naman niya ng ngiti.
Gusto niyang isipin na nagustuhan siya ng ginang.
Talaga lang,Jeffrey. Advance kang mag-isip.
Bagay naman kami ni Sana'a ah!
BINABASA MO ANG
Crazy in Love with Her : Sana'a Stonex-Dornan byCallmeAngge(COMPLETED)
Werewolf#Romance #She-wolf #Family #Mate #Firstlove