Final Chapter

7.7K 250 23
                                    

Mahigpit na yakap-yakap nila ang isa't-isa ni Jeffrey na ngayon ay kanya ng asawa.

Sinasabayan nila ang malamyos na awitin habang magkayakap na sumasayaw sa gitna ng grand hall ng Dalia Hotel na pag-aari nila kung saan ginanap ang reception ng kanilang kasal.

Napapalibutan sila ng mga mahal nila sa buhay na may kanya-kanya din kayakap at kausap.

"Hinding-hindi ko makakalimutan ang araw na ito,my wife," usal nito maya-maya.

Napangiti siya habang nakahilig sa balikat ng asawa.

"Ganun din ako,mahal kong asawa.." sagot niya.

"Mahal na mahal kita,Sana'a.."

Dumistansya siya upang magtagpo ang kanila mga mata.

Naiiyak na tumitig siya sa gwapo mukha ng asawa niya na matamis na nakangiti sa kanya.

"Higit pa sa buhay ko ang pagmamahal ko sayo,Jeffrey.." usal niya rito.

Masuyo niya hinaplos ang pisngi nito. "Gusto ko ng anak na katulad mo para may isa pang babae na tulad ko ang maswerte na makakatagpo sa isang tulad mo," aniya.

"Gagawa tayo mamaya.." pilyo nitong sagot.

Napatawa siya sa sinabi ng asawa. Tumatawa na hinalikan niya ang bibig nito.

Isang tikhim ang umaga sa atensyon nila.

"Amore!!" supresa niya ng makita ang doktora. Agad na niyakap niya ito.

"Malapit na kong magtampo sayo,akala ko hindi ka makakarating," aniya.

"Hay Naku..ikaw pa ba? Ang ganitong eksena ang lagi akong present," anito na binuntutan pa ng pagkindat.

Tumawa siya. "Don't worry,hindi ako mali-late sa kasal mo," nakangisi niyang tugon rito.

Natigilan ito saglit at natawa din pagkaraan.

"Anyway,Congratulations sa inyong dalawa..ingatan mo itong baby girl namin ha,"baling nito sa asawa niya.

" Yes,I will.."agad na tugon ng asawa niya rito.

"Sige na,ituloy niyo lang yan loving-loving niyo,mag-iikot lang ako.." paalam na nito sa kanila.

"Okay,thank you.."

Agad na niyakap siya ng asawa.

"Ngayon ko lang siya nakita.."anito.

" Gala yun eh,lahat ng kabundukan o mga liblib na lugar dito sa pilipinas napuntahan na ata niya,minsan sumasama ako sa kanya..sa medical mission niya,"aniya.

"Hmm.." anito habang sinasayaw siya muli nito.

"Alam mo bang hundred years na siya," aniya.

Napatigil ito sa pagsayaw sa kanya.

"Hindi nga?" mulagat nito.

"Yes,mga lobo kami eh," aniya na sinabayan pa niya ng pagkindat.

Napuna niya ang bigla pagseryoso nito.

"Bakit?" sita niya rito.

Marahas ito bumuga ng hangin.

"Kung ganun mananatili kang bata at maganda tingnan kahit hundred years ka na? Paano ako? Tatanda ako saka hindi ako aabot ng hundred years tapos ikaw..." mahina nitong saad.

Ikinulong niya sa pagitan ng mga palad niya ang mukha ng asawa.

"Huwag mo ng problemahin yun,nakita mo bang tumatanda si Papa? Ang mga Tito ko?"

Natigilan ito sandali at umiling pagkaraan.

"Si Papa kasi ang unang lalaki na nag-alala tungkol sa edad at itsura niya gaya mo dahil nga hindi kami tumatanda at may mahabang buhay kumpara sa inyo.." aniya.

"A-anong ibig mong sabihin?"

Nginitian niya ang asawa.

"May ginawa si Mama na potion para sa kanila at alam kong darating din ang araw na magtatanong ka ng ganyan...lahat kayo na mate namin mga lobo ay may sagot dyan," aniya na may masayang ngiti sa mga labi niya.

Mangha na niyakap siya ng mahigpit ng asawa.

"Okay,hindi na ko mag-aalala sa bagay na yan..Nakakamangha ang mga tulad niyong mga lobo," anito.

"Mahal na mahal kita," nakangiti usal niya.

"I love you more,My wife.." puno ng pagmamahal na tugon nito sa kanya.

The end.

💜💜💜💜💜💜💜💜💜💜💜💜💜

Salamat muli sa nagbasa at bumabasa.

Thank you din sa mga nag-aadd sakin sa FB..hehe salamuch!

Crazy in Love with Her : Sana'a Stonex-Dornan byCallmeAngge(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon