Agad siya natigilan ng ilang hakbang na lang bago niya marating ang opisina niya ng maamoy niya ang pamilyar na amoy na yun.
Si mate!
Easy,wolf..excited lang?
As if naman ako lang ang excited..Iisa lang tayo noh.
Napangisi siya sa sinabi nito. Nadatnan niyang panay ang ngiti ng Assistant niyang si Nurse Ella habang kausap nito ang lalaki. Mukhang kakarating lang nito.
"Doktora!" agad na pagtawag sa kanya ni Ella.
Agad na napalingon sa kanya ang lalaki.
Nginitian niya ito at may mahiyain ngiti ito tinugon sa kanya.
Gwapo na nga ito nagagawa pa nito maging cute. Wow.
Dapat lang noh,dapat bagay satin kagandahan ang lalaking itinakda satin!
"Hi," bati niya rito.
"Ahm,Hi..ahm,pasensya na napadaan lang ako.." anito.
Tumango siya. "Sa opisina tayo mag-usap..Ella,pwede bang ikuha mo ng maiinom si Mr.Evans?" baling niya kay Ella.
"Sure,right away!" agad na talima nito hindi maikubli ang kilig nito.
Giniya niya papasok sa loob ng opisina niya ang binata. Inunahan siya nitong buksan ang pintuan at pinauna siyang papasukin sa loob.
"Thank you," nakangiti niyang saad.
Hmm,gentleman din pala.
"Be seated,please.." alok niya agad rito pagkapasok nila ng opisina niya.
Sa may receiving area niya ito giniya.
"Kamusta si Tita Melissa?" pagbubukas niya ng usapan pagkaraan nila maupo ng magkatapat. Nasa single sofa siya habang nakacross legs at ito naman nasa mahabang sofa.
"She's doing fine,always..lalo na ng makilala ka niya," anito na may ngiti sa mga labi ng mabanggit ang ina nito.
"I'm glad to hear that at masaya din ako na parte ako ng pagiging okay niya.." nakangiti niyang saad.
"Yes..at gusto ko na din sana magpasalamat sayo dahil hinayaang mong maging malapit kayo sa isa't-isa at natotolerate mo ang pagiging makulit niya,"anito sa namamanghang turan.
Napangiti siya sa sinabi nito patungkol sa Mama nito.
" Gusto ko ang Mama mo..parang Mama ko na rin siya dahil pareho sila ng Mama ko na malambing at sweet.."nakangiti niya saad.
Napangiti ito at napatitig siya sa gwapong mukha nito. Nanatiling mabilis ang tibok ng kaniyang puso.
Bumukas ang pintuan at pumasok si Ella na may bitbit na tray. May dalawang tasa doon.
"Thank you,Ella.."agad na pasasalamat niya rito.
"Your Welcome! Enjoy your drink!" anito na tila kinikilig pa habang sinasabi iyun at mahihimigan na may panunudyo sa boses nito.
Napailing na lang siya.
"Umiinom ka ba ng Tea?" aniya.
Sumulyap ito sa tasa na nasa harapan nito.
"Hindi masyado.."matapat nitong tugon.
"Gawa siya sa pinatuyong Rosas..try it,"saad niya rito.
"Sure,lagi ko nga naririnig sa iba ang tungkol sa Rosas na ginagawang pagkain at inumin at talaga naman nakakabilib nga lalo na ng matikman ko ang pagkain sa restaurant at yung Rose wine saka Tita mo pala ang nakaisip na gawin pagkain ang mga Rosas,"namamangha nitong saad habang dinadampot nito ang tasa na may Rose Tea ng Tita Gabbie niya.
She's smiled at him.
"Yes,I'm so proud of her,"proud na proud niyang turan.
Dinala nito sa labi nito ang tasa at simimsim roon. Pinanuod niya ang magiging reaksyon nito.
Nakita niya ang pagguhit ng pagkamangha sa mukha nito ng matikman na nito ang tsaa.
"Do you like it?"untag niya rito.
Tumitig sa kanya ang kulay brown nitong mga mata. Dumaan sa mga mata nito ang paghanga. Sa tsaa o..sa kanya?
"Yes,nagustuhan ko,uhm,masarap ang hagod sa lalamunan at hindi siya mapait.."komento nito pagkaraan.
Tumango siya sa sinabi nito na may kaakibat na ngiti.
" I'm glad you like it,Jeff.."usal niya.
Natigilan ito ng sambitin niya ang pangalan nito.
"Ahm,kailan ka pwede?"anito habang nakatitig sa kanya. Bigla ito nakaramdam sa sinabi nito.
" I mean yung tungkol sa pangako ko?"paglilinaw nito ng hindi siya kaagad nakaimik.
Napangiti siya.
"This weekend,I'm free.." tugon niya.
Maya-maya pa ay sumilay ang isang ngiti sa mga labi nito.
"Okay,this weekend,then.." anito.
Sana bukas agad yun noh!
Kinubli ang ngiti sa mga labi niya sa pamamagitan ng pagsimsim sa tsaa na para sa kanya.
Nagkakwentuhan pa sila ng binata. Tungkol sa Mama nito at kahit ilang beses na niya iyun naririnig mula sa Mama nito hindi siya magsasawa na pakinggan iyun lalo na kung ang lalaking tinitibok ng puso niya ang pakikinggan niya.
Hinayaan niya na magsalita ng magsalita ang binata na dalang-dala sa sinasabi nito patungkol sa Mama nito hanggang sa maikwento nito ang narating nito at kung paano nagsimula ang pinatayo nitong shop.
Ayon rito sa Trust Fund mula sa ama nitong amerikano nanggaling ang naging puhunan nito ng makapagtapos na ng pag-aaral ang binata.
Nagagalak siya malaman na nagsikap ito sa kabila na namumuhay din ito sa karangyaan pero ayon dito pera daw iyun ng ama nito kaya nais nitong palaguin ang pera kaya naisip nitong magtaguyod ng business at ngayon ay nakikilala na ang shop nito at dumadami na ang suki nito.
Walang duda na magugustuhan ito ng kanyang ina. Masikap at family-oriented pa.
Ang kanyang Papa Dave na lang ang hindi nakakaalam tungkol sa binata. Mukhang hindi pa sinasabi ng kanyang ina ang tungkol sa mate niya.
Marahil gusto ng kanyang ina na makilala muna niya ang binata bago pa makielam ang kanyang Papa...ang mga Titos niya lalo na ang mga malolokong pinsan niya.
"Sana hindi ka na bored sa mga kinuwento ko?"untag nito pagkaraan.
"Hindi naman,interesting nga eh. Saka nga bilib nga ko sayo kasi sa kabila ng maganda estado ng buhay mo nagsisikap ka pa rin on your own way,"komento niya.
Napangiti ang binata at tila pa ito nahiya sa sinabi niyang iyun.
Nagbablush siya oh!
Napahawak ito sa batok nito. "Ayoko lang umasa lang sa pera ng Daddy saka gusto ko paghirapan ang isang bagay para naman sa ganun maipagmalaki ko sa lahat na hindi ko lang basta yun nakuha ma pinagpaguran ko rin gaya ng kung paano pinaghihirapan ng mas nakakababa satin ang isang bagay,"anito na mas lalo niya kinamangha mula sa binata.
Matamis niya nginitian ang binata.
"Gustong-gusto ko ang isang tulad mo,Jeff.."
Napangiti siya ng marinig ang bigla paghinto ng pagtibok ng puso nito.
Yeah,he's amazing,too..
BINABASA MO ANG
Crazy in Love with Her : Sana'a Stonex-Dornan byCallmeAngge(COMPLETED)
Hombres Lobo#Romance #She-wolf #Family #Mate #Firstlove