Shit!
Tama ang Mama niya maganda at mukhang anghel nga ang doktor na bagong kaibigan ng kanyang Mama.
Nakatitig siya sa kulay tsokolate nitong mga mata. Tila may kung ano pamilyaridad siya nakikita sa doktora.
Her angelic face and her eyes.
"Jeffrey,please,meet Dra.Sana'a Dornan..Doktora,my son,Jeffrey," pagpapakilala na sa kanila ng mama niya sa doktora.
Tumikhim siya kasi bigla siya napahiya sa sarili alam niyang nakita nito ang pagkatulala niya rito. Ayaw din naman niya makita ng Mama niya ang naging epekto ng babae sa kanya. Paniguradong tutuksuhin siya nito.
Nilahad niya ang kamay para makipagkamay rito.
"It's nice to meet you,Doktora," saad niya sa kalmanteng tono pero hindi ang sistema niya na bigla na lamang nabulabog dahil rito.
Inabot naman nito iyun at agad na rumihistro sa ugat niya ang pamilyar na sensasyon iyun.
Noong inabot niya ang panyo sa batang babae. Mainit ang balat nito gaya ng balat ng doktora na kadaupan palad niya ngayon.
Shit! Pati ang mabilis na tibok ng puso niya pamilyar sa kanya! Pareho lang din sa batang babae.
Napangiti ito at bumaba ang tingin sa kamay nila na magkahawak pa rin o tamang sabihin na hawak pa rin niya.
Bigla siyang napahiya kaya agad na binitawan niya ang malambot at mainit nitong kamay. Bigla siya nanginig kasi pamilyar talaga sa kanya ang lahat rito.
"Kinagagalak din kita makilala,Mr.Evans..lagi ka binibida sakin ni Tita Melissa,she's so proud of you," anito na may pagkamangha sabi.
Napasulyap siya sa kanyang ina na may kakaibang kislap sa mga mata nito. Mabilis na kinindatan siya nito.
Gusto niya mapailing. Ang Mama talaga niya.
Damn! Cool lang,self. Parang ngayon ka lang nakakita ng babae ah!
Naikuyom niya ang mga palad. Pilit siyang ngumiti rito.
"Mas proud ako na naging Mama ko siya,"kalmante na niyang tugon sa doktora.
Muli siyang natulala sa ngiti nito. Ang ngiti na tila nagbibigay ng liwanag sa gitna ng kadiliman.
Oh shit! Ito ang pangalawang pagkakataon na natulala siya sa isang babae at pareho pang mukhang anghel!
Hindi kaya...hindi kaya siya--hindi,imposible!
Twenty years ago na mula ng magkita sila ng Angel niya at ni pangalan nito hindi niya alam. Ayaw niya mapahiya kung ito ang iisipin niyang ang batang babae noon. Mahirap na baka kung ano isipin nito sa kanya kapag nalaman nito iyun.
Dapat ba ikahiya mo yun,Evans?
Shit.
Maraming magkakahawig sa mundo kaya malamang hindi lang ang guardian Angel niya ang may ganun malaanghel na mukha.
Ipinilig niya ang ulo.
Relax,Jeffrey..walang kasiguruduhan na siya nga yun? Stop imagining that beautiful doctor is your guardian angel!
Hindi makapaniwala na napatitig na lamang sa nakasaradong pintuan si Sana'a. Manghang-mangha pa rin siya hanggang ngayon.Kanina pa umalis ang mag-ina at naiwan siyang tulala.
Kaya pala..kaya pala ng makita niya ito natutulog sa silid noon ng pasyente niyang si Mrs. Smith kahit nakatalikod ito pamilyar na ito sa kanya at alam niyang ito din ang lalaki nakita niya sa coffee shop. Iisa lamang ang sinasabi ng tibok ng puso niya.
Si Jeffrey ang batang lalaki na pilit na binabalanse ang sarili sa skate board at ang muntik ng masagasaan noon ay muli silang pinagtagpo ng tadhana!
Noong bata siya hindi pa siya aware tungkol sa mate pero nang tumuntong siya sa edad na labingwalong taon gulang saka lang sinabi ng Mama Amelia niya ang tungkol sa Mate na yun. Marami na ang nanliligaw sa kanya noon pero wala man lang siyang nararamdaman paghanga sa mga ito ay iyun pala dahil sa iisang lalaki lamang siya hahanga at iibig. Sa kanyang mate,ang lalaking itinakda sa kanya.
Noon niyang natanto na natagpuan na niya ang mate niya noon pa lang at ngayon nga ay nagtagpo muli sila makalipas ang dalawang dekada.
Hinila niya ang isang drawer sa gilid ng desk niya at kinuha niya ang kulay asul na panyo na may nakaburdang letter J.
Napangiti siya. J initial name sa pangalan nitong Jeffrey.
Mate niya ang nagmamay-ari ng panyong ito.
Oo,her mate.
Hindi ba pinagtatagpo lamang sila ng tao na patitibukin ang puso mo ay dahil siya na ang taong nakatakda sayo.
Hindi pa alam ng kanyan ina at ama niya ang tungkol sa pagkikita nila noon ni Jeffrey. Sigurado siya magtatanong at magtatanong ang mga ito sa kanya. Kaya kailangan niyang maghanda sa isasagot niya at sa ipapaliwanag niya kung bakit hindi siya agad nagkwento tungkol sa pagtatagpo nila ng binata.
Muli niyang tinitigan ang asul na panyo. Kung ibabalik ba niya ito sa binata maalala pa kaya nito iyun?
Maalala pa kaya siya nito?
Malay natin maalala ka niya lalo na kung makita niya yang panyo may burda naman ng initial name niya eh..unless na lang kung nagkaamnesia siya.
Siguro nga maalala nito sakalin man ibalik na niya ang panyo nito. Hindi naman siguro nito makakalimutan agad nito ang pagsagip niya sa buhay nito.
Infairness,ang gwapo niya ngayon kasi noon sabi mo cute lang siya noon?
Natawa siya ng mahina ng maalala nga niya na sinabi niya iyun ng makita niya ang binata.
Para sa kanya ang Kuya Jamiel at ang Papa Dave lang niya ang gwapo sa paningin niya.
May ngiti sa mga labi niya na isinandal niya likuran sa sandalan ng inuupuan niya at inalala muli ang eksena iyun dalawang dekada na ang nakakalipas.
Hinding-hindi niya iyun makakalimutan. Iyun ang alaala na binabalikan niya sa tuwing pinagmamasdan niya ang panyo na pag-aari ni Jeffrey.
Ingat na ingat siya sa panyo nito dahil naniniwala siya na darating ang tamang pamahon na magtatagpo sila nitong muli at hindi nga siya nabigo qt binigo ng tadhana.
Sa wakas maibabalik na niya ang panyo nito.
At sana din hindi lang thank you and goodbye agad..
Ang tadhana na ang bahala kung saan sila hahantong ang muli nilang pagkikita.
Ayaw mo bang ikaw na gumawa ng moves para alam mo na..
Napanguso siya sa nais na mangyari ng wolf niya.
Naniniwala siya na kung tinadhana nga sila sa isa't-isa hindi na niya kailangan pang manipulahin ang lahat.
Hmm,sabagay tama ka dyan..saka kita naman na naattract agad sayo si skaterboy eh..
BINABASA MO ANG
Crazy in Love with Her : Sana'a Stonex-Dornan byCallmeAngge(COMPLETED)
Werewolf#Romance #She-wolf #Family #Mate #Firstlove