Chapter 31

7K 224 4
                                    

Ayaw pa sana niya magmulat ng mga mata pero kumakalam na ang sikmura niya. Wala pa nga pala siyang almusal. Ngunit wala naman siya ganang kumain.

Hindi naman na siya makaramdam ng sakit o baka tanggap na niya ang katotohanan na hindi sila para sa isa't-isa.

Malinaw pa sa kanya ang pag-uusap nila ng binata. Hindi na niya alam kung ano na ba ang naging reaksyon nito sa lahat ng mga nalaman nito sa kanya.

"Nagugutom ka na ba?"untag ng pamilyar na boses na iyun.

Napabalikwas siya sa pagkakadapa niya ng marinig ang boses na iyun.

Nakatayo ito sa nakabukas na terrace niya.

Tila huminto din sa pagtibok ang puso niya ng makita ang binata.

"J-jeff? B-bakit nandito ka pa?" maang niyang saad.

"Ahm,pinayagan nila ako Tita at Tito na pumasok rito sa kwarto mo..pinag-aalala mo ako,"tugon nito sa kanya.

" H-hindi ka umalis?"naninimbang na tanong niya rito.

"Hindi..hindi ako umalis,Sana'a..nag-alala ako sayo kanina ng bigla ka na lang nawalan ng malay," anito na may pag-aalala sa nangyari sa kanya kanina.

Mas iniisip pa nito ang nangyari sa kanya kanina ng mawalan na siya ng malay kaysa ang mga nalaman nito mula sa kanya.

Pinigilan niya na maiyak muli. Pinuno niya ng hangin ang dibdib at dahan-dahan siyang umalis sa kama niya.

Naglagay siya ng distansya sa pagitan nilang dalawa. Tila napuna nito iyun.

"Ang layo mo sakin? Hindi ba sabi mo gusto mo na lagi kang malapit sakin..?" paalala nito sa kanya may hinanampo sa tono nito.

Napakurap-kurap siya sa inakto nito.

Naalala nga niya na sinabi niya nga iyun sa binata.

Mapait siya napangiti.

"Ayoko lang na mailang ka sakin ngayon alam mo na kung ano ako,"mapait niyang sabi sa binata.

Mataman siya tinitigan ng binata. Maya-maya ay inangat nito ang kamay at nilahad sa kanya.

"Ayoko ng malayo ka sakin..ayoko na nilalayo mo ang sarili mo sakin dahil lang sa magkaiba tayo..ayoko ng ganun,nakalimutan mo na ba ang sinabi ko sayo kanina? Mahal kita,Sana'a..ikaw ang guardian angel ko..ang first love ko," matiim nitong saad. Nasa mga mata nito ang sinseridad sa bawat salitang lumalabas sa bibig nito.

Nag-iinit na ang sulok ng mga mata niya.

"Mahal kita,Sana'a..tanggap ko kung ano ka pa man..hindi magpapabago yun sa kung ano nararamdaman ko para sayo,"patuloy nito.

" Oo..aaminin kong nakaramdam ako ng pagkashock,confuse at--"

"Takot,"inunahan niya ito sa pagsasabi ng salitang iyun.

Nagbaba siya ng paningin. Iyun ang salita na ayaw niya makita mula rito.

"Oo..natakot ako.."usal nito na siyang nagpasakit sa kanya.

Tila may pumiga sa puso niya na aminin iyun ng binata pero alam naman niya iyun masakit lang talagang marinig iyun ng harapan.

"Natakot ako na baka paghiwalayin tayo ng katotohanan iyun,Sana'a.."patuloy nito.

Marahas siya napaangat ng mukha rito. Nalilito sa sinabi nitong iyun.

"Nang makita ko na isa kang lobo..alam mo kung ano ang mga pumasok sa isip ko?"anito.

Puno ng pangamba na umiling siya rito.

"Baka ilayo mo ang sarili mo sakin..baka paglayuin nila tayo kasi hindi tayo pareho ng pinagmulan..na baka isipin mo na saktan kita dahil alam mong malupet kaming mga tao..natakot ako na baka hindi mo akong mahalin dahil tao ako,oo..nahusgahan kita at nahihiya ako sa sarili ko,patawarin mo ako sa bagay na yun,Sana'a,"pagsasalita nito mahihimigan ang guilt roon at ang pagmamahal nito para sa kanya. Higit sa lahat ay Nakita niya ang kislap ng takot at pangamba nito na baka hindi na mabigyan ng pagkakataon ang pag-iibigan nila ng binata.

Tuluyan ng kumawala ang luha na kanina pa niya pinipigilan.

"B-bakit ko naman gagawin yun? Ako kaya ang natakot na baka hindi mo ako matanggap..natatakot ako na baka hindi mo na kong mahalin kapag nakita mo na ang tunay na katauhan ko..pero haharapin ko yun dahil m-mahal kita" umiiyak niyang saad.

Mabilis na inabot nito ang kamay niya at tinawid nito ang distansya nila.

"Sshh,please,don't cry..I'm sorry dahil sakin nakaramdam ka ng takot..ayoko ng maramdaman mo pa ulit yun,please ,don't be afraid again,I love you so much," usal nito bago sakupin ang kanyang bibig na bahagyang nanginginig dahil sa pag-iyak niya.

Lumuluhang tinugon niya ang puno ng pagmamahal na halik nito sa kanya.

Akala lang pala niya. Nag-isip lang siya ng mga negatibo. Siya ang dapat ma humingi ng sorry dito dahil naging mahina siya. Pinairal niya ang takot na nararamdaman.

"Mahal na mahal kita,Sana'a "madamdamin nitong anas habang magkadikit pa rin ang mga labi nila.

"Mahal na mahal din kita,Jeffrey.."madamdamin naman niyang tugon sa binata.

Muli nito sinakop ang mga labi niya na puno ng pagmamahal.

Crazy in Love with Her : Sana'a Stonex-Dornan byCallmeAngge(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon