Chapter 1

10.8K 352 5
                                    

Isang matamis na ngiti ang tinugon niya sa mga nurses na bumabati sa kanya habang papasok siya sa hospital. Ang hospital na pag-aari ng kanyang Mama Amelia.

Hindi lang siya anak ng may-ari ng hospital nagtatrabaho din siya bilang Surgical Doctor gaya ng kanyang ina roon.

"Good morning,Doktora!" pagbati sa kanya ni Nurse Ella. Ang kanyang assistant.

"Morning.."tugon niya at sinuot ang kulay puti na doctor's white robe. Nakasulsi sa kanan dibdib ang pangalan na Dra.Sana'a Dornan.

Agad na binuksan niya ang kanyang laptop pagkaraan umupo sa likod ng desk niya.

"At 9:00 o'clock .. ang operasyon niyo kay Mrs.Smith," paala nito sa schedule niya para sa araw niya ngayon.

Tumango siya habang nasa screen pa rin ng laptop ang kanyang mga mata.

"Then,her vitals sign is still normal.."patuloy nito. "She's ready for the operation,doktora,"nakangiti nitong dagdag.

"Okay,good..ready na ba ang OR?" aniya na nasa laptop pa rin ang mga mata.

"Yes,Doktora..Kayo at ang pasyente niyo na lang ang hinihintay!" masigla nitong sagot.

Saka siya nag-angat ng mukha kay Nurse Ella. Nginitian niya ito.

"Thank you,dear!" aniya na sinuklian niya ng matamis na ngiti ang ngiti nito.

"Your welcome ,doktora!" tugon nito.

May kakayahan man siya na makapaggamot ng kahit anong sakit gaya ng kanyang Mama Amelia niya. Limitado pa rin nila iyun ginagamit. Napagkasunduan nila ng kanyang Mama na gagamitin lang nila lamang ang pagiging Healer nila kung kinakailangan. Mas ginagamit nila ang natutunan nila sa siyensya ng ilang taon din nila pinag-aralan at pinursige na matuto pa bago sila naging lisensyadong doktor ng kanyang Mama.

"May pa-pool party kina Minda,hindi ka pupunta?" nagtataka saad ni Ed,ang kasosyo niya sa pinatayo niyang negosyo kung saan lahat ng klase na kagamitan sa mga sports materials ay makikita sa shop niya may pinatayo din syang Skating Area kung saan marami na ang nag-eenrol doon para matutunan kung paano gamitin ang skate board sa nagtataasan at makurbang skate track na nasa rooftop lang makikita.

"Kailangan kong pumunta sa Hospital,naoperahan si Tita Miriam kaninang umaga dadalaw ako," aniya habang nililigpit ang mga gamit sa ibabaw ng desk niya.

"Pwede naman bukas ah?"anito.

Nagkibit siya ng balikat."Papalitan ko si Mama sa pagbabantay kay Tita M," aniya sabay sukbit sa backpack niya.

"Ikaw na muna ang bahala dito,pass muna ako,bawi ako next time!" aniya sabay tapik sa balikat nito.

"I'm sure hahanapin ka ni Glenda sakin mamaya," tukoy nito sa babae na naging kafling niya.

"Bahala siya," kibit-balikat niya rito.Iniiwasan na niya ito dahil ilang araw pa lang na magkalapit sila nito naging clingy na ito at ayaw niya sa ganun mga babae. Takot siya na pumasok sa isang relasyon.

May dahilan siya kung bakit. May isang babae lang na sa tingin niya na seseryusuhin niya.

That angelic young girl ,his guardian angel who save his life twenty years ago.

His first love.

Walang nakakaalam ng tungkol dun sa pagka-in love niya sa isang batang babae na nagligtas sa buhay niya noon muntikan na siyang mabundol ng isang sasakyan.

Mapasahanggang ngayon hinding-hindi niya malilimutan ang mala-anghel na mukha ng Angel niya.

Kung hindi lamang siya natulala ng mga oras na yun sana naitanong niya ang pangalan nito at hindi naman na siya nagkaroon pa ng pagkakataon na makita itong muli dahil kinailangan nila umalis ng kanyang ina papuntang ibang bansa at doon na siya nakapagtapos ng pag-aaral.

Nakabalik lang siya rito sa pilipinas ng magpasya ang kanyang ina na manatili na lamang rito. Nanirahan sa bahay na binili ng ina para sa kanila dalawa.

Aaminin niya na hanggan ngayon umaasa pa rin siya na magkikita sila muli ng First Love niya. Yes,his first love. His guardian Angel.

Marami man na babae ang naugnay sa kanya wala siyang ni isa sineryoso sa mga ito sa paraan na hindi siya makakasakit ng damdamin ng mga ito.

Palagi pinapaalala ng kanyang ina na huwag siyang mananakit ng babae. Isipin na lamang daw niya ito na babae ang kanyang ina.

Napabuga siya ng hangin. Mama's boy din siya kaya labis ang pag-iingat niya na makagawa ng isang bagay na makakapanakit rito o makakapagdismaya rito.

Kung may kalokohan man siyang gagawin hinding-hindi dapat malaman iyun ng kanyang ina.

Ang kalokohan lang naman niya ang makipagkilala sa mga babae na kusang lumalapit sa kanya.

Agad na bumaba siya ng kotse niya ng marating niya ang ospital kung saan nakaadmit ang Tita Miriam niya.

Sa labas pa lang ng ospital masasabi ng pinaggastusan ito at galante ang may-ari niyun.

Kilala ang ospital na ito dahil hindi lamang ay may pera ang nakakapasok rito. Tinatanggap ng ospital nito ang mga pasyente na kapos sa buhay at may benefits na binibigay ang ospital.

Nakakabilib isipin sa kabila ng karangyaan ng may-ari ng ospital nito naging patas pa rin ito sa mas nakakababa sa mga ito.

He salute them or whoever own this place.

Agad na nagtanong siya kung saan kwarto nakacomfine ang Tita Miriam niya. Hindi na niya kasi natanong sa Mama niya iyun.

Pagkaraan ibigay sa kanya ng nurse na nasa reception area agad na hinanap niya iyun.

Mas nakakamangha ang loob ng ospital talagang ginastusan ang bawat pasilidad niyun.

No wonder kung bakit kilala ito at palagi nakakaani ng parangal.

Napahinto siya ng may paparating na may tinutulak na stretcher. Mukhang emergency iyun. Umiiyak ang isang babae habang nakaagapay sa pasyente na duguan.

"W-wala ho kami pera para maoperahan siya,Ma'am!"puno ng pag-aalala sabi ng babae na patuloy sa pag-iyak.

"Huwag ho kayong mag-aalala,mas importante ho samin ang kaligtasan ng pasyente ngayon. Magagawan po natin yan ng paraan,maniwala po kayo."

Namamanghang sinundan niya ng tingin ang mga ito na papalayo na sa kanya.

Kuryuso tuloy siya at gusto niyang makilala ang may-ari ng hospital na ito.

Alam niya madali lang mahahanap sa social media ang may-ari nito pero hindi naman siya mahilig sa mga ganun kaya hindi rin niya pinag-aaksayahan ng oras. Muli na siyang nagpatuloy sa paghahanap ng kwarto ng Tita Miriam niya baka kanina pa siya hinihintay din ng kanyang ina.

Crazy in Love with Her : Sana'a Stonex-Dornan byCallmeAngge(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon