Chapter 7

8.5K 259 1
                                    

"Anong nangyayari sayo? Kaninang umaga ka pa tulala ah?" sita sa kanya ni Ed.

Kasulukuyan sila nasa isang kilalang bar. Magkatabi sila nito sa may counter.

Inaya niya ito na uminom dahil gusto niya makalma ang nagulo na niyang isip at...puso?

He sighed. Tinungga niya ang alak na nasa kopita niya saka niya sinulyapan ang kaibigan na may kunot sa nuo.

"Wala naman. Baka stress lang ito,"pagdadahilan niya. Hindi pa siya talaga handa na magsabi sa iba tungkol sa bagay na yun.

Napalatak ito. "Huwag ako,bro! Kilala kita..kaya huwag mo ng ilihim yan sakin,ano ba yun?"pamimilit nito sa kanya.

Nagpasalin siya muli ng alak sa bartender.

Mataman niyang pinakatitigan ang kulay puti na alak sa kopita niya. Marahas siyang bumuga ng hangin.

Mula ng magkita sila ng doktorang iyun kaninang umaga hindi na ito naalis sa isip niya. Gusto niya paniwalaan na ito nga ng guardian angel niya pero paano siya kasigurado dun?

Muli niyang naramdaman ang pagkislot ng kanyang puso.

"May..may naalala lang ako isang bagay twenty years ago,"maya-maya saad niya.

Agad naman nakinig sa kanya si Ed. Pumihit ito paharap sa kanya para makinig sa sasabihin niya.

Nasabi mo na,Evans..ituloy muna..udyok ng isip niya.

" Naalala mo yung kinuwento ko sayo na muntik na kong masagasaan noong sinusubukan kong aralin sumakay sa skate board?"sulyap niya rito. Iyun lamang ang ikinuwento niya rito bukod doon wala na siya sinabi pa lalo na ang pagligtas sa kanya ng batang babae na may malaanghel na mukha.

"Oo naman..at nagkakilala tayo dahil sa skate board nun..So,anong naalala mo roon?"agad nitong tugon ng maalala rin nito iyun.

"May iba ka pa bang hindi nasasabi sakin maliban dun?"agad na dugtong nito ng hindi siya kaagad tumugon.

Tumango siya agad na kinataas ng kilay nito.

"Yes,"pagtango niya.

Napahinto ito sa paglalari nito sa sariling baso na may ice cube. Nakuha niyun ang atensyon nito .

"Talaga? Gaya ng ano? Na may kiniss ka na ng bata ka pa?"pilyo na nitong sabi.

Tinulak niya ang balikat nito sa kalokohan na sinabi nito sa kanya. Natawa naman ito.

Alam niyang pinapagaan lang nito ang loob niya o pinapatawa lang siya dahil seryoso na talaga ang dating ng aura niya.

"I'm just kidding! Masyado ka kasing seryoso dyan eh kaninang umaga ka pa eh," natatawa nitong saad sabay salin nito ng alak mula sa bote na pinaghahatian na nilang ubusin.

Tinungga niya muli ang alak sa kopita niya. Marahas siyang bumuga ng hangin at sumandal sa sandalan ng upuan.

"May batang babae na nagligtas sakin nun kung hindi sa kanya malamang wala ako sa harapan mo ngayon," pagsisimula na niya.

"Mabilis niya ako hinagip mula sa paparating na kotse at pareho kami natumba sa may damuhan..nasaktan siya at may sugat siya sa siko at sa tuhod.." patuloy niya habang sinasariwa ang eksenang iyun.

"Binigay ko agad sa kanya ang panyo ko na lagi pinapadala sakin ni Mama kapag lumalabas ako ng bahay..at itinali niya iyun sa tuhod niya na may gasgas.." aniya na may ngiti sa labi. Tila ba sariwang-sariwa pa rin ang eksena iyun habang kinukwento niya sa kaibigan iyun.

"Alam mo ba,bro..napakaganda niya..sobrang ganda,iisipin ko nga na namatay na ko ng mga oras na iyun kasi nga inakala ko na anghel siya.."patuloy niya habang inaalala ang imahe ng batang babae na nagligtas sa kanya noon.

"Mukha siyang anghel,bro..nakakatawa man isipin pero natulala talaga ako sa kanya habang nakatingin sa malaanghel niyang mukha,"nakangiti na niyang saad.

He sighed. "Mula noon tumatak na sa isip ko na guardian angel ko siya..at hanggang ngayon iniisip ko na baka nga isa lang siyang anghel na niligtas ako..pero mas pinaniniwalaan ko na totoong tao siya na mukhang anghel,"aniya na mahihimigan ang pag-asam na magkikita sila muli ng batang babae iyun.

"Sabihin mo nga.."maya-maya untag nito sa kanya. Napasulyap siya rito. May bakas na pagdududa sa anyo nito.

"Kaya ba hindi ka naggi-girlfriend dahil dyan sa batang babae na guardian angel mo? Nabubuhay ka pa din sa nakaraan niyo?" Kuryuso at mangha nitong tanong sa kanya.

Bahagya siyang natawa. Hindi niya ikakaila yun dahil totoo naman na hanggang ngayon nabubuhay pa rin sa isipan niya ang anghel na yun.

"Bro..first love ko siya," nakangiting usal niya na kinalaglag ng panga nito sa sinabi niya.

Tuluyan na siya natawa at hindi na niya ikinaila rito na totoo ang sinabi niya na first love nga niya ang batang babae iyun.

"Damn! For real?!"hindi makapaniwala nitong turan pagkaraan ng ilang sandali na mapamaang ito sa siniwalat niya.

Umiiling na natawa siya sa reaksyon nito.

"Bakit? Hindi ba kapani-paniwala?"nakangisi niyang turan rito.

Napalagok ito sa alak na hawak nito at muling nagsalin pagkaraan humarap muli sa kanya.

"Umaasa ka na magkikita kayo ulit?"nanantiya nitong tanong.

Nagkibit siya ng balikat.

"Wala naman masama dun,"agad na sagot niya rito.

Napapalatak na napailing ito sa kanya.

"Masyado ka pala sentimental na tao! Bakit ngayon ko lang nalaman yun ha?! Ano? Baka may hindi ka pa sinasabi sakin dyan? Sabihin mo na!"

Tumatawa na nagsalin siya ng alak sa baso niya.

"Gago,iyun lang,"aniya.

"So? Naalala mo siya ulit ngayon kaya iba mood mo kanina?"maya-maya sita nito sa kanya.

Humugot siya ng hangin at agad na lumabas ang imahe ng doktora sa isip niya.

"May kaibigan doktora si Mama at nagkakilala kami kanina,"pagkukwento niya rito.

Agad na nakuha muli nun ang atensyon ng kaibigan.

"Talaga? Ano? Maganda ba? Chicks?!"

Sinamaan niya ito ng tingin pero nginisihan lang siya nito.

"Nirereto sayo ni Tita? I'm sure matandang dalaga na yun noh? Alam ko may mga doktor na tumatandang dalaga na lang kasi mas importante sa kanila ang propesyon at pasyente nila,"komento nito.

Nilagok muna niya ang alak saka niya hinarap ang kaibigan na may ngisi pa rin sa mga labi.

"Hindi siya matandang dalaga,bro..."

"O--kay?"

"Naalala ko sa kanya ang first love ko dahil Angelic face din siya,"pagtatapos niya sa pangbibitin niya iyun.

Nang magsink in iyu sa isip ng kaibigan. Nanlaki ang mga mata nito.

"Damn! Talaga?!"malakas nitong reak.

Natawa siya sabay tayo at tinapik ang balikat nito.

"Oo..at mukhang na love at first sight na naman ako gaya ng dati,"aniya sabay muli tapik sa balikat nito at nauna ng lisanin ang bar na yun.

Sana nga makatulog siya kaagad pagkauwi niya.

Sana nga..kung hindi na maalis sa isip niya ang malaanghel na mukha ng doktorang iyun.

Crazy in Love with Her : Sana'a Stonex-Dornan byCallmeAngge(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon