Chapter 16

7.7K 245 7
                                    

May halong kaba at excitement na nagsasalit-salit sa dibdib niya habang tinatahak niya ang daan patungo sa bahay ni Dra.Sana'a.

Kagabi,naglakas-loob siya na hingin ang number ng doktora sa ina at abut-abot na tukso ang nakuha niya bago binigay sa kanya ang number nito.

Hindi kasi nila napag-usapan kung saan sila magkikita at naisip nga niya na kontakin ito kagabi at agad naman tumugon ang doktora. Natuwa siya ng sumagot sa text niya ang doktora at ngayon nga ay susunduin niya ito sa mismong tirahan nito.

Ito ang unang beses na pupunta siya sa bahay ng isang babae.

He sighed. Alam niyang hindi na niya mapipigilan ang sarili na hindi magustuhan ang magandang doktora. Moving on na siya sa first love niya hindi man ganun kadali kalimutan ito pero may pagkakataon na iniisip niya na ang first love niya at ang doktora ay iisa. Kabaliwan yun pero hindi niya talaga mapigilan.

Huminto ang sasakyan niya sa tapat ng kulay brown na mataas na gate. Awtomatiko iyun bumukas at agad na sumikdo ang puso niya ng makita ang doktora. Agad na bumaba siya ng sasakyan.

"Hi,good morning," bati niya rito.

"Good morning din,Jeffrey.." nakangiti nitong tugon.

Hindi niya napigilan ang pagngiti ng marinig niya ang pangalan niya mula rito.

Isang pagtikhim ang pumukaw sa kanya ng makitang naroon si Mr.Dornan.

"Good morning,Sir!" agad na pagbati niya sa ama ng doktora.

Matiim ito nakatitig sa kanya at tumango pagkaraan.

"Papa,alis na po kami," anang ni Dra.Sana'a.

Humalik ito sa ama. Agad na binuksan niya ang pintuan sa may passenger side.

"Thank you," anito bago sumakay sa loob.

"Sige po,Sir..mauuna na po kami," untag niya rito bago siya sumakay ng kotse.

"Sandali," anito bago pa man niya mabuksan ang pintuan sa driver's side.

"Sir.." kabado niyang saad.

Matiim ito tumingin sa kanya. Sa klase ng tingin nito lalo siya kinakabahan pakiramdam niya inaalam nito ang madilim niyang katauhan.

"Take care of my daughter,Jeffrey.." matiim nitong saad mahihimigan roon ang isang babala kapag may nangyari hindi maganda sa anak nitong dalaga.

Biglang nilipad ang kaba niya ng sabihin iyun ni Mr.Dornan. he trust him.

"Yes,Sir..I'll take care of her," matapat niyang tugon rito.

Isang tango na lang ang tinugon nito sa kanya bago siya sumakay na ng kotse niya.

"Pasensya ka na kay Papa..very protective lang siya sakin," untag ng doktora sa kanya nang umusad na ang kotse dala niya.

Ngumiti siya. "Nakakaintimidate nga siya pero isa siyang mabuting ama.."mangha niyang tugon sa dalaga.

Ngumisi ito ng sumulyap sa kanya.

"Paano mo nasabi yun?"tanong nito sa kanya.

Nagkibit siya ng balikat. "Madalang lang na may ama na sinasamahan nila ang anak nila sa labas ng bahay para lang malaman kung sino ang susundo sa anak niya..hinabilin din niya sakin na ingatan kita..and I'll take care of you,doktora.."matapat niyang tugon sa dalaga.

"Sana'a na lang..and thank you for that," anito na may matamis na ngiti sa mga labi nito.

May kung ano mainit na kamay ang humaplos sa puso niya ng makita ang katuwaan sa maganda mukha nito.

Damn,I think he's going insane now because of her!

Ito ang unang beses na sumundo siya ng isang babae sa bahay nito at ganun na ba talaga siya kaseryoso na makilala ito?

Kaya dapat hindi niya sirain ang tiwala ni Mr.Dornan sa kanya dahil kung hindi malaking tao ang makakabangga niya kung sakali mapahamak ito dahil sa kanya.

Iyun ang hindi niya hahayaan na mangyari. Iingatan niya ito at poprotektahan.

Hmm,na parang kasintahan mo,ganun ba,Jeffrey?

Special friend.

Hanggang maging special someone na,magaling,Jeffrey!

Bantay-salakay ka ah!

Gusto niya matawa sa pakikipagtalo niya sa isip niya. Ganito pala ang pakiramdam kapag kausap mo ang sarili mo.

"You look happy?"pukaw sa kanya ng dalaga.

Bigla tuloy siya napahiya. Nakita tuloy nito iyun.

Napahawak siya sa batok niya. "Uh,sorry,first time ko lang kasi na manundo ng babae at saka..masaya ako na nakilala kita,"aniya sa nahihiyang tono.

Mahinhin na tawa ang kumawala rito kaya napasulyap siya rito. Tila kasi tumalon palabas ng dibdib niya ang puso niya ng marinig ang tawa nito.

"Same here,Jeff..ikaw lang din ang unang lalaki na pinayagan ko na mapalapit sakin,i mean na maging kaibigan ko,"matamis ang ngiti niyong turan.

Nawala bigla ang pagkapahiya niya at sinuklian niya ang ngiti nito na nakakahawa.

"Ang swerte ko nga. Salamat. Pasasalamatan ko si Mama dahil dyan!"

Natawa ito at natawa na din siya.

Damn.

They are close now?

Huwag muna advice. Kaibigan ang dinig mo di ba?

Whatever.

Basta para sa kanya isang espesyal na kaibigan ang turing nito sa kanya at siya naman..

Special someone.

Yeah,he's fucking fallen in love with her.

Crazy in Love with Her : Sana'a Stonex-Dornan byCallmeAngge(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon