Chapter 3

8.5K 266 1
                                    

Gusto niya uminom ng kape kaya naisipan niya na iwan muna saglit ang natutulog pa din na Tita Miriam niya pagkagising niya ng madaling araw. Nakasanayan na rin niya na nagigising ng maaga at habang nahihimbing pa ang tiyahin at naghihintay sa Mama niya lalabas na lang muna siya at may nakita siyang mabibilhan ng kape sa may katabi lang ospital.

May nakita siya kaninang Coffeeshop na katabi lang din ng hospital habang Sinisipat niya ang paligid ng hospital at masasabi niya nga na maganda ang pasilidad ng hospital,loob at labas nito.

Iilan na lamang ang nasa pasilyo at receiving area na naroroon marahil nga maaga para sa mga bibisita at sa mga papasok na empleyado ng ospital.

Tinulak niya pabukas ang salamin na pintuan para makapasok sa coffeeshop na nasa kabilang gilid lamang. May iilan kostyumer na umuokupa sa nakalaan na lamesa at ang ilan naman ay may nakauniforme empleyado ng katabing ospital.

Dumeretso siya sa counter para umorder at isang lalaking barista ang agad na bumati sa kanya at kumuha ng order niya.

"Goodmorning,Sir! Ano po Coffee niyo?"magiliw nitong bati sa kanya.

"Coffee Americano,please.." tugon naman niya kaagad rito.

"Okay,sir..saglit lang po,"agad nito talima pagkasabi niya sa order niya.

Tumango siya at habang naghihintay dinukot niya ang celpon sa bulsa ng pantalon niya.

Maraming messages mula kay Ed. Napailing siya puro kalokohan lang naman ang tinext nito sa kanya.

Inabala niya ang sarili sa pagbabasa ng pinadala nito mensahe sa kanya habang hinihintay niya ang order niya. Hindi na siya nag-abala pa na umupo pa.

"Naubusan na ko ng Rose Tea,Mama,kaya kape na muna iinumin ko," aniya sa kanyang Mama sa kabilang linya habang papasok siya sa coffeeshop na katabi lang ng hospital nila.

"Don't worry,Ma..hindi naman po matapang na kape ang iinumin ko,promise! Hindi ko naman po bet ang kape na sobrang tapang!"agad na tugon niya ng marinig na tutulan iyun ng kanyang ina.

Iyun ang pinakahinahangaan niya sa kanyang ina. Palagi ito nag-aalala sa kung ano kakainin niya. Hindi naman ito mahigpit sa kanila ng kambal niyang si Jamiel. Likas lamang rito ang pagiging maalalahanin kaya naman hanggat maaari pinapaalam nila rito agad ang isang bagay na dapat nito malaman bago nila gawin o pagdating sa pagkain na kakainin nila.

Agad na tumingala siya para mamili ng kape na sa tingin niya hindi matapang. Hindi sya pamilyar sa pangalan ng mga kape kaya medyo clueless siya kung ano kape oorderin niya.

Tanong na lang sa barista..anang ng wolf niya.

May matalas man silang pang-amoy mas mainam na magtanong na lamang sila.

"Uh,Ma..clueless nga pala ako sa pagdating sa mga kape.." aniya habang nasa kabilang tainga pa rin niya ang celpon.

Hindi sila makapagdecide ng wolf niya.

"No,Ma..huwag na po bukas na lang po,pahinga na kayo..magtatanong na lang ako na kapeng hindi matapang,Opo! I love you,Ma.."paalam na niya sa ina.

Muli siyang tumingala sa menu board kung saan may iba't-ibang klase ng pangalan ng kape ang naroroon.

" Good Morning ,Doktora,ito po ang unang beses na oorder po kayo dito ah!"pagbati sa kanya ng lalaking barista. Nasa anyo nito ang pagkamangha sa kanya.

"Good Morning,"agad na tugon niya sa pormal niyang pagbati.

Hindi naman sa nangsusuplada siya. Nag-iingat lang siya sa mga tao na dapat niyang lapitan o makausap.

"Ano ba ang kape na hindi matapang na meron kayo dito?"pagtatanong niya sa nakangiti pa rin na barista na halatada din na starstruct sa kanya.

"Uh,May tatlong klase po kami ng kape na hindi matapang,Doktora..Vanilla Coffee,Mocha Coffee and Sweet Coffee.." anito na tila nagpapacute pa sa kanya pagkaraan.

Tumango-tango siya.

"Yung Sweet Coffee na lang,please,"agad na napili niya. Pangalan pa lang alam na niya na iyun ang dapat niyang orderin.

"Okay po,Doktora!" magilas na tugon nito at nagmamadali na inasikaso ang inorder niya.

She sighed. Ang mga lalaki talaga.

"Here's your order,Sir!"untag ng isang barista sa isang kostyumer. Abala naman siya sa papanuod sa barista na gumawa ng order niya.

Nakikinig lang siya lalo pa nga sa isang tulad niya na may matalas na pandinig. Paglapit ng barista sa isang costumer na lalaki na nakatayo sa may counter dalawang dipa ang layo sa kanya.

Sumulyap siya sa lalaki na nasa counter pero sakto naman na tumalikod na ito at lumabas na ng coffeeshop.

Bigla na lamang kumislot ang puso niya at hindi niya alam kung bakit? Hindi naman niya nakita ang mukha nito kaya ang weird?

Just like before..20 years ago? Anang ng wolf niya.

Bago niya balikan ang nakaraang iyun bumalik na ang barista dala ang inorder niyang kape.

Mabilis siyang nagbayad baka sakali maabutan niya ang lalaking iyun pero nawala na ito pagkalabas niya ng coffee shop.

Why?

Nagkibit siya ng balikat. Hindi niya alam kung bakit malakas ang udyok ng isntinct niya na sundan kaagad ang lalaki.

Minsan talaga ang pagkakaroon niya ng ganun klaseng kakayahan nawiwerduhan siya sa sarili.

Hindi madali sa isang tulad niya na naiiba sa normal ng mga tao ay gaya niya na may ganun kakayahan..pero hindi siya nagalit o anupaman dahil lang sa naiiba siya sa lahat. Hindi nagkulang ang kanyang mga magulang na ipamulat sa kanya o sa kanila ng kakambal niyang si Jamiel ang pagiging lobo nila.

Mas lalo lamang nila tinanggap ang isang katauhan nilang iyun na hindi pinaramdam sa kanila ng kanilang ama na iba sila. Pinamulat sila nito na makahalubilo ang mga tao.

Lalo na harapin ang mga tao na kapos sa buhay. Gusto ng kanilang ama na sa kabila ng karangyaan na meron sila ay maging patas sila at nanatili nasa lupa ang mga paa nila.

Tao man sila o isang lobo.

Nakakamangha na nakatagpo ang kanyang ina ng isang tulad ng kanyang ama.

Hay,sana talaga may isa pang katulad ng Papa niya na para sa kanya na makakasama niya habambuhay.

Crazy in Love with Her : Sana'a Stonex-Dornan byCallmeAngge(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon