Chapter 2

109 3 2
                                    

-2-

Ngayon ang ikatlong araw kaya ang lahat ng tao dito sa autuminea ay may kanya kayang ginagawa, pero hindi lahat kagaya ko na naka upo lamang at nakatingin sa aking ina na nag hahanap ng damit para sa akin. "mas kaaya-ayang tignan itong puti kaysa sa itim." magiliw na sabi ng aking ina. 

"mahala na reyna? hindi bat itim at pula ang tema ng piging?" nagtatakang tanong ni viene sa ina ni red.

"ina! maaari rin po bang mag itim nalang din po ako? Ayaw ko po kase ng naiiba, napupunta po ang lahat ng atensyon saakin." Madamdaming saad ni red sa kanyang ina na mukhang hindi talaga mapapapayag sa nais niyang mag itim na saya.

"aking mahal na anak, kahit anong suotin mo mapa itim man o puting saya ay mapupunta parin saiyo ang atensyon, dahil anak ka ng hari at napaka ganda mong prinsesa." seryosong saad ng ina ni red sakanya.

"Tama!" Pagsang ayon pa ni viene.

Hindi na lamang nag salita si red, dahil kahit anong pag intindi nito sa kanyang ina ay mali pa rin siya. Nang dumating na ang mag aayos kay red na siyang pinaka magaling na taga ayos sa lahat ng empire ay pinuyod niya ang sarili niyang buhok upang hindi mahirapang ayusan.

"mahal na prinsesa, hindi niyo na po kaylangan ayusin ang buhok niyo kase kami na po ang bahala sa lahat. Ako nga po pala si faith at itong nasa tabi ko naman po ay si cade at sa tabi naman po ni cade ay ang kambal niyang si hero." pag papakilala ni faith sa mga kasama niyang taga ayos. "Maganda na po kayo at unting ayos lang po ay mas kikinang ang inyong ganda at dahil po puti po ang iyong suot ay dapat po light po ung mga kulay na ilalagay sa inyong mukha." paliwanag ni faith, pero si red naman ay nakatitig lamang sakanya na para bang hindi nito nauunawaan ang sinasabi niya. "ah basta, ikaw ang kikinang sa lahat ng imperyo." nakangiti nitong wika gawa para mapangiti rin si red. Naka suot na ng puting gown si red at naka bagsak lang at ikinulot ang dulo ng buhok nito.

LAHAT ay maayos na at nag sisimula nang magsi datingan ang mga importanteng tao sa iba't ibang imperyo. Si red ay naka masid lamang sa loob ng itaas ng palasyo at hinihintay na matawag ang kanyang pangalan upang ipakilala at makababa. Nakatingin lamang siya sa pintuan, upang makilala ang iba't ibang bampira na papasok duon. May iba ng bampira sa palasyo pero iyong mga bampirang iyon ay ang hindi masyadong importate pero may katungkulan.

"Maligayang pag dating dito sa aming kahiran! ako nga po pala si cheska na magiging taga pagsalita niyo ngayon." maligayang sabi ng babae at nag sipalakpakan naman ang mga bampira. "At bago pa tayo mag saya ay mag sisipasok muna ang magigiting na hari, reyna, at mga prinsipe." Saad pa nito gawa para mag bigay ng malakas na palakpakan ang bawat panauhin. 

Nag bukas ang malaking pintuan ng palasyo at pumasok duon ang isang lalaki na sa tingin niya ay puno  ng paninindigan at masayahin. "King Teodore of Sprinaly." pag pasok ng hari na naka kulay pulang coat ay umupo ito sa harapan kung saan ay upuan ng mga maharlika. Sa upuan iyon ay mahabang mesa at bawat mesa ay bawat imperyo.

"King Cluds of Summerily." Pag bigkas ng pangalang iyon ay pumasok ang isang lalaking naka pula ding coat, pero napaka seryoso nitong tignan hindi kagaya ng ama niya at ni king teodore na mukhang masayahin.

"King Zcirino and Queen Alexandra of Icylea Uno with there son Prince Zirino." Lumanding agad ang mga mata ni red kay zirino dahil ito ang una niyang pag kakataon na makakita ng prinsipe naka ngiti lang ito na para bang walang problema sa buhay. Well his a prince after all

"King Nelo, Queen Anne and Prince Traven of Icylea Dos." Napatingin si red kay viene ng marinig siya ng nakamamanghang impit na tili.

"Red, alam mo ba sabi nila na si Prinsipe traven daw ay uri ng Bampira na kakagatin kahit sino ang makasalubong basta ka edad niya ito." Bakas ang takot at pagkamanghang sabi ni viene gawa para mapailing si red. Bite every girl huh?

THE BOUNDARY BETWEEN USTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon