Chapter 11

36 1 1
                                    

-11-

"Bite me." Utos ko sakanya.

"Red, please don't tortu-!" 'Di ko siya pinatapos at mas lumapit pa sakanya.

"I'm not torturing you. Come on, bite me."

"Red, please." He pleaded.

I'm begging you also to do it. Come on honey, I want to feel does fangs of yours.

"Kung ayaw mo ay ok lang naman." Tumayo ako at kinuha ung uniform ko. Kitang kita ko ang pagkataranta niya sa pag tayo ko, pero hindi niya alam kung anong gagawin.

"Punta muna ako kay Traven, baka mas maganda na duon ako mag papakagat. Paal-!" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng bigla siyang tumayo at hinila ako payakap sakanya.

"Don't you dare." Matigas na sabi nito at inilapit ang leeg ko sakanyang labi. Ramdam na ramdam ko yung tulis ng kanyang pangil at hinanda na ang sarili sa susunod niyang gagawin.

Seconds later and I felt his fang.

I never felt this kind of pleasure before.

Hindi ko napigilan ang pag moan ng kaunti. He changed his position. Nakaupo na siya sa kama at ako ay nakabahagi ang hita sa kanya, para mas madalian itong makainom.

"Don't ever say that." Sabi niya sa pagitan ng sipsip na kanyang ginagawa.

Hinagod ko lang ang kanyang buhok Habang umiinom siya.

Ilang oras pa ay tumiggil na siya at itinabi ako sakanyang humiga.

"May itatanong ako, is it ok lang ba?" Nilingon ko siya na nakasiksik ang ilong sa bandang leeg ko.

"Yeah."

"What is that portrait all about?" Itinuro ko yung painting na nakasabit sa dingding.

"You sure you want to know about that?"

Naramdaman ko huminga siya ng malalim na para bang may pinipigilan . Tumango ako sa tanong niya.

"Alright, my baby wants information so I'll give her." Umupo ito at tinitigan ang painting.

Tumayo ako galing sa pagkakahiga para umupo sa tabi niya.

"Nung isinilang ako, ibinigay na iyan sakin ni Ina. Sabi niya ay galing daw ito sa punong nasa gilid ng tulay. Hindi ko alam ang koneksyon nun sa pag silang ko, hanggang sa mag ka edad ako." Lumingon ito sa akin at ngumiti.

"Hindi kita lolokohin pero, tignan mo ng maigi ang Buwan. Alam kong naaakit ka diyan kagaya ng pag akit sa akin ng araw." Nanlalaki ang mata kong nakatingin sa kanya.

Paano niya nalaman na naaakit ako sa buwan? At siya naman sa araw?

Kumunot ang noo ko ng may mapagtanto.

"Sinabi mo sa akin dati na hayaan kong mag salita ang nakaraan. May koneksyon ba rito sina Earl at Stella?"

"Oo, meron na meron. Dahil kagaya ng libro na nasaiyo ay kaya niya rin mag kwento."

Pinagmasdan ko yung portrait hanggang sa may maalala.

"Araw at Buwan? Sina Sol at Luna!" Nanlalaki ang mata kong bumaling sa kanya.

"Yeah, Sol at Luna. Makikiusap lang ako sayo Red, titigan mo ng maigi ang Buwan at hayaan mo ang sarili mong libutin ang kanilang nakaraan." Seryoso ito at niyakap ako sa aking likod.

Tinitigan ko ng maigi ang portrait, ang Buwan.

Habang mas tumatagal ang pagtitig ko rito ay nakakakita ako ng isang imahe ng babae. Malungkot itong nakayuko at nakatalikod sa araw.

THE BOUNDARY BETWEEN USTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon