Chapter 10

36 1 1
                                    

-10-

"Don't hide it, I'll let you bite me." Pinilit niyang tanggalin ang kamay kong nakaharang saaking labi.

Alam kong kaya niyang tanggalin ito kaso masyado siyang malamyos mag tanggal ng kamay saaking labi. Ano ba ang nakain nito at biglang bumait? I know, confirmed na siya 'yung mate ko at hindi na ako makakapag reklamo. Isa lang naman, isa lang naman talaga ang reklamo ko. Bakit pa iba-iba ang ugali niya? nakakaasar, ah!

"Bitawan mo nga ako Asher baka sungalngalin kita diyan, eh."

"Do it. Gusto ko malaman kung paano mansungalngal ang kabiyak ko." Tinanggal niya 'yung kamay niyang nakahawak sa aking labi at tinitigan ako.

Shit lang, ah! Bat ba ako kinikilig? Bonus na 'yung mate ko siya pero bat grabe naman?

"Lumayo layo ka nga saakin at nahihirapan ako huminga!" Singhal ko sakanya. Kitang kita sa muka niya ang pagaalala saakin.

Pero nagulat ako sa susunod niyang ginawa. Imbis na lumayo ay lumapit pa ito saakin at kinarga ako na parang ikakasal. Sa isang iglap ay nasa labas na kami ng Eskwelahan. Ramdam na ramdam ko 'yung kalamigan dahil naka uniform lang ako at hindi ako sanay sa ganitong panahon. Napansin niya ang panginginig ko at tinanggal niya 'yung coat niya pati rin 'yung polo niyang puti!

"Hoi! A-ano yan?!"

Hindi siya nag patinag at isinuot niya saakin yung polo niya at yung coat.

"'Yan, para hindi ka giginawin." Bigla niya akong niyakap.

Maling mali itong napili niyang posisyon dahil kitang kita ko yung leeg niya. Naluluha na ako sa matinding pagkauhaw na nararamdaman ko. Bakit ba ako nahihirapan ng ganito? Para naman niya akong tinotorture.

"Kagatin mo na kasi." Wala sa wisyong sinabi niya.

"Gago ka ba?" Ano bang pinasasasabi nito. Pag kinagat ko ito ay maraming makakakita saamin at isa pa baka 'di ko mapiggilan ang sarili ko sa pag inom ng marami, kaya hindi talaga pu-pwede.

"Ano bang problema mo? Nalaman mo nanaman sa sarili mo na mate mo ko hindi ba? Bat parang andami mo pang kailangan na proweba?" Inilayo nito ang sarili at tinitigan ako gamit ang matang puno ng reklamo.

Actually, 'di ko matanggal 'yung tingin ko sakanyang leeg kaya 'di ko na gaano matignan yung gwapo niyang mukha.

"Pag hindi mo pa ako kinagat, ako na ang kakagat sayo at hindi lang kagat ang makukuha mo mula saakin." Ngumisi ito.

Binalingan ko ng isang beses ang mukha niya at ang leeg naman niya. Royal siya at hinding hindi mauubusan ng dugo 'tong gwapong ito. Mas inilabas ko pa ang pangil ko at tsaka siya kinagat sa leeg niya.

Tangina, ba't ambango ng leeg niya pati dugo!

"There you go." Binuhat niya ako nang hindi nagagambala ang pag kagat ko sakanya.

Hindi ko na alam kung nasaan kami pero nakaupo siya habang ako ay nakaupo ng pataggilid sa kanyang kandungan. Masyado na akong nalililo sa kanya, nakakaasar pero wala na akong magawa. Hinimas himas niya ang aking buhok at idiniin ang kanyang sarili sa akin.

Nabasa ko sa isang libro na ang babaeng bampira ang pinaka naaapektuhan sakanilang kapares. Naaapektuhan naman ang lalaki ang kaso lang ay kaya pa naman nilang kontrolin ang kanila hindi kagaya ng amin. At ngayon ko lang napatunayan na totoo ang nabasa ko sa libro.

Maraming lalaki sa Icylea na may itsura at gustong hingiin ang kamay ko kahit alam nilang 'di ako ang kanilang kapares, pero ni isa sa mga lalaking iyon ay hindi kasing lakas ng epekto sakin kagaya nalamang ng lalaking iniinuman ko ng dugo.

Huminto na ako at tinanggal ang pangil na nakabaon sakanyang leeg dahil busog na ako. "I hate you," naasar kong sabi kay Asher. Nakakaasar kasi wala akong magawa para mag pabebe manlang at lagyan ng kahit papaanong thrill.

Ngumisi ito. "You'll say your I love you's sooner."

Hindi na ako nakaimik kasi parang hinihila yung buong pagkatao ko pababa at bumibigat ang talukap ko.

It's so comfortable here.

Hindi ko na alam nangyari sa paligid ko basta inaantok ako.

NAGISING ako sa loob ng isang kwarto na may kulay dugong pader at dilaw na ilaw. May mga gamit na kulay ginto at yung iba ay pilak. May nakakuha ng atensyon ko at tinitigan ko iyun.

Gumagalaw na painting ng tulay na nag hihiwalay sa Autuminea at Icylea. Sa dalawang dulo ng tulay ay may puno na nagsisimbolo ng imperyong kinatatayuan nito. Sa banda ng Autuminea ay madilim at may buwan. Hindu ko alam pero naaakit talaga ako sa buwan lalo na sa pagkakapinta ng buwan. Masyado itong madetalye, parang buhay ito at gustong mag kwento. Sa kabilang banda naman ay ang Icylea, may araw na sobrang tindig at tikas ng dating, parang wala ng makakatibag dito.

Bakit parang baliktad? Hindi ba't 'di naman bagay na ang araw ay sumisikat sa Icylea?

Napakagaling mo Red magsiyasat, 'di mo nga alam kung nasaan ka.

Bakit ko ba binabara ang sarili ko? Inilibot ko ang tingin ko at tatayo na sana nang makaramdam ako ng bigat saaking tagiliran.

Wtf?

"Where are you going?" Medyo husky na bulong ng kung sino sa likod ko. Ganda ng boses, ah!

Agad ko itong nilingon at nakita ko si Asher na mapungay ang mga mata. Bakit kami mag katabi?! Agad ko siyang tinulak kaya bumagsak ang katawan niya sa sahig. Gagi, napalakas ata tulak ko.

"Omg, I'm sorry." Umikot ako sa kabilang bahagi ng kama kung saan siya nalaglag. Nakahawak siya sa dibdib niyang namumula.

"Shit! I didn't expect that." Bulong nito sabay haplos sa dibdib niya kung san dahan-dahan bumabakat ang kamay ko.

"I'm sorry, 'di ko naman sadya." Nilapitan ko siya at tinignan niya lang ako.

"Mukhang kailangan kong maging ready sa bawat bato mo sakin ng kapangyarihan mo." Umupo ito at humawak sa batok niya.

"Ikaw kasi, bakit ba tayo magkatabi? Ba't yaka-yakap mo ako? Baki-!"

Naputol ang gusto kong sabihin dahil bigla nalang niya ako niyakap. Sobrang weird niya, pero 'di ko mapagkakaila na gusto ko 'yung pagka weird niya. I would gladly accept it.

"Are you hungry?" Bulong nito saakin.

"Kakatapos ko lang uminom ng dugo saiyo tas tatanungin mo ako kung gutom ako?"

Pinilit ko siyang itinutulak pero mas tumigas ata siya ngayon.

"Malay ko diba? Btw, You skip 2 of your remaining classes." Agad akong napabalikwas sa sinabi niya. Marami pa akong gusto malaman sa Icylea, kaya nga nandito ako para mahana-

Teka lang...

Nahanap ko na pala.

Tinignan ko si Asher na nakatingin din saakin. Parang ang bilis mo naman makuha yung loob ko nakakaasar kang lalaki ka.

"Are you hungry?" Tanong ko sakanya.

Sigurado akong hindi pa 'to kumakain.

"No." Final niyang sinabi at idiniin lang ang sarili niya saakin.

Pinilit kong kumawala sa kanyang yakap at pinahintulutan naman niya iyun. Dahan-dahan kong kinalas ung damit na naka patong saakin.

Nanlalaki ang mata niyang bumaling saakin at umatras. "O-oy! Masyado pang maaga para gawin natin ito Red, hindi naman problema saakin sa katunayan gusto ko naman kaso ika-!"

Binatukan ko siya kaya natawa siya. Pinagpatuloy ko ang pag tanggal ng damit hanggang bra nalang ang natira saakin. Lumapit ako sakanya habang siya naman ay umatras at umiwas ng tingin. Nakikita kong namumula ang kang pisngi at tenga kaya napahagikgik ako ng kaunti.

"Look at me, Asher." Hindi pakiusap pero isang utos na gamit ang tono na dapat sinusunod. Bumaling siya saakin at tinakpan ang kanyang labi. Mas namula pa ang tenga niya at leeg.
Ibinaling ko ang leeg ko sa kaliwa.

"Bite me."

-----

THE BOUNDARY BETWEEN USTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon