Chapter 8

36 0 1
                                    

-8-

Ilang beses ko pa uli pinasadahan ng tingin ang mga katagang iyun, pero hindi ko maintindihan ang nais nitong iparating.

Hindi ko nalamang ito pinansin at binuklat na ang libro. 

Sa hindi maipaliwanag na bagay ay bigla nalang akong nahilo at nagdilim ang paninggin ko.

"Stella, anak hindi mo a kailangan gawin 'to. Matinding sumpa ang ibinigay saakin at walang makasisira rito." 

Rinig kong sabi ng babae. Iminulat ko ang aking mata at nakita ko sa aking harapan ang magandang babae na nakahiga sa kama at nang hihina.

"Hindi ako papayag na hayaang kang naghihirap! Gagawa ako ng paraan para mawala ang sumpa na iyan sa mas lalong madaling panahon."

Sinabi noong Stella yata. Bakit ba ako nandito?

"Stella, ana-" 

Hindi na natuloy ng babae ang sasabihin dahil nagsalita na kaagad si Stella.

"Tanging pag hahanap lamang ng dahon ang aking gagawin, kung hindi niyo nais iyon, siguro ay mag papakamatay nalamang ako upang maibigay sain-"

"Sige na, Stella at lumayas ka na. Dapat pagbalik mo may dala ka ng dahon ah."

Humalakhak si Stella at lumbas sakanilang tahanan.

"Tiya Rosita, paki-bantay nalamang po si Inay ah."

Agad na tumango ang kanyang Tiya. "Ingat sa paghahanap ng halamang gamot."

Tango nalamang ang nabigay ni Stella at umalis na sa kanilang bahay. 

Habbang naglalakad ay nag babasa ng libro si Stella ukol sa mga halamang gamot. Nang makarating na siya sa unang kagubatan ay napuno ang kanyang paningin ng magagandang uri ng bulaklak.

"Napaka impossibleng tumubo rito ang halamang hinahanap, ngunit pwede naman akong bumalik dito pag nakahanap na ako ng halamang gamot para ipasalubong sa aking Ina at Tiya."

Nagpasya si Stella na mag libot-libot muna sa kagubatang puno ng iba't ibang klase ng bulaklak at nag pasya na sa malapit na bayan nalamang muna siya magpapalipas ng gabi.

KINABUKASAN nagising ng maaga si Stella para makapunta pa sa iba't ibang parte ng kagubatan.

Sa mahabang paglalakbay, hindi niya napansin ang isang bampira na nakamasid sakanya. Sinusundan ang bawat pagyapak niya.

Bumabagal ang hakbang ni Stella dahil sa pagod. Hindi namalayan ng bampira na sumusunod sakanya na medyo malapit na siya kay Stella, gawa para maramdaman niya ang presenya nito.

Huminto sa pag hakbang si Stella nang makaramdam ito ng matinding pananakit sa kanyang pangil at pagtibok ng mabilis ng kanyang puso.

"Aaaaaahhh!" Nahihirapang sigaw ni Stella mula sa sakit na nararamdaman niya. Matang kulay itim na dahan dahang nahahaluan ng kulay ng dugo.

Napaupo si Stella sa damo habang hawak ang puso niya. Luminga ng luminga upang hanapin ang may sala. 

Matang kulay dugo ay naghahanap ng sanhi

Sakit sa puso'y mas nadadagdagan

Sa paglipas ng segundo ay napagtanto

Pananabik, pananabik ang nararamdaman mula sa taong nakamasid.

Sa isang kisap mata ay nalapitan niya ang may sala.

"Sino ka? Bakit ako nahihirapan?" Kapos hiningang tanong ni Stella sa bampira.

Hindi sumagot ang bampira pero iginilid nito ang ulo.

"Go on, I know what you want." Sabi ng bampira

THE BOUNDARY BETWEEN USTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon