Chapter 12

19 2 3
                                    

-12-

Tumingala pa muli ako para masilayan ang mga bitwin na nakabilog ngunit huli na ang lahat, kisame na ang nakita ko at bumalik na ako sa kwarto ni Asher.

"Sina Sol at Luna ay nasa batis habang napapalibutan ng mga bitwin." Nilingon ko si Asher na naka tingin din sa akin at naka ngiti.

"Nakita mo ang buhay ni Luna noong hindi pa sila nagtatagpo ni Sol, hindi ba?"

Paano niya nalaman?

"Paano ko nalaman? Simple lang, nakita ko kasi ang buhay ni Sol bago sila mag kita ni Luna sa batis. Isang Kawal na napakalakas at nag iisang sanggahan ng kaliwanagan kapag umatake ang mga mangkukulam." Yumuko ito at iniyakap ang kanyang sarili sa akin.

Nag papakita sila dahil isa kami sa mga kagaya nila. Isa sa mga itinakda mula sa magkaibang panig.

Ilang oras pa kaming mag kayakap hanggang sa mapagpasyahan ko ng pumunta sa dorm ko. Baka kasi kung anong isipin ni Viene.

Pagkarating ko sa dorm ay nakapatay lahat ng ilaw. Wala akong nararamdaman na presensiya ni Viene na nakakapagtaka. Sa palasyo kasi ay lagi itong nasa gilid ko at pinapagalitan ako kapag late na akong umuwi.

Pumasok na ako sa kwarto at binuksan ang kurtina ng kwarto ko. Tumambad sa akin ang sobrang liwanag na half moon.

Ilang oras pa akong nakatunganga rito hanggang sa mag pasya na maligo. Hinubad ko ang polo ko at itinali ang buhok ko, bumalandra sa akin ang kagat ni Asher.

Hindi ko napigilang ngumiti. Hinaplos ko ito.

Unang marka sa akin ni Asher.

Mabilis akong natapos sa paglilinis ng katawan ko at pumanhik na sa aking kama.

Nag mamaldita lang ako sa palasyo dati at lahat ay halos lumuhod na sa harap ko. Hindi ko inaasahan na heto ako at itinatago ang aking pagkakakilanlan. Dapat ko bang ipagsigawan na aking kabiyak si Asher o tumahimik nalang dahil ayaw kong mahusga ng mga taga Autuminea na ipinagpalit ko sila?

Yung saya ko kaganina ay kakaiba.

Ipinikit ko ang aking mga mata.

Hahayaan ko ba silang sirain ang kasayahan na ito?

"AAAAHH!" Nagising ako sa isang ingay na nagmumula sa kung saan.

Napabalikwas ako mula sa pagkakahiga at iginala ang aking paningin. Umaga na at tila may nag wawala sa banyo. Bukas ang pinto kaya nag pasya ako na puntahan iyun.

"Hindi pwede!" Sigaw ni Viene at ibinato ang isang sipilyo at sinapak ang salamin.

"Viene!" Awat ko sa kanya dahil nag dudugo na ang kanyang kamao sa ginawa.

Bumaling siya sa akin ng tingin na galit pero namumutla ang kanyang mga labi.

"R-red!" Hinihinggal ito at hindi mapakali. Mga matang puno ng galit ay dahan dahang huminahon at tumingin sa salamin na basag.

Nilapitan ko siya at hinablot ang kamao niyang nag dudugo dahil sa ginawa niyang pagsuntok.

"Ano bang ginagawa mo? Ano bang nangyari at nag kakaganyan ka?!"

Hinila ko siya palabas ng banyo at pinaupo sa kama para magamot ko ang kanyang sugat. Nag hanap ako ng panggamot at nilingon siya.

Nag aalab ang kanyang mga mata habang nakatingin sa akin. Ikinunot ko ang aking noo.

Ano bang nangyari rito?

Nang mapansin niyang nakakunot ang aking noo ay huminahon ang kayang mga matang kaganina'y tila gusto pumatay.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 03, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

THE BOUNDARY BETWEEN USTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon