Chapter 9

36 1 0
                                    

-9-

"Good morning class!" Masayang bati saamin ni Sir Tan.

"Good morning sir."

"Dapat ngayon ay pag susulit ukol sa history, pero napag isip-isip ko na gawin nalang na graded recitation. Hindi lang basta graded recitation, pag ako natuwa sa sagot ng isa sainyo ay pwede siyang umangat ng isang section." Nakangiting sabi nito.

"Hala! Edi pag tumaas ung section ko medyo malapit lapit na ako kay Prince  Callum!" Tili ng isang babae sa likod na nasundan pa ng iba.

"Oo nga! Tas kapag naka punta na ako sa star section baka ako yung magustuhan ni Callum kahit hindi ako duchess."

"Tataas naman ng pangrap ng mga babaeng iyan, 'di naman sila magugustuhan ni Callum." Bulong ni Viene.

"Bakit, ano ba ang tipo ni Asher?" Tanong ko sakanya na ikinabigla niya.

"A-ah 'yung matalino, mabait at maganda syempre."

"Pano mo nasabi?"

"Ewan ko rin." Nag kibit balikat nalamang ito.

"Uunahan ko kayo sa storya para may panimula at sundan niyo nalamang ito. Hindi ko sasabihin kung tama o mali basta dapat mag kakadugtong ang storya ninyo." Sabi ni Sir Tan.

"Sa Imperyo ng Summerly may naninirahan na manggagamot, ito ay si Stella. Sa Imperyo naman ng Icylea ay may haring nag ngangalang Earl."
Tumingin si Sir saamin at nag hahanap ng mag dudugtong sa kanyang sinabi.

"Sir ako!" Sigaw nung babae na kaganinang nag aasam kay Asher.

"Go on."

"Naka mate si Earl kay Sascha na isang duchess. Kinailangang iwan ni Earl si Sacha para pumunta sa pag pupulong sa Summerly. Habang papunta si Earl sa pag pupulong ay nakuha ng kakisigan ni Earl ang atensyon ng isang mang gagamot na si Stella." Pinatiggil na ito ni Sir at naghanap pa ng dudugtong dito.

Ano 'yun? si Earl at si Stella?

Nanlaki ang mata ko ng may napagtanto.

Parang may mali. Iba 'yung sinabi niya sa nakita ko kaganina. Hindi ako pwedeng mag kamali dahil mukang totoo iyung nakita ko kaganina. Parang si Stella pa nga ang nag kwento nito sa sobrang buhay ng nakita ko kaganina.

"Pakisundan ito." Turo ni Sir Tan kay Viene.

"Nag hanap ng halamang gamot si Stella na pwedeng gamitin pang gayuma kay Earl. Nang makahanap ito ay tumungo ito sa pag pupulong at nilagyan ng gayuma ang inumin ng hari. Tumalab ang gayumang ito at nahalili si Earl kay Stella. Araw-araw itong nag kikita sa Summerly kaya nagdalang tao si Stella at nanghina naman si Earl dahil 'di angkop ang klima sa katawan nito. Nalaman ito ni Sascha pero nag paubaya nalamang ito dahil akala niya na totoong mahal ni Earl si Stella. Napakabait ni Sascha at naging mapagbigay kahit na sobra itong masasaktan sa sarili nitong desisyon. Nanganak si Stella sa dalawang batang lalaki. Ipinadala ni Stella ang isang bata sa Icylea para maging prinsipe ito duon at 'yung jsa naman ay ipinadala niya sa hari ng Summerly at sinabing anak ito ng hari ng Icylea. Namatay sila sa dulo dahil 'di kinaya ng katawan nila."

"Salamat sa pakikiisa sa graded recitation na ito, pero ni isa ay 'di ko nakita ng makabuluhang dugtong sa sinabi ko." Dismayadong sabi ni Sir.

"Huh, paanong walang kabuluhan sir? Ayun naman po 'yung nakasaad sa history ng Icylea." Reklamo ng isang babae.

Walang kabuluhan. Ayan din ang nasa isip ko dahil ni isa sa sinabi nila ay walang umangkop sa nakita ko kaganina.

"Paano kung sabihin ko sainyo na iba talaga ang nangyari sa nakaraan? Maniniwala ba kayo saakin?"

THE BOUNDARY BETWEEN USTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon