Chapter 7

34 0 0
                                    

-7-

Pag kasabi niya nun ay umalis na agad siya. Anong ibig niyang sabihin?

"Let the history speak itself."

Iwinaksi ko nalang lahat ng mga sinabi niya at dumeretsyo nalang sa dorm ko. Ang akala ko ay nandito na si Viene, pero wala parin ito. Ibinaba ko muna yung bag ko, tsaka ako umupo sa kama at inilagay ang libro sa hita ko. Dahan-dahan kong binuksan ang libro, pero nakakapagtaka dahil ibang lengwahe ang nakalahad dito.

Siguro naman, merong dictionary sa library. Inilipat ko pa ang pahina nito nang ilang beses, pero wala talaga akong maintindihan. Inilapat ko ang aking kamay sa may itaas ng libro, para malaman ko kung anong lengwahe 'to.

Icylean?

Inilagay ko sa ilalim ng kama yung libro, at tumayo na para hanapin si Zirino. Pagkabukas ko palang ng pinto ay nakatayo na dun si Viene na akmang bubuksan ang pinto, habbang namumula ang muka.

"Oh, Viene, bakit ka namumula? Anong ginawa sayo ni Traven?"

"A-ah ano, a-ano wala naman." 

Tinitigan ko siya ng maigi bago tumango nalang. Kaylangan ko pang hanapin si Zirino!

"Sige, iwan na muna kita dyan, alis lang ako." hindi ko na siya hinintay sumagot, umalis na ako.

Bakit kaya namumula yung babaeng iyon? Baka may ginawang kababalaghan si Traven dun!

Hinanap ko agad si Zirino, at nang makita ko ito ay nilapitan ko siya kaagad, pero bago ko pa malapitan ito ay may humila saaking palapulsuhan patungo sa isang sulok.

"Hmmph!" 

Ambilis ng mga pangyayari.

Basta ang alam ko ngayon ay..

Magkadikit ang labi namin ngayon ni Asher.

"Zcirino naman! Ikaw kasi, nawala tuloy si Callum."

"Kumuha lang naman ako ng blood juice kasi nauuhaw ako, ikaw nga nakipagkagatan ka pa sa asawa mo, 'di naman kita inano."

"Ewan ko sayo. May tao doon sa sulok oh. Tingen mo si Callum yun?"

"'Yang sinabi mo Nelo mas malabo pa sa paginit ng Icylea. Never manghahalik ng basta - basta si Callum, unless syempre kung may connection."

"Oo nga, tsaka mataggal pa 'yun. Tara na nga at hanapin natin siya baka mayari tayo kay Diana nito."

Humiwalay sakin ni Asher at huminga ng malalim.

"Pahamak talaga." sabi nito habbang nakatingin sa pinuntahan ng dalawa kaganina.

napadako naman ang tingin nito sakin at ngumisi.

"Not bad."

Totoo ba, Hinalikan niya ako? Seryoso? 

Hindi ko alam pero nakatulala lang ako sakanya ngayon. Hindi ko alam ang gagawin ko sa mga oras na ito, parang pinahinto niya ang oras para lamang kunin ang atensyon ko.

"What the fuck just happened..." 

I'm still shookt to the core. I didn't expect na mangyayari sakin ang gento.

Simula bata palang ay ipinangako ko na ang aking unang halik at huli sa aking kapares, pero ano itong ginawa ko?

"Hey!" Hinawakan nito ang pisngi ko at iniharap ang mukha ko sakanya. 

"Are you alright?" 

Inaasar ako nito kaganina ah? Tas ngayon tatanungin niya kung ok lang ako?

THE BOUNDARY BETWEEN USTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon