MSCP✔️ III-155

1.3K 42 40
                                        

7:40 AM



Kiarra heave a deep sigh before she started walking. May dala-dala siyang bulaklak habang naglalakad papunta sa puntod ng isang taong napakahalaga sa kanya.

Lahat ng memorya niya noon ay biglang bumalik sa isipan niya

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Lahat ng memorya niya noon ay biglang bumalik sa isipan niya. Ang masasayang panahon na kasama niya ang taong ito. Wala sa isip siyang napangiti dahil rito at hindi namalayang tumulo na pala ang luha niya.

Nang makarating siya sa puntod, she put the flower above it's grave. Pagkatapos ay umupo siya sa puntod nito habang nakatingin sa pangalan na naka-ukit sa krus.

"Hi.. I'm here a-again..." Pumiyok ang boses niya kaya napakagat siya sa labi niya. Bumuntong hininga siya bago nagsalita ulit. "Hindi ako magsasawang bisitahin ka rito hanggang sa pagtanda ko..."

Kusang tumulo ang luha niya habang sinusubukang ngumiti.

"Wala, e. Mahal na mahal kita kaya hindi ako magsasawang bisitahin ka..." Umiiyak na sabi nito. She sigh again. "Nagpapasalamat ako sayo dahil binigay mo ang puso mo sa 'kin kahit kapalit noon ay ang buhay mo.."

Napayuko si Kiarra habang walang humpay na umaagos ang luha niya. Para itong waterfalls na walang katapusan.

Kahit apat taon na ang lumipas, masakit parin. Para bang kahapon lang ang lahat. Para bang hindi naghihilom ang sugat sa puso niya. Hindi na nga ata talaga ito mag hihilom pa lalo na't may malaking parte sa puso niya ang taong 'to.

"S-sabi mo noon dito ka lang sa t-tabi ko..." Sinisinok na siya dahil sa sobrang pag-iyak niya. "Pero biglang isang araw di na kita nakita... Tapos ngayon bumalik kana tapos w-wala kanang buhay dahil binagay mo sa 'kin ang puso mo... "

"Sobrang sakit... Sobra...." Aniya at napahawak sa puso niya. Parang pinipiga ang puso niya habang nakatingin sa kalangitan. "Gusto ko naring magpahinga at sumama sayo.. p-pero... naisip kong dapat kong pahalagahan ang buhay ko para magkaruon ng saysay ang ginawa mo... You offer your heart to save me..."

Ilang minuto rin siyang umiyak hanggang sa tumahan narin siya sa wakas. Wala sa isip siyang napangiti habang binabalikan ang mga oras na kasama niya ito. Ang masasayang oras na kapiling niya pa ito.

"I will cherish my life so your heroic action won't be wasted..." Pinunasan ni Kiarra ang luha niya at tumigin sa isang sasakyan kung saan ay nasa labas ang isang bata at isang lalaki na nasa edad niya. Naghihintay ito sa kanya.


"Mommy!" Biglang tawag nito sa kanya. "Alis na po tayo?"

Natawa naman ng marahan si Kiarra dahil sa inasta ng bata. Nag-puppy eyes pa ito sa kanya para sumang-ayon siya.

"Mag bye ka muna sa kanya." Tinuro ni Kiarra ang puntod at tumango naman ang bata.

"Okay Mommy!" Masayang sabi ng bata at tumingin sa puntod. "Bye po pala! Maraming salamat po! Kundi dahil sa inyo, wala si Mommy ko ngayon, ang the best mommy in the world!" Ani ng bata sabay yakap kay Kiarra.

"Sige na, mauna kana dun, susunod ako. Magpapa-alam muna ako sa kanya.." Ani ni Kiarra at tumango naman ang bata at masayang tumakbo papunta sa sasakyan nila.

"Aalis na ako, ha? Wag kang mag-alala. Babalik muli ako rito.." Biglang humangin at naramdaman ni Kiarra na para bang may malamig na hangin ang yumakap sa kanya.

Napapikit naman siya habang dinadama ito. Pait siyang napangiti. Hindi siya natatakot, bagkos ay sobrang saya niya.

"I love you... Ru-ro.."

Mr. Student Council President Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon