5:55 PM
Nagpatuloy si Kiarra sa pagsusulat sa isang kapat na papel. Kailangan niya kasi itong tapusin ngayon para maipasa niya na ito.
“Bukas mo nalang ‘yan ipasa.” Sabi ni Viya sa kanya. Nakatayo ito sa gilid niya, naghihintay sa kanya. Sila nalang dalawa ang natitira sa loob ng classroom nila dahil nag siuwian na ang iba.
“You know I can't do that. Today is the deadline and if I'll pass this tomorrow, it won't be accepted.” Sagot niya, ni hindi niya nagawang tapunan ng tingin ang dalaga dahil pukos siya sa pagsusulat. “Umuwi kana kasi. Wag mo na akong hintayin. Okay lang ako. Kaya ko umuwi mag-isa. I'm strong independent pretty woman kaya go naaa!”
“Eeeii!! Kiarra naman, e!” Pagmamaktol ni Viya na parang bata. Hindi niya kayang iwanan ang kaibigan niya lalo't madilim na.
Biglang nag-ring ang phone ni Viya, kaya kinuha niya ito, napa-kunot ang noo niya nang makita niyang isang emergency call ito. Sinagot niya agad ito at ang katulong pala ang tumawag.
“Ma'am, na disgrasya po si Sir Vincent, Ma'am.” Kinakabahang mungkahi ng katulong nila mula sa kabilang linya.
Agad siyang kinabahan dahil sa narinig. Wala sa isip siyang napasagot. “Pauwi na ako, Ate..” Sagot niya lamang. “Bes, nadisgrasya si Kuya Vincent.” Naiiyak niyang mungkahi.
“Ano?” Gulat na tanong ni Kiarra habang hindi makapaniwalang nakatingin kay Viya. “Sige na, umuwi kana, okay lang ako dito.”
“Ikaw?”
“Okay nga lang sabi ako. Sige na umuwi kana.”
“Sige. Ingat.” Agad na sabi ni Viya at dali-daling lumabas at tumakbo palabas ng campus.
Naiwan sa loob si Kiarra habang kinakabahan rin para kay Viya at sa Kuya niya, “Jesus, sana walang mangyaring masama kay Kuya Vincent.”
Nang sa wakas ay matapos niya na ang project niya ay agad niyang ipinasa ito sa teacher niya na nasa loob ng faculty office.
.
Nasa kalagitnaan nang pag-aabang ng taxi si Kiarra ng may mga lalaki ang lumapit sa kinaruruonan niya. Matatangkad ang mga ito at base sa mga jersey na suot ng mga ito ay mga taga-kalapit na paaralan nag-aaral ang mga ito.
“Hi miss.” Sabi nang isa at pinalibutan siya ng mga ito. Nabuhay ang kaba sa loob niya. Agad siyang nanigas sa kinatatayuan niya, hindi niya alam kung ano ang gagawin. Napahawak siya ng mariin sa strap ng bag niya habang tahimik na nanalangin na lubayan siya ng mga ito.
Bigla siyang inakbayan ng isang lalaki, dahil sa sobrang kaba ay hindi niya magawang sikmurahan ito sa tagiliran o kahit ibalibag man lang ang kamay nito.
Gusto niya tumakbo pero hindi niya magawa, pinapalibutan kasi siya ng mga ito. Sa tansya niya ay nasa anim lahat ang mga lalaki at malalaki ang pangangatawan ng mga ito. Ang mga pustura nang mga ito ay kapareho kina Raver, matangkad at matipuno.
Protect me Lord.
May phobia siya sa ganitong eksena kaya halos wala na siyang ibang nararamdaman kundi takot nalang para sa sarili niya. Unti-unting bumubuhos ang mga luha niya ng maalala niya kung ano ang nangyari sa kanya noon.
Not again please..
When she's about to close her eyes, she suddenly saw a car who stopped beside the road. Mas lalo siyang kinabahan dahil baka dukutin siya ng mga ito at dalhin kung saan.
Pero nang bumukas ang pintuan ay biglang nabuhay ang pag-asa niya ng makita niya si Raver. Lumabas ito sa sasakyan at ang mga kaibigan nito.
Ang huling lumabas ay si Rozan na madilim ang paningin sa mga lalaking nakapalibot sa kanya. Umigting ang panga nito at naglakad palapit sa kinaruruonan nila.
Naramdaman niyang nanigas ang lalaking naka-akbay sa kanya at halos hindi na ito humihinga.
Sa isang iglap ay nakita niya nalang ang lalaki na naka-akbay sa kanya na nakabulgta na sa sahig habang sina Raver ay busy sa pakikipagsuntukan sa mga lalaki. Kahit apat lang sila ay walang binatbat ang mga lalaking ito kina Raver dahil halatang bihasa na sina Raver sa rambulan.
Nakita niya ang matipunong likuran ni Rozan habang nasa harap nito ang nakabulagtang lalaking naka-akbay sa kanya kanina. Malalim ang bawat hininga ng binata.
Nanginginig parin siya sa takot, hindi niya alam kung anong gagawin. Takot na takot siya dahil nangyari na ito sa kanya noon. Walang katigilang bumubuhos ang luha niya.
Naramdaman niya nalang na biglang may yumakap sa kanya and the moment she smell his manly scent, she knew it was him. It's Rozan.
“Shhh... It's okay. You have me. You are now safe.”
BINABASA MO ANG
Mr. Student Council President
Literatura FemininaLove In Causerie Series 1 "Humanda ka Rozan. Kahit ikaw pa ang pinaka-masungit na lalaki sa mundo, mahuhulog ka parin sa charm ko." - Kiarra Acuzena. [Highest Rank Achieved] #2 in Chicklit (6/16/2018) #5 in Fan fiction (...
