MSCP✔️ III-148

1.5K 29 4
                                    

8:40 PM

          “Ate Aida....” Umiiyak na sabi ni Kiarra. “Hindi po ba talaga pweding kumain?”

Napabuntong hininga si Aida. Pinipigilan niyang tumulo ang mga luha niya. Naawa kasi siya sa kalagayan ng alaga niya.

Gutom na gutom ito pero hindi siya pweding kumain dahil may operasyon siya bukas. Baka kasi may kumplekasyon kung sakali kung kumain man ito.

         “Ito nalang kainin mo oh.” Inabot niya kay Kiarra ang mansanas at tinanggap naman ito ni Kiarra.

          “Thank you po..” Sinubukang kumagat ni Kiarra kaso wala siyang sapat na lakas para makagat ito ng buo. Bigla itong ngumiti at tumingin kay Aida. “Ah.. Hindi na po pala ako gutom.” Sabi nito sabay lagay ng mansanas sa mesa sabay ngiti ng pilit.

Parang hinaplos ang puso ni Aida sa nasaksihan. Hinang-hina na ang pinakamamahal niyang alaga. Alam niyang gutom ito pero hindi na nito kaya pang kumagat dahil wala itong sapat na lakas.

Pero kahit ganun man ang kalagayan ni Kiarra, nakuha parin nitong ngumiti para hindi mag-alala ang mga tao sa paligid niya. Lumalaban parin ito para sa mahal niya sa buhay.

Behind those smile is pain.

She fight but she's tired.

          “Ate Aida..” Biglang sabi ni Kiarra kaya napatingin siya rito. “Bukas na po pala, noh?” Sabi nito habang nakatingin sa kisame.

           Ngumiti ito at tumingin sa kanya. “Pumunta ka bukas Ate ha. Gusto kong makita kayong lahat bago ang operasyon ko...” Tumango siya sa sinabi nito at hindi na nagsalita pa dahil baka maiyak lang siya.

Simula pa ng bata ito, siya na ang nag-alaga rito. Masasabi niyang mabuting bata ito dahil kahit ni minsan, hindi siya binigyan nito ng sakit sa ulo. Masunurin itong bata at masayahin.

Biyuda si Aida kaya binigay niya ang lahat ng oras niya sa trabaho niya. Mahal niya rin kasi ang trabaho niya kaya ginaganahan siya.

Napahamal narin siya kay Kiarra. Araw-araw niya kasi itong inaalagaan. At masasabi niya ring, parang anak na ang turing niya kay Kiarra.

          “Pangako po?” 

Bumuntong hininga muna siya bago sumagot ng.. “Pangako.”

.

          On the other hand, the Doctor that will be the responsible for the operation of Kiarra, reviewed the papers in front of her.

It's all settled. The donor's heart were on it's eminently healthy state.

When Kiarra's parents found out that their daughter needed a heart transplant, Karoline leisurely offered hers, but then, they are old enough, furthermore, it runs in their blood to have a weak heart. Even in his husband's side.

Instead of losing hope, they became more consistent to find a heart donor for their daughter and luckily, Rozan found one.

          “We can now start the operation, Mrs. Acuzena.”

Mr. Student Council President Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon