11:56 AM
Pumasok ang Doctor kaya nag paalam na sila sa isat-isat. Mabigat ang loob nina Chey habang palabas sa loob ng kwarto ni Kiarra.
Pagkalabas nina Viya at agad silang nagsiiyakan. They are positive that Kiarra will survive pero hindi parin nawawala na baka hindi nito kayanin. Ang mga ‘what if’ sa isipan nila.
Habang ang kalalakihan naman ay tahimik lang na naka-upo. The both group is showing opposite behavior. The girls are crying, while the boys stayed silent.
“Nasan ba si Rozan?” Inis na tanong ni Viya habang pinupunasan ang luha niya. Hindi umimik ang mga ito kaya mas lalo siyang nainis. “Ano ba! Sumagot kayo! Nasan siya? Sabi niya hindi siya mawawala? Hinanap siya ni Kiarra pero ba't wala siya!”
Hindi muling umimik sina Raver. Nanatili itong tahimik habang naka-yuko ang ulo.
“Nakakainis kayo! Pati yang kaibigan niyo! Pinaasa niya si Kiarra!”
Umiyak lang ng umiyak sina Viya hanggang sa tumahan na sila. Ilang oras rin silang naghintay sa labas ng operating room ni Kiarra.
Hindi sila umalis, kahit na kumain ay hindi nila ginawa. Natatakot sila na baka pagbalik nila ay wala na si Kiarra. They don't want to leave her.
Sampung oras ang lumipas ay lumabas na ang Doctor galing sa operating room, nakatungo ito habang palabas sa operating room.
Agad namang tumayo silang lahat. Nagbigay daan sila ng makita nilang tumakbo ang mag-asawang Acuzena sa kinaruruonan ng Doctor.
“Kumusta ang anak ko, Doc?” Nag-aalalang tanong ni Karoline.
Pinisil naman ni Raino ang kamay ng asawa habang naghihintay ito sa sagot ng Doctor. Takot at sabik ang nararamdaman nila. Takot na baka hindi tagumpay ang operasyon at sabik na makita ang anak kung naisalba ba ito ng mga Doctor.
“She's okay. You can visit her tomorrow.. ”
Napayakap si Karoline sa asawa habang sina Viya naman ay nanlalaki ang mata at naka-awang ang bibig. Agad na umagos ang luha nila. They sigh out of relief.
“Buhay siya! She survive!” Maligayang sabi ni Chey at nagyakapan pa ang tatlo.
Nang umayos na sila ay napatingin sila sa kinaruruonan nina Raver. Nagtataka sila kung bakit wala itong imik at nakatungo lang.
“Uy, hindi ba kayo masayang buhay ang best friend ko?” Nakangusong tanong ni Sheil sa kanila.
Caze raise his head and smiled. “Of course w-we're happy...” Anito habang matamlay ang boses.
“Ganun naman pala! Tara let's celebrate!”
Hindi na muling nagtanong pa sina Sheil at nagyakapan nalang muli dahil sa saya.
.
Other day..
Pumasok ang grupo ni Viya at kay Raver sa loob ng kwarto kung saan naka-confine si Kiarra. Pwede na raw kasi itong bisitahin basta mag dobleng ingat lang sila.
Tahimik lang ang mga ito habang pumapasok sa kwarto ni Kiarra.
“Bes!” Sabay na sabi ng tatlo at niyakap si Kiarra ng marahan.
“You're such a strong woman, Kiarra! You survive!” Ani ni Viya habang nakahawak sa kamay ni Kiarra.
“Salamar dahil naniwala kayong kakayanin ko..” Nakangiting sagot ni Kiarra.
Nabaling ang tingin ni Kiarra sa mga boys na tahimik lang na nakaupo sa gilid.
“Congrats Kiarra...” Nakangiting sabi ni Raver nang maramdaman niyang nakatingin ang apat sa kanilang tatlo.
Alam ni Kiarra na may mali sa nangyayari. Wala si Rozan at iba magsalita ang mga tao sa paligid niya. Para bang may lungkot sa tono ng pananalita ng mga ito.
“W-where's Rozan?” Kinakabahang tanong niya.
Walang umimik sa kanilang lahat, instead ay yumuko lang ang mga ito. Agad siyang kinabahan dahil sa inaasta nila.
“Sabi ko nasan si Rozan?!”
“Please calm down Kiarra, it's not good for you to be mad.”
“P-please t-tell me where's Rozan..”
Kasabay ng pagbukas ng pinto ay ang pagtulo nang mga luha ni Kiarra na kanina niya pa pinipigilan.
Alam niya na kung ano ang sagot sa tanong niya...
BINABASA MO ANG
Mr. Student Council President
ChickLitLove In Causerie Series 1 "Humanda ka Rozan. Kahit ikaw pa ang pinaka-masungit na lalaki sa mundo, mahuhulog ka parin sa charm ko." - Kiarra Acuzena. [Highest Rank Achieved] #2 in Chicklit (6/16/2018) #5 in Fan fiction (...
