9:30 AM
Pumasok sina Karoline sa kwarto ng anak niya. Kasama niya ang kanyang asawa na si Raino.
Nasa labas sina Rozan at ang mga kaibigan ni Kiarra na sina Viya. Una munang bibisita sina Karoline bago ang mga bata.
“Good morning, anak..” Lumapit sila kay Kiarra at hinagkan ito.
“Morning Mom and Dad.” Nakangiting sagot ni Kiarra habang hinang-hina na.
“Anak, maging malakas ka, ha?” Ani ni Raino at hinawakan ang kamay ng anak.
Para siyang sinaksak ng maraming beses nang masilayan niya ang kanyang anak sa ganitong sitwasyon. Kung pwede lang maipasa ang sakit ni Kiarra, tatanggapin niya ito ng walang pagdadalawang-isip para hindi naito mag-dusa pa.
“Of c-course, Dad!” Masiglang sagot ni Kiarra kahit na nahihirapan na itong bumigkas ng salita.
“That's my baby girl..” Ginulo ni Raino at buhok ni Kiarra at hinalikan ang noo nito. He couldn't afford to lose another daughter again.
Sa kabilang banda naman ng kamay ni Kiarra ay nakahawak si Karoline.
“Lovey, wag mo kaming iwan, ha?” Sinusubukan ni Karoline na 'wag tumulo ang luha niya pero kusang tumulo ito dahil sa sakit na kanyang nadarama. “I can't afford to lose you...”
Both of them felt dismal, when their first daughter died, their world turn into pieces, they felt so useless. Wala silang nagawa para sa anak nila at ang pakiramdam na iyon ay bumalik ngayon. Kiarra is suffering but they can't do anything to lessen her pain. None of them match for her daughter.
Ngayon, parang hinaplos ang puso niya ng masilayan niya ang anak na hinang-hina na pero ngumingiti parin. Lumalaban ito para sa kanila.
Hindi siya nagsisising pinanganak ito kahit tutol man ang kanyang pamilya rito.
Pinisil naman ni Kiarra ang kamay ng Ina at ngumiti.
“Wag kang mag-alala, Mom. Hindi ko po kayo iiwan.”
“Promise”
“I p-promise..”
.
11:30 AM
“Pumasok na kayo..” Sabi ni Aida at tumango naman sina Viya at pumasok sa kwarto ni Kiarra.
“Hi bes!” Maligayang bati nina Chey kay Kiarra. Dinambahan nila ito ng yakap kaya natawa si Kiarra.
Nang kumalas sila sa yakap ay agad na hinanap ng mga mata ni Kiarra si Rozan, pero hindi niya ito nakita.
Nanlumo man siya pero hindi niya ito pinahalata. Baka kasi magtaka ang mga kaibigan niya at ma-offend ito sapagkat may hinahanap siya e nandito naman ang mga kaibigan niya.
Ang nasa loob ng kwarto ngayon ay si Viya, Chey, Sheil, Conn, Caze at Raver lang. Si Rozan ang nawawala.
“Ang bilis, noh? Mamaya na..” Ani ni Chey na para bang confident na confident siya na successful ang operasyon ni Kiarra.
Lahat sila ay positibong mabubuhay si Kiarra. Kilala nila ito. Malakas ito at matapang. May tiwala rin sila sa mga Doctor na kinuha ng magulang ni Kiarra. Ang kinuha ng magulang ni Kiarra na Doctor ay bitirano at kilalang-kilala sa bayan nila.
“Oo nga, e..” Sagot ni Kiarra.
Nag-usap silang lahat tungkol sa mga bagay bagay. They are all radiant for they don't want Kiarra to feel sad or even hopeless. They are all showing positive energy.
Nag-aasaran, nagtatawanan, at nagbibiruan, yan ang ginagawa nila. Tawa naman ng tawa si Kiarra na para bang wala siyang iniindang sakit o mamaya na pala ang operasyon niya.
“Alam niyo, yang si Rozan. Loyal ‘yan...” sabi ni Conn habang prenting naka-upo.
“Di nga?” Hindi pagsang-ayon ng tatlong babae kaya natawa ang mga lalaki.
“He's loyal. He keep on waiting for Alesia even if there's plenty fish in the sea. Naghintay siya kahit walang kasiguraduhan at kahit pa parang pinaglalaruan lang siya ni Alesia..” sagot ni Conn. “Buti talaga dumating ka Kiarra, muling nanumbalik ang ngiti ni Rozan. He deserve someone like you..”
“Kinalig kana niyan, Kiarra?” Sabi ni Raver kaya nagtawanan sila at ang silid ay napuno ng biruan.
Bigla naman napunta ang tingin ni Raver kay Kiarra.
“I know you're looking for him..” Biglang sabi ni Raver kaya napatingin sila rito. Agad na sinamaan ni Viya ng tingin sa Raver.
“H-huh?” Nauutal na tanong ni Kiarra.
“Wala siya.” Sagot ni Raver. Nalungkot naman siya sa sinabi nito.
“Pinapasabi niya nga palang... he freaking loves you, more than his life..” Sabi ni Caze.
“Kaya lumaban ka raw sa sakit mo, para sa mga kaibigan mo, pamilya mo, at para narin sa kanya..”
BINABASA MO ANG
Mr. Student Council President
Chick-LitLove In Causerie Series 1 "Humanda ka Rozan. Kahit ikaw pa ang pinaka-masungit na lalaki sa mundo, mahuhulog ka parin sa charm ko." - Kiarra Acuzena. [Highest Rank Achieved] #2 in Chicklit (6/16/2018) #5 in Fan fiction (...
