MSCP✔️ II-98

2.3K 51 7
                                        

10:35 PM

          Hindi makatulog si Kiarra dahil naalala niya uli ang nag-iisang nakakatandang kapatid niya. Si Kina. 

          She was 7 years old back then while her ate is 13 years old. They were in their way back home when suddenly a bunch of men blocked their way.

At first, those men was just fooling around and catcalling them but everything gets worst. Nanghihipo na ang mga ito lalong-lalo na sa Ate niya. These men are group of pedophiles.

Lumalaban sila kaso hindi nila kaya, dihado sila dahil malalaking tao ang mga ito at mga bata pa lamang sila. Di hamak na mas malakas ito kesa sa kanila.

Hinawakan ng mga ito ang kamay ng Ate niya na umiiyak narin dahil sa labis na takot. Marahang tinawag ng Ate niya ang pangalan niya kaya napatingin siya rito. Bagama't umiiyak ay nagawa ng Ate niyang ngumiti sa kanya na para bang sinasabing magiging okay rin ang lahat.

Sa isang iglap ay bigla nitong tinulak ng napakalakas ang lalaking nakahawak sa kamay niya kaya nakawala siya.

Kiarra! Takbooo!” Sigaw ng Ate niya. Bilang bata ay sinunod niya ang sinabi nito, tumakbo siya nang napakabilis sa puntong hindi na siya mahabol pa nong isang lalaki.

Umuwi siya sa bahay at agad na isinumbong ang nangyari sa Mommy at Daddy niya. Agad nilang pinuntahan ang lugar pero wala na ito doon. Pagkabukas ay may nakuha nalang silang impormasyon na isang babaeng nakitang patay sa isang eskinita habang ang damit nito'y gutay-gutay na.

          Kiarra cried while reminiscing what happen. Dalawa lang sila magkakapatid at mahal na mahal nila ang isat-isa pero dahil sa pangyayaring iyon ay parang nawasak ang mundo niya.

Ang kaisa-isa niyang pinakamamahal na kapatid ay nawala sa isang iglap dahil sa kanya. Dahil mas pinili ng kapatid niyang iligtas siya kesa sa buhay nito. Mas pinili ng kapatid ang kapakanan niya kesa sa sarili nito.

          “Ate... I miss you.... Ate... Kung nasaan kaman, sana masaya ka d'yan, I love you...”

.

          Ilang minuto ang lumipas ay tumahan narin siya. Ayaw ng Ate niyang umiiyak siya kaya kahit sa munting hiling na iyon ay gagawin niya. Sinubukan niyang matulog pero hindi siya makatulog.

Biglang may kumatok sa pintuan ng kwarto niya kaya tumayo siya at naglalakad papunta rito. Pagkabukas niya ng pinto ay bumungad sa kanya ang katulong nilang kasing-idad niya lang.

          “Kiarra, pinabibigay nong pogi. Para daw sayo.” Inabot ng katulong ang isang malaking paper bag kaya tinanggap naman ito ni Kiarra. She closed the door and get back to her bed while holding the paper bag.

Kunot-noo niya itong binuksan at nakita niya ang isang puting cute na stuffed toy na may scarf sa leeg at dalawang glow in the dark na rabbit toys.

Inangat niya ang puting stuffed toy para yakapin nang may nakita siyang maliit na papel na naka-ipit sa scarf nito

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Inangat niya ang puting stuffed toy para yakapin nang may nakita siyang maliit na papel na naka-ipit sa scarf nito. Kinuha niya ito at binasa.

I know you can't sleep. Here, I hope these things will help you to sleep. Goodnight. Sleep well.

R.D.

Wala sa isip siyang napangiti habang binabasa ang letter. Parang may humaplos sa puso niya at ‘di matanggal ang ngiti sa labi niya. Gumaan rin ang loob niya kahit papaano.

Nilagay niya sa isang maliit na mesa ang dalawang glow in the dark na mga cute na rabbit at pinatay ang ilaw sa kwarto niya. Agad namang umilaw ang glow in the dark na rabbits kaya napangiti siya.

          “How cute..”

Humiga siya at niyakap ang stuffed toy

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Humiga siya at niyakap ang stuffed toy. Parang magic ang lahat dahil agad siyang dinalaw ng antok. Nang tuluyan na siyang lamunin ng antok ay nand'yan parin sa labi niya ang isang matamis na ngiti.

          “Thank you... Rozan..”

Mr. Student Council President Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon