MSCP✔️ II-70

3.3K 94 6
                                    

We're Goddesses👑
Online

Today 6:15 PM

Viya:
UYY MGA DEMONYOOO

Chey:
Ikaw lang demonyo sa ‘tin, baliw.

Viya:
Che!

Viya:
May chika akoooo

Chey:
Anooo?

Sheil:
Sabihin mo biliss

Viya:
Buti nalang hindi pa online si Kiarra, walang sagabal pag mag ku-kuwento ako! Hihihi


Today 6:16 PM

Chey:
Sabihin mo na kasi

Viya:
So ito.

Viya:
Kanina, wala ‘yong p.e teacher namin and since topic namin ngayon ay about sa basketball, hinabilin ni Sir na ang mga basketball players daw ang magtuturo sa ‘min at sila ‘yung magbibigay ng grade about sa performance namin.

Today 6:17 PM

Viya:
Tas itong si Kiarra, kinikilig na kinakabahan. Alam niyo naman, parte si Mr. President natin sa basketball. Ang multi-talented talaga.


Today 6:18 PM

Viya:
Kaya ito, they group us into 5 groups at buti nalang nasa iisang grupo kami ni Kiarra. Kaso nga lang, hindi si Rozan yung magtuturo sa grupo namin kundi ang second hand niyang si Jade. Yung may gusto sa bessy natin ba na binara niya😂

Today 8:19 PM

Viya:
Tapos ito na. Alam niyo namang mahina si bessy natin sa sports kaya hindi niya mashoot sa ring yung bola. Naiinis na kaunti si Jade dahil hindi talaga mashoot ni Kiarra ang bola ta-tanga-tanga kasi. Kahit ang raming beses niya ng mag try, palpak talaga. Kaya pumuwesto si Jade sa likod ni Kiarra para ayusin ang pagtayo nito at kung paano ang tamang pag hagis ng bola.

Today 6:20 PM

Viya:
Itooooo naaaa! Kinikilig ako jusko!

Viya:
Habang nasa likod s Jade at itinataas ang kamay ni Kiarra, biglang may bola na tumama sa ulo ni Jade kaya napamura ito at galit na galit.

Today 6:21 PM

Viya:
Nainis si Jade at galit na nag tanong kong sino ang maygawa ‘nun. Biglang sumagot si Rozan at sinabing “Ako”, natakot naman agad si Jade at ngumiti nalang. Alam niyo namang kinakatakutan si President natin sa school kahit wala naman siyang ginagawa, dahil lang talaga sa awra niya.


Today 6:22 PM

Viya:
Gusto kong matawa nun dahil hindi aksidente yung nangyari, sinadya talaga ni President na batuhin sa ulo si Jade dahil ang lapit-lapit nito kay bessy natin.

Chey:
Seryosooo??!!

Sheil:
Kyaaaaaaaaa!!

Viya:
Kung nakikita niyo lang sana kung gaano kasama ang tingin ni President kay Jade ‘nun. Kikiligin talaga kayo ng wala sa oras.

Viya:
Possessive guy indeed

Viya:
Panalong-panalo ka Kiarraaaa

Mr. Student Council President Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon