MSCP✔️ II-110

2.5K 40 8
                                        

7:48 PM

          Humagalpak ng tawa sina Kiarra nang matapos nilang mabasa ang convo ni Chey at nang ex-boyfriend nito.

          “Anong tinatawa niyo d'yan?” Tanong ni Chey na kalalabas lang sa kusina. Nagluluto ito ng dinner nila. Narito sila sa bahay ni Chey (sleep over).

          “Ansama mo naman kay Conor!”

          “Nagsasawa na ako sa kanya.” Sagot naman ni Chey habang tinatali ang buhok niya. “At isa pa, sobrang hambog niyan, di ko keri.” Chey answered while rolling her eyes upward with a disgust face. “Palagi akong binabagyo rito dahil sa kahumbagan niyan. Kapal ng mukha.” Sagot nito at bumalik sa kusina.

Tawa lang ng tawa sina Kiarra. Kahit kailan talaga ibang klase to si Chey, pag ‘di na kasi niya gusto, she will immediately dump it like a trash. Playgirl indeed.

          Ilang minuto ang lumipas ay tapos nang magluto si Chey kaya kumain na sila. Sa kanilang apat, si Chey ang magaling magluto kaya ito palagi ang nagluluto. Magaling rin naman si Sheil, kaso minsan ay tinatamad ito katulad ngayon.

          “Sa ating apat, si Kiarra lang ata ang may boyfriend na gwapo, e.” Nakangusong sabi ni Chey habang tinuturo si Kiarra gamit ang tinidor.

          “Anong boyfriend? Wala pa akong boyfriend!” Sagot naman ni Kiarra habang nginunguya ang pagkain niya at tinuturo pabalik si Chey gamit rin ang tinidor niya.

          “Anong wala, ano si Rozan, aber?”

          “Hindi ko pa siya boyfriend, noh!” Nakangusong sagot ni Kiarra.

          “Pero kung sakaling maging boyfriend mo siya, sobrang swerte mo friend.” Sabi naman ni Viya sabay kagat sa fried chicken na kinakain niya.

          “Sobrang swerte talaga! Gwapo na, matalino pa. Masungit nga pero mabait naman kung kikilalanin mo. May paninindigan, magaling mag basketball, talented— tangina lahat na nasa kanya!” Hyper na sagot ni Chey at natawa silang apat.

          “KUNG magiging boyfriend ko siya.” Sagot ni Kiarra habang dinidiinan ang ‘kung’ na salita. “Pero sana nga noh maging boyfriend ko siya?” Agad na bawi ni Kiarra. Nagtawanan naman ang tatlo dahil sa inasta ni Kiarra.

The whole night goes well. They've watched a movie, play games and stuffs. When they got tired, they finally decided to sleep.

          “Goodnight!” The four of them said in unison as Chey turned off the lights.

Kiarra was about to close her eyes when her phone vibrated. She get her phone and slid it to open the message.

Rozan:
Goodnight. Sweet dreams💜

And with that, her night became complete. She type an answer and send it to him.

Nakangiti siya habang nilalagay ang phone sa gilid ng lampshade. Dahil sa kilig ay niyakap niya si Sheil na nasa tabi niya at natulog habang may malaking ngiti sa labi.

Mr. Student Council President Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon