Chapter 6

76 7 3
                                    

Ang..

Journal.

Oras na ba?

Napabuntong hininga nalang ako saka bumalik sa kabilang kwarto

Pagpasok ko, nakaupo sila at ang form ay kagaya pa rin kanina, ang pinagkaiba lang ay konti nalang kami

Lahat ng barkada ko ang nandito, kasama na si Khyle

Oo nandito si Reese at Erika dahil di naman madaling tamaan ng alak ang dalawang hinayupak

Ganito ang position namin, nakapalibot pa din.

Daniel Reese Khyle Kenneth Erika

Bitbit ko ang journal, at umupo sa pagitan nila Kenneth at Erika

Nilapag ko sa gitna ang journal

"Anong gagawinn natin diyan?" ani Daniel

"Oras na siguro para sabihin ko to sa inyo, ayokong maglihim, dahil gusto ko marinig kung ano ang magiging reaction niyo, dahil maski ako.. Nalilito rin" ani ko sa kanila

"Dalawang araw na mula ng mangyari to. Napanaginipan ko ang isang babae. Tatlong beses ko na syang napanaginipan, at huling scenerio sa panaginip ko, yun ang nakalagay dyan" sambit ko tsaka tinuro ang journal

"Wag kang magbiro ng ganyan, Mico. Napakaimposible ng sinasabi mo" sabi ni Kenneth

"Bigla ko nalang yang nakita sa kwarto ko habang naglalaro ako. Alam ninyo na hindi ako mahilig sa mga ganyan kaya bakit naman ako magkakaroon niyan?" naiinis kong sambit sa kanila

"Malay mo may naglagay sa kwarto mo bilang regalo sayo habang wala ka" ani Khyle

Tiningnan ko isa isa ang mga barkada ko

"Mga tol, alam ninyo. Hindi ko iniiwang bukas ang kwarto ko, tanging kayo lang ang pinapayagan kong pumasok" seryoso kong sabi sa kanila

Napaisip naman sila ng malalim ngunit di pa rin sila kumbinsido

Kinuha ko ang journal, tinuro ko ang larawan sa cover page

"Siya. Siya ang babaeng nasa panaginip ko parati" sabi ko

Binuklat ko ang unang pahina

"Etong larawan nato ang una naming pagkikita sa panaginip ko" dagdag ko pa

Binuklat ko naman ang pangalawang pahina

"Eto ang nasa pangalawang panaginip ko, at eto ang huli. Pagkatapos ng panaginip ko, at pag nakikita ko ang journal na yan, bigla yang iilaw at pagbukas ko ay may bago na namang larawan" kwento ko sa kanila

The Girl Who Never ExistedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon