Chapter 8

74 4 0
                                    

"Mico..May gusto ka ba kay Yna?"

Sabi ko na nga tungkol kay Yna to.

"Kuya, wala akong gusto kay Yna. Nagkataon lang na kaklase kaya kami naging close" sagot ko sa kanya. "At isa pa, may iba akong gusto.. At hindi si Yna yun" dagdag ko habang nakatingin sa kanya

"Siguraduhin mo lang, Ico. Kasi ayokong maging kaagaw ang KAPATID ko" sabay tapik niya sa aking balikat at tuluyang umalis ng bahay, baka magkikita sila ng mga barkada niya.

Baka nakita niya kami kagabi? Imposible, kasi tulog na tulog siya nun.

Napasabunot nalang ako sa buhok tsaka umakyat pabalik at pumunta sa kwartong pinag inuman namin.

Nanonood sila ng Horror Movie habang kumakain ng mga crackers

"Alam ko ang nangyari kanina, Mico" sabi sakin ni Kenneth

"Anong tinutukoy mo?" tanong ko sa kanya

"Si Marco" sagot niya

"Bakit? Anong nangyari?" tanong ni Reese

"Wala, wag niyo ng intindihin yun. Wala lang yun. Oh ano yang pinapanood ninyo?" pag-iiba ko ng usapan

"Veronica" sagot ni Khyle

"Oh ayos, yan yung sinasabi nila na very disturbing na horror movie diba? Overnight ulit? Baka itakwil na kayo ng mga magulang ninyo ha hahaha" sabi ko sa kanila

"Sus okay na okay lang kina Mama basta nandito lang ako kina, Mico hahaha" sabi ni Daniel

"Eh kung dito nalang kaya kayo ngayong sembreak? Tutal almost 1 month naman ang sembreak natin" sabi ko

Yes almost 1 months hahaha edi sana ginawa nalang nilang Summer Break.

"Sige Ba! Game kayo? Basta ako game na game ako!" sabi no Daniel

"Magpapaalam na muna ako kay Papa, baka di na ako pauwiin eh hahaha" sabi ni Reese

"Sabihin mo lang kung uuwi ka ha, ihahatid nalang kita sa inyo tapos magpapaalam ulit ako kina Mama" ani Khyle kay Reese

Sige kung ganoon magsihanda na kayo" sambit ko sa kanila

Agad naman silang naghanda. Inayos ang kwarto, tinapon ang mga kalat at mga bote.

Wala silang dalang ni isang damit kasi inuman lang naman yung plano namin kaya uuwi sila maya maya.

Bumaba na muna ako para uminom ng tubig. Pagbaba ko ay naabutan si Mama at Papa na kumakain sa kusina

"Goodmorning Ma, Pa" bati ko sa kanila

"Goodmorning din, saan pupunta ang kuya mo? Ang agang umalis ng bahay" tanong ni Papa

"Baka po may practice sila Pa, o baka gagala kasama mga barkada niya" sagot ko kay Papa

Tsaka nagpatuloy silang kumain at kumuha ako mg tubig mula sa ref

"Ahm Ma, magpapaalam po sana ako kung pwede dito magstay ang mga barkada ko ngayong sembreak" pagpapaalam ko kina Mama

"Oh sure, alam mo naman na napalapit na din sila sa amin kaya okay na okay lang, basta wag na wag kayong gagawa ng kalokohan ha" sabi naman ni Mama na agad kon ikinatuwa

"Thanks Ma! sige po punta na ako sa taas para makaready na rin sila. Love you!" sabi ko sa kanila sabay halik sa pisngi at umakyat sa party room.

"Guys pumayag sila Mama na dito kayo matulog for few days" natutuwang sambit ko sa kanila

"Ayos! Bilisan ninyo dyan para makapagpaalam din ako kay Mama! Alam niyo naman yung ugali ni Mama Bingkai" sabi ni Erika

"Eh ano nalang yung Mama ko! Para akong dalaga dahil mahirap papayagin talaga" sabi naman ni Kenneth

The Girl Who Never ExistedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon