Chapter 7

79 6 0
                                    

NAGISING ako sa katok na narinig ko sa aking kwarto

"Sandali laang!" sigaw ko at agad na nag ayos ng aking sarili

Pagkatapos kong mag-ayos ay lumabas na ako sa aking kwarto, wala namang tao. Sinilip ang guest room na pinagtulugan ng mga girls.

Mahihimbing pa ang mga tulog nila kaya di ko nalang muna ginising, maging si Kuya Marco ay tulog na tulog din

Hang over is real

Bumaba na muna ako at pumunta sa kusina, nakita ko si Manang Dolores na nagluluto ng breakfast.

"Goodmorning po Manang, pwede po bang magluto kayo ng pagkain para mabawasan ang hang over? Para mabawas bawasan pag gising nila" sabi ko kay Manang Dolores

"Sige iho magluluto na ako pagkatapos kong lutuin ang agahan ninyo, tatawagin ko nalang kayo pag naluto na" nakangiting sabi ni Manang

Umakyat na ulit ako sa kwartong pinag inuman namin at gising na lahat ng mga barkada ko

"Tol! Tingnan mo to!" sabi ni Daniel sabay turo ng journal

"Nagising kami dahil umilaw yan kanina, at laking gulat namin ng may dumagdag na larawan" wika ni Kenneth

"Di pa ba sapat na katibayan yan para maniwala kayo sa akin?" sabi ko sa kanila at tiningnan ko sila isa-isa

Kinuha ko ang journal at binuklat ko ito. Tiningnan ko ano ang larawang nakadrawing dito

Bahay, si Jenn, nakawagayway sa akin.

"Ito ang huli scenario sa panaginip ko, hinatid ko siya sa bahay nila, at sabi niya bukas ipapakila niya daw ako sa mga magulang niya" ani ko sa kanila

"Tol, sa tingin mo bakit nangyayari to sayo? Baka na engkanto ka ha, o di kaya'y.. NAKIPAGKASUNDUAN KA SA MGA DEMONYO!" Sabi ni Daniel habang nakadilat ang mga matang nakatingin sakin

Agad namang binatukan ni Khyle si Daniel

"Gago ka ba? Bakit naman gagawin yun ni Mico? Di naman siya sira ulo!" ani Khyle

"Eh malay mo diba?" sabi ni Daniel napamot nalang ng ulo niya

Biglang may kumatok sa pinto at binuksan ito. Si Manang Dolores pala.

"Mga apo, halina't kumain na kayo para mabawasan ang mga hang over ninyo" tawag sa amin ni Manang tsaka bumaba na siya

"Oh yes kainan na!" sigaw ni Daniel

"Mauna na kayong bumaba, ako na ang bahalang gumising sa iba nating kasama" sambit ko sa kanila tsaka ko kinuha ang journal

The Girl Who Never ExistedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon