Chapter 13

76 5 2
                                    

BIGLANG dumilat ang mata ko sa pagkagulat at halos naghahabol ng hininga

Isang demonyo..

Sa panaginip ko!


"Boys, kayo na muna bahala dito ha. Magsisimula na meeting namin ng business partners namin ng Papa ninyo. Kumain nalang kayo sa labas, okay? Ibibigay ko na sa inyo ang mga cards ninyo. Take care boys!" ani Mama sa amin habang papalabas na door.

"Talaga, Ma? Yes! Thanks Ma!" natutuwang sambit ni Kuya Marco habang papalabas na sila Mama.

Matagal na kasing naming hinihingi kay Mama ang mga cards namin kaso di pa niya ibibigay kasi daw baka maglakwatsa lang kami.

Kinukusot-kusot ko pa ang mata ko. It's already 4:30 pm and naisipan namin ni Kuya na magmerienda sa labas. Dinala namin ang phone at cards at nilagay sa wallet namin tsaka lumabas ng hotel.

Napagdesisyunan din namin na sa Jollibee nalang kami kakain tutal walking distance lang naman. After 10 mins na paglalakad ay nandito na kami, nag-order na kami tsaka naghanap ng seats.

Umorder ako ng Coke Float, Fries, Burger, and Spicy Chicken with Rice, same lang kami ng binili ni Kuya dahil same lang kami ng Favorites. Umupo na kami then nagsimula nang kumain, marami kaming pinag-usapan.

"Tol, balak kong ligawan si Yna sa Prom natin hahaha feel ko mas special eh" sabi ni Kuya

Masaya ako para kay Kuya but there's a part of me na parang nasasaktan ako.

"Mas maganda yun, Kuya. Magkakamayaw ang mga students pagnagkataon hahaha. Ngayon palang magplano ka na kung anong gagawin mo" ani ko

"Pinag-iisipan ko na nga tol eh. Basta tulungan mo ako sa pagpaplano ha. Gusto kong maging special ang pangliligaw sa kanya" sagot ni Kuya

Ngumiti lang ako kay kuya tsaka nagpatuloy sa pagkain. Gusto kong mainis, magselos pero may pumipigil sa akin. Di ko alam kung bakit, pero pag sinusubukan kong isipin si Yna, parang may sariling utak ang utak ko para hindi siya maisip. Oh tanga diba? Utak na nga may sariling utak pa.

Pagkatapos naming kumain ay nagpunta muna kami sa mall. Sumakay kami ng taxi dahil medyo malayo ang mall mula sa Malcolm. Gumala kami at bumili ng kung ano-ano. Si Kuya ay bumili ng ibibigay kay Yna para sa panliligaw niya. Kwintas na muna ang binili niya dito.

Normal necklace lang siya na color silver and ang pendant ay isang rose. Simple necklace but costs a dollar!

Di ko rin naman mapapakealaman si Kuya kasi pera niya din naman yan.

After naming maglibot libot ay inabot kami ng gabi at napagdesisyunan na naming umuwi. Sumakay kami ng taxi. Di na kami kumain dahil busog na kami kaya nagshower nalang kami at naglaro ng Mobile Legends. After 2hours of playing and it's already 8pm ay wala pa rin sila Mama at Papa. But then we've received a message from them na matatagalan pa daw silang makauwi.

"Di pa makakauwi sila Mama, matutulog nalang ako, tara tulog na tayo, Tol" sabi ni Kuya tsaka naglagay ng headset

Tumango na lang din ako, medyo napagod din kami sa paglilibot eh. Kinuha ko na din yung headset ko tsaka nagplay ng music para mabilis akong makatulog. After few minutes ay nakaramdam na kami ni Kuya.

*****

Sa bahay ng Pamilya Dellama na binabantayan ng kanilang mga tagapangalaga, may nagmamasid na hindi nila nakikita, naglilibot libot sa kahit saang sulok ng kanilang bahay. Isang hindi makilalang nilalang, na wari'y nagbabantay sa kanilang bahay, di nagtagal ay nahinto ito sa kwarto ng binatang si Mico.

The Girl Who Never ExistedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon