Chapter 5

84 8 3
                                    


PAGDATING ko sa bahay, agad ko ng ni-chat si Yna

"Hi Yna, shot daw dito sa bahay kasama ang barkada, game ka? :)" chat ko sa kanya

Online naman sya kaya agad siyang nakareply

"Sige game ako dyan, papunta na ako maya maya :*" reply niya

Ayos!

Di naman ako baguhan sa alak, umiinom naman kasi kami minsan pag hindi na talaga busy sa school, bilang bonding na din namin

Inayos ko yung kwarto ko, pero dun kami sa isang kwarto mag-iinuman, pinagawa lang talaga yung kwarto na yun para sa amin. Like pag yung mga barkada ni Kuya, dun din sila nagsho-shot, pero di ako sumasama kasi di ko naman close yung mga kaibigan niya.

Hinanda ko yung kwarto, isa isa kong ni-check ang refrigerator kung may mga beer, and other alcohol beverages pa. And good thing, punong puno naman. I also checked the freezer kung may mga ice cubes.

Okay ayos na lahat!

Hihintayin ko na lamang sila, 6:55 pm na and 7pm calltime namin. Maya-maya nandito na ang mga yun.

Pumasok na muna ako sa aking sariling kwarto at inayos ang bag ko. Habang naglalabas ako ng gamit sa bag ko, bigla kong nadampot sa loob ang journal.

What? Sa pagkaalala ko, sa kotse ko to nilagay. Napakamisteryo talaga nito, pero binalik ko nalang siya sa drawer para walang makakita.

Eksaktong 7 pm nang nakarating ang barkada, sabay sabay pala sila. Agad akong lumabas ay binuksan ang gate at pinapasok sila. Agad naman silang pumasok sa bahay na para bang bahay nila. Feel at home ika nga, sanay na din naman sila dito eh.

Pumasok na sila sa kwarto na pag-iinuman namin.

"Oh hayop diba sabi ko sayo isama mo si Yna?" tanong ni Daniel

"Pupunta yun, nagchat ako sa kanya and game daw sya" sagot ko

"Ayos! Hayop, ayusin mo ha wiiiiiieeeehooo!" sabi ni Daniel

Ano bang pinagpaplanuhan ng mga to? Parang tinutulak nila ako kay Yna.

Ilang minuto pa ay dumating na si Yna, kasama niya yung kaibigan niyang si Faith tsaka ni Vanessa na agad ko namang pinapasok

"Oh Yna, nandyan ka pala? Mahilig ka din palang mag shot. Guys, sama nalang ako mag shot sa inyo tutal nandito naman pala si Yna eh" sabay kindat sakin ni Kuya at tumingin din sa mga kaibigan ko

Medyo di gusto ng mga kaibigan ko si Kuya, kasi nga medyo hambog at gusto niya lahat ng gusto niya ay nakukuha.

Pero bilang pagrespesto na rin, pumayag na lang sila at pumasok na sila sa kwarto

"Wow talagang ginawan niyo ng sariling room para sa inuman ninyo ah, it look so very nice!" sabi ni Faith na tila naglilibot sa kwarto

The Girl Who Never ExistedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon