Chapter 17

64 5 0
                                    

*KRIIINGGG*

Hmmmmm.. Yeah. Kakagising ko lang, makikita ko naman si Yna sa school, Yes! Naligo na ako at agad nagbihis. Inihanda ko na ang mga gamit ko, at lumabas na ng room.
Paglabas ko ng room ay nadaan ako sa pinto ng kwarto ni Mico at kumatok.

*tok tok tok"

Oh as usual di sumasagot, male-late na naman talaga to.

"Tol! Tapos ka na diyan? Sabay na tayo pumunta sa school!" sigaw ko nang hindi niya pa binubuksan ang pinto, ilang minuto pa ay binuksan naman niya , naka uniform na siya.

"Una ka nalang, Kuya. Yung kotse ko nalang yung gagamitin ko" ani Mico

"Okay sige. Bilisan mo na diyan, malapit na ang time baka ma-late ka na naman" sabi ko sa kanya tsaka bumaba at pumunta sa dining area para kumain.

By the way, sila Mama naiwan dun sa Malcol dahil nag-aasikaso pa rin para sa business nila. After kong kumain ay lumabas na ako at sumakay sa kotse tsaka binuksan ni Jocel ang gate para makalabas ako.

***

"Hey Bro, what's up? Si Yna oh, puntahan mo na habang wala pa yung pomoporma diyan" sabi ng kaibigan kong si Justin

Si Mico ang tinutukoy niya, sinabi ko kasi sa kanila nung una nagkakamabutihan si Mico at Yna kaya mukhang mahihirapan ako, pero ngayon sigurado naman ako na walang gusto si Mico kay Yna.

"Di yan, Bro. Wala siyang gusto kay Yna" sagot ko sa kanya

"Nako kailangan mo pa ding bantayan, magkaklase sila! Imposibleng di magkadevelopan yang dalawang yan, huh" dagdag niya pa

Di talaga dapat akong makampante. Imposibleng hindi mahulog ang loob ni Mico.

"Hey Yna, goodmorning! Kumusta sembreak mo? Mas lalo kang gumaganda ah", bati ko kay Yna nang kinausap ko siya habang papasok siya ng room nila. Humarap naman siya sa akin

"Uy hi Marco, okay lang naman kahit nakatambay lang sa bahay hahaha oh bakit wala pa si Mico?" she asked, and the reason why I pissed off a little. Ako yung nandito pero iba ng hinahanap? The fuck?

"Ah, nasa bahay pa, mukhang male-late yun. Di siya sumunod nung umalis ako sa bahay eh" sagot ko sa kanya, ngunit agad kaming natigilan nang dumating na si Mico.

"Nandito na si Mico! Hi Mic---" putol na sabi ni Yna nang daanan lang siya ni Mico. Nakita ko naman ang pagkadismaya sa kanyang mukha.

"Pagpasensyahan mo nalang yan. Baka pagod lang sa byahe" sabi ko kay Yna

"Sabay tayo mamaya sa recess ha, My Treat" dagdag ko pa tsaka kumindat sa kanya.

Tumango naman siya habang nakangiti pero nandun pa rin ang lungkot sa mga mata niya. Nagpaalam na ako dahil malapit ng magstart ang klase at bumalik na ako sa room ko.

Humanda ka talaga sa akin Mico.

***

YNA LASTIMOSA'S

Di ko alam kung bakit pero..

Nakaramdam ako ng matinding kirot nung nilagpasan lang ako ni Mico.

Di kaya...

Nalaman niya ang nangyari nung nagshot kami sa bahay nila?! Oh shit.

Sabi ko na nga ba hindi maganda ang pag nalaman niya eh!

Lumakad na ako papunta sa upuan ko, katabi si Mico. Gusto ko siyang kausapin ngunit kinakabahan ako at natatakot at the same time. Ngayon ko lang siya nakita na sobrang seryoso, halatang ayaw kumausap ng tao. Hahayaan ko nalang muna siya. Kasalanan ko rin naman.

The Girl Who Never ExistedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon