Chapter 11

69 6 0
                                    

*BOGSH!*

NAGISING ako sa ingay na aking narinig

"YES! WE'RE HERE NA WHOOO!" sigaw ni Kuya Marco habang sumisilip sa bintana.

"Sige maglibot libot na muna kayo diyan, hahanap lang kami ng mapagchicheck-in na hotel. Boys, take care and have fun!" sabi ni Mama sa akin

Hinawakan ko ang ulo, ang lakas ng impact pag untog ko sa manibela sa panaginip ko. Sa panaginip ko, ibang Jenn ang nakita ko. Nanaginip ako sa aking panaginip! Ang mukha ni Jenn na parang demonyo, at ang mala anghel niyang mukha.

Nagulat ako sa pag tawag sa akin ni Kuya.

"Mico! Bumaba ka na diyan, aalis sila Mama dahil maghahanap ng hotel" ani Kuya

Iniwan namin ang mga bag namin, dala ko lang ay ang phone, powerbank at headphones ko, kinuha ko nalang din ang shades para matakpan ang mata sa sinag ng araw.

Nandito na kami sa Baguio. Kahit may sinag ng araw ay napakaginaw pa din. Ang sarap sa pakiramdam, tamang tama talaga para makapag relax! Kakalimutan ko na muna ang nangyari kanina. Dahil kinakabahan na ako kung anong nangyayari sakin. Ayokong maging baliw!

Malcolm Square.

Ang ganda ng palagid, mas maganda daw ang view dito kapag gabi. It's already 11:35 am nang makarating kami dito. Si Kuya nagsimula ng maglibot libot. Picture siya ng picture sa view, sinusundan ko lang siya habang nag oonline ako.

"Tol, picturan mo ako dito ang ganda ng view oh!" sabi niya sabay tapon ng phone niya sakin na agad ko namang sinalo. Tapos pinicturan ko siya. Di na din ako nagpahuli, nagpapicture na din ako. Yung may magagandang shots namin ni Kuya ay ini-upload ko sa FB.

After naming maglibot libot, pumunta muna kami sa isang kainan. Medyo mahal ang mga pagkain nila, buti nalang may dala kaming pera, tsaka wala pa naman din sila Mama at Papa. After naming kumain, tamang tama ang pagtawag ni Papa kay Kuya.

"Hello, Pa? Bakit po?" sagot ni Kuya "Ahhh sge po, sge po papunta na kami" sabay end ng call.

"Ano daw sabi?" tanong ko

"Nakahanap na ng hotel sila Mama, isesend niya ang address and tayo na raw ang bahala magpunta dun" sagot ni Kuya

Naglalakad lakad kami habang nag-aabang ng taxi papunta sa hotel na sinasabi ni Mama. Sinabi namin sa driver ang address at pinapasok na niya kami. After 15 mins na biyahe ay nakarating na kami sa mismong hotel. Nag-abot na kami ng bayad kay Manong at pumasok na sa Burnham Suites Hotel.

Nagtanong kami ng kung anong room nag check in. After sinabi ang room, ni-guide kami ng isang staff and then nahanap na namin ang room at nagpasalamat.

Binuksan na namin room at nakita namin sila Mama na namamahinga. Ang ganda ng hotel, sobrang linis and super friendly ng mga staffs.

May dalawang bed sa room. Isang malaki at isang katamtaman lang. Yung sa malaking kama matutulog sila Mama at Papa at yung average size naman ay kami ni Kuya. Yung mga luggage namin ni kuya ay nakalagay sa gilid ng kama namin. Ganun din kina Mama.

"Maglinis na kayo ng katawan ninyo nang makapagpahinga tayo, kumain na kami ng Papa ninyo, kayo? Kumain na ba?" ani Mama

"Kumain na po kami Ma" sagot ko kay Mama

"Then magpahinga na kayo dahil kami ng Mama ninyo ang marami pang aasikasuhin bukas" ani Papa

Nakahiga na si Kuya sa kama kahit di pa nakatanggal ang sapatos ang sobrang busy sa phone niya, may pa ngiti ngiti pa. Hula ko si Yna kausap nito. Pumasok nalang ako sa CR dala dala ang damit na isusuot ko, naligo na ako pagkatapos ang nagbihis na.

Paglabas ko ng CR na ay nakahilata pa din si Kuya, kinuha ko nalang ang suklay sa maleta at sinuklay kang buhok ko.

"Kuya, di ka ba maliligo? Tsaka sino ba katext mo diyan?" tanong ko sa kanya

"Si Yna, tol" sagot niya sakin habang nakatingin pa rin sa phone niya at panay ang ngiti

"Maligo ka na nga, magpapahinga na muna ako" sabi ko kay Kuya. Nakita ko siya na tumayo at lumabas ng room. Pinagsawalang bahala ko naman at nagpahinga

YNA LASTIMOSA'S

It's been two days since that incident happened sa bahay nila Mico. And yes naalala ko na yung pinaggagawa ko!! Fuvk! Nakakahiya! Wala na akong mukhang maihaharap sa kanya huhuhu

After naman nung inuman, si Marco todo porma sa akin. Di naman sa ayaw ko pero.. Di ko naman kasi siya gusto. Nakahilata ako dito sa kama dahil tinatamad akong bumangon, my phone rangs and tiningnan ko kung sino ang tumawag.

Marco Dellama calling..

Si Marco na naman. Hahays, ayoko naman siyang iwasan dahil wala namang ginagawang masama yung tao para iwasan ko. Ilang araw na din kaming nagtetext, then he's calling me every hour.

"Oh hello Marco" bati ko sa kanya

"Hello Yna, kumusta? Nandito kasi kami sa Malcolm Square kasama magulang and kapatid ko. How's our sembreak diyan? Hahaha" sagot ni Marco

Bigla naman akong nabuhayang nang marinig ang salitang 'kapatid'. Di naman sa gusto ko si Mico, like you know I just like how approachable he is, which makes me admire him.

"Ahh talaga? So nasaan si Mico ngayon?" di ko napigilang tanong

"Nagpapahinga na siya, napagod kami sa biyahe eh. By the ways Yna, what are you planning for the Prom?" masiglang tanong ni Marco

Shet malapit na pala, maybe next week pipili na ako ng susuotin.

"Malapit na pala noh, maybe next week magpeprepare ako ng susuotin ko, kayo ba?" tanong ko

"Yes magsisimula na din kaming maghanap maybe next week, 1 week kasi kami dito sa Baguio eh, you know.. Business matter" sabi ni Marco.

"Ohhh, okay take care diyan, send my regards to Tito and Tita nalang" sabi ko sakanya

"Yes thank you, I will. Maliligo na muna ako ha? Then magpapahinga, gusto ko lang marinig ang boses mo para mawala ang pagod ko. Thanks Yna, Byee" sabi niya

"Sus nambola pa to oh hahaha sige take care. Byeee" sabay end ko ng call

Mabait din naman si Marco, it's just like.. Wala lang, wala akong nafi-feel na kilig kapag dumadamoves siya. Pero kapag si.. Ay wala wala! Erase! Naaalala ko lang yung ginawa kong kahihiyan!

I touched my lips, di ko aakalain na malalasing ako ng ganun para di ako naging aware sa mga kilos ko. Aish!

After tumawag ni Marco, nagbrowse browse lang ako sa gallery ng phone ko and there I found so many pictures of..

Him.

The Girl Who Never ExistedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon