Chapter 24

36 2 0
                                    

THIRD PERSON's POV

Abala na ang lahat sa pag-aayos ng kanilang mga sarili. It's already 5 pm and 5:30 magsisimula ang kanilang program. Si Mico ay suot ang kanyang kulay pulang tuxedo at inaayos ang kanyang itim na bow. Todo handa siya sa kanyang sarili, inayos ang kanyang buhok at nagspray ng kanyang paboritong pabango.

Si Marco naman ay ganoon din. He's wearing his silver tuxedo, sobrang elegante niyang tingnan sa kanyang suot. Silang dalawang magkapatid ay sobrang lakas ng dating. After nilang maghanda ay kanya kanya na silang labas sa kanilang kwarto, nang palabas na sila ay nakita sila ng kanilang mga magulang.

"Wow ang gu-gwapo ng mga anak ko ah, binatang binata na talaga oh" puri ng kanilang ama na sobrang natutuwa sa kanyang mga binata

"Let's take a picture! Sobrang gwapo ninyo!" sabi ng kanilang ina at tinawag Jocel. Kinuha naman ni Jocel ang DSLR Camera at kinuhanan ng litrato ang pamilya.

"Goodluck sa inyo ha, take care of your dates" sabi ng kanyang ama at kumindat sa kanila

"We will, Dad. Thank you hahahaha alis na po kami, susunduin pa po namin yung mga dates namin eh. Bye po, love you!" sabi ni Marco sabay yakap sa halik sa kanyang mga magulag, ganun din si Mico.

Lumabas na sila ng bahay at sumakay sa kani-kanilang kotse, binuksan naman ni Jocel ang gate at naunang lumabas si Marco at sumunod si Mico.

Si Marco ay agad na nagdrive papunta sa bahay nila Yna. Nang makarating na siya ay bumaba na siya sa kotse at nagdoorbell, sinilip naman si Nems kung sino ang nasa labas ng bahay nila. Nang makita niyang si Marco ang naroon ang pumanhik siya ulit sa loob ng bahay at tinawag si Yna, ilang minuto pa ang lumabas na ng pinto si Yna. Si Marco naman ay labis na napangiti nang makita si Yna. Natulala siya sa sobrang kagandahan nito. Suot niya ang isang gown na black at kumikinang. Bagay na bagay sa suot niyang silver na tuxedo.

'We look so perfect together' basa ng isip ni Marco

Binuksan na ni Nems ang gate at agad namang inabot ni Marco ang kamay ni Yna upang maalalayan sa paglabas ng gate, nasa likod naman ni Nems ang Mama at Papa ni Yna na binati naman agad ni Marco.

"Goodafternoon po, Tita, Tito" bati niya sabay nag bow at nakipag kamay sa kanila.

"Hello, Iho. You must be Marco? Bantayan mo at ingatan mo ang anak namin, okay? I trust you" sabi ng papa ni Yna

"I will, tito. Thank you po"

"Sige na baka ma-late na kayo, enjoy your night Darlings" sabi ng Mama ni Yna tsaka nagpaalam na silang dalawa.

Hinatid naman ni Marco si Yna sa kotse at pinagbuksan ito.

"Thank you" ani Yna sabay pasok sa kotse.

"You're so.. Beautiful.." puri ni Marco na hindi mawala ang ngiti ang ningning sa kanyang mata dahil sa taglay na kagandahan ni Yna ngayon. Simpleng make up lang ang suot niya ngunit sobrang ganda na ito sa paningin niya.

"Thank you. Let's Go?" sabi ni Yna sabay ngiti kay Marco.

Tumango naman si Marco tsaka pinaandar ang kotse nat tumungo na sa Hotel kung saan doin ang venue ng kanilang Prom.

---

Nang makarating na si Khyle sa bahay ni Reese, agad siyang bumaba sa kanyang kotse at sabay pindot ng doorbell. After niyang nagdoorbell ay lumabas ang Papa ni Reese at kasabay nitong lumabas sa kanilang pinto.

Khyle smiled as he stared at Reese. She's looking so elegant with her long silver gown.

"Ang ganda mo.."

"Thanks. Ikaw din. Sobrang gwapo mo.."

--


Unti-unti ng dumadami ang mga estudyante. Suot suot nila ang kanilang best gowns and suits na mas lalong nagpaengrande ng kanilang place. Sobrang classy ng design ng hotel dahil mga kumikinang na bagay ang nakakabit sa mga dingding ant kisame. May chandelier pang mamahalin na nakasabit. Kanya kanya na ang pwesto ng iba sa round tables na may anim nakapalibot na upuan. Gold and silver ang theme nila kaya gold ang design ng table at silver ang mga chairs.

Nakaupo na ang iba kasama ang kanilang mga dates for tonight. Tatlong magpartners ang nakaupo sa isang table. Ilang minuto pa ay dumating na sila Daniel kasama ang partner niyang si Jenny Lou. He's wearing his Black Suit and Black Gown din kay Jenny Lou.Matagal na niyang crush yan at dahil malakas magpatawa si Daniel ay nakuha niya ang loob nito at pumayag na maging prom date.

Sunod naman na dumating si Kenneth kasama ang date niyang si Vanessa. Habang naglalakad sa red carpet sila Kenneth at Vanessa ay sumasayaw naman ng Budots si Kenneth habang ang music ay pang slow dance dahilan para magtawanan ang mga schoolmates nila at ang mga teachers din. Kenneth is wearing his Navy Blue Suit and Mint Green naman ang kulay ng gown ni Vanessa.

"Nakakahiya kang date honestly! Bwiset ka talaga" sabi ni Vanessa kay Kenneth sabay hampas sa braso ni Kenneth

"Sus, aminin mo. Gwapong gwapo ka naman sa akin eh" sabi ni Kenneth sabay kindat kay Vanessa. Vanessa just rolled her eyes and then pumunta na sila kung saan umupo sila Daniel and Jenny Lou.

"Wala pa sila Mico at Khyle? Tagal naman ng mga gago" tanong ni Daniel kay Kenneth sabay inom ng tubig na nakahanda sa table nila.

Abala na ang lahat. Ang ibang students ay busy sa pakikipag-usap sa mga schoolmates nila. Ang iba busy sa mga dates nila. Ilang minuto pa ang dumating na sila Khyle at Reese. Na sumunod namang dumating sila Marco at Yna. He's wearing his Silver Suit at Black long gown naman kay Yna. Pumunta si Marco at Yna sa table ng mga barkada niyang sila Justin at Lawrence kasama ng mga dates nila.

"Oh hey bro! Ganda ni Yna ah.." sabi ni Justin sabay tingin kay Yna at kumindat

"Thanks.." sagot ni Yna sabay upo.

Lumapit ng kaunti si Justin kay Marco at bumlong. "Buti di na dumidikit ngayon yung kapatid mo diyan kay Yna" dagdag niya pa.

"Di na gagawin yun ni Mico, tsaka nangako siyang susuportahan niya ako" banggit ni Marco habang nanatiling nakatingin sa mga grupo ng students na nagsasaya.

"We'll see.." mahinang sambit ni Justin habang nakangisi na mapang-asar ngunit di narinig ni Marco ang kanyang sinabi.

Napatingin si Kenneth sa Red Carpet nang makita niyang sila Khyle at Reese na ang nandoon.

"Nandiyan na pala ang lovers oh" sambit ni Kenneth sabay lingon din ni Daniel

Si Erika and partner niya si Michelle, ang matagal na niyang crush. Erika is wearing her Pink suit and pink din ang suot na long gown ni Michelle. Ang sumunod namang naglakad sila Mico at Karen. He's wearing his Red tuxedo and black long gown din kay Karen. They matched perfectly.

Tumungo sa kabilang table sila Khyle at Reese samantalang si Mico at Karen ay naroroon sa table kasama sina Daniel, Kenneth at mga partners nila.

"Hi Kars! Ganda natin ah" puri ni Daniel sabay kindat kay Karen

"Thank you! Ikaw din ah, gwapo mo. Ang gu-gwapo niyo tonight!" sabi ni Karen sabay sulyap ng palihim sa gawi ni Khyle at Reese. Sumulyap din naman si Khyle kay Karen sabay ngiti sa isa't isa.

Di naman maikakaila ni Khyle na sobrang ganda ni Karen tonight. Mas lalo siyang gumanda sa suot niyang gown. Tiningnan naman ni Reese si Khyle sabay tingin sa direksyom kung saan nakatingin si Khyle.

"Sino tinitingnan mo?"

"A-ah si ano.. Sila Daniel. Nahiwalay kasi tayo sa kanila eh. Sayang"

"Ahhh. Sino yung partner ni Mico? Parang ngayon ko lang kasi siya nakita eh"

"Si Karen"

"Ahh bakit kilala mo?"

"Ano kasi.. Nakasabay namin siya nung bumili kami ng suits kahapon sa boutique namin kaya na meet namin siya dun"

"Ohh okay"

Nang malapit ng makumpleto ang mga dumalo ay inumpisahan na nila ang program.

The Girl Who Never ExistedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon