Chapter 2

163 11 2
                                    

Isang paraiso, ang daming bulaklak, ang daming puno, ang bango ng simoy ng hangin. Habang ako'y naglalakad, natanaw ko sa di kalayuan ang isang babae. Ang kanyang likod at tindig.. Nakasuot ng asul na bistida. Kilala ko sya, siya yung babae sa nakaraang panaginip ko. Jenn..

"Jenn?" banggit ko sa kanyang pangalan.

"Mico.." sambit niya

Kilala niya ako? Bakit? Paano?

"Kilala mo ako? Paano?" tanong ko sakanya

"Matagal na kitang pingmamasdan, minamanmanan, dahil ako'y nabihag mo sa iyong angking kabaitan" sagot nya sa akin sabay ngiti. Kagaya pa rin nung una ko syang nakita. Napakaaliwalas ng maamo nyang mukha, para siyang diwata nag anyong tao.

Paanong nangyari? Bigla lang naman syang lumitaw sa aking panaginip at di ko alam kung siya pa rin ang laman ngayon. Nagkataon lang ba talaga ito? Bakit paraang totoo?

"Gusto mo bang ilibot kita? Napakaganda ng tanawin dito, ipapakita ko sayo, dali!" sabi nya sabay hatak sa aking mga kamay. Tila ba may kuryente ding dumaloy nang mahawakan niya to. Di naman pwedeng magkagusto ako sa babaeng, sa panaginip ko lamang makikita, sapagkat di ito totoo.

"Sige, pero sandali lang ako ha, may klase pa kasi kami eh. Kailangan ko ng bumalik" ani ko

"Mamaya na, pangako magugustuhan mo dito" sabi niya at dinala nya ako sa isang ilog.

Napakalinaw ng tubig! Para bang pwede itong inumin sa sobrang linaw nito!

"Nais mo bang magtampisaw?" tanong niya

Tiningnan ko ang aking relo, nako po! Limang minuto nalang talaga ang magsisimula na ang klase namin!

"Jenn, pasensya na ngunit kailangan ko na talagang umalis" sabi ko sa kanya

"Mico mamaya na, wag mo naman akong basta basta iwan nalang oh, nung unang pagkikita natin, bigla ka nalang nawala" sabi niya

Oo, dahil bigla akong nagising nun dahil sa alarm clock ko. TAMA! Kailangan ay maalimpungatan ako! Pero paano?!

"Huy, Mico! Gising na, malapit na guro natin!"

Ha? Sino yung naririnig ko?

"Wag mong pakinggan yun, Mico. Dito ka lang muna, gusto pa kitang makasama" ani Jenn

Di pwede to, kailangan ko na talagang magising!

"HUY MICO!"

Napasinghap ako ng tuluyan akong magising, habol habol ang aking paghinga na tila ba ako galing sa pagkakalunod.

"Mico! Kanina pa kita gingising! Ang hirap mong gisingin ha! Akala ko naman kung napano ka na! Para kang nalulunod sa pagkakatulog mo! Jusko wag ka na matutulog ulit ha!" tila inis na sambit ni Yna

"Yna, pasensya na kung pinag-alala kita ha" hinawakan ko ang kanyang kamay. "Salamat dahil pinilit mong gisingin ako, di ko alam kung anong mangyayari sa akin"

I sincerely stared straight to her eyes while saying those words. Dahil di ko talaga alam, baka di ako nagising ng mga oras na iyon.

Ngumiti lamang sya sa akin. "Oo na, walang anuman, mag ready ka na, nandyan na si Ma'am"

The Girl Who Never ExistedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon