Chapter 18

61 6 3
                                    

****


"ANAK bilisan mo na diyan! Male-late na tayo sa simbahan" sigaw ng ina ng batang nasa kanyang kwarto at noo'y tapos ng magbihis at kausap ang kanyang kaibigang babae

"Wag ka na pumunta dun! Maglaro nalang tayo dito!" pagpupumilit ng batang babae

"Hindi pwede, magsisimba kami ni Mama tapos magpe-pray kami ng Papa Jesus.." sagot ng batang lalaki

Dahan dahan namang naglalakad ang batang babaeng noo'y nakasuot ng bistidang palapit sa batang lalaki.

"Hindi yan totoo.. Gawa gawa lamang yan ng mga tao. Kaya wag ka ng pumunta dun dahil di siya totoo.." bulong niya sa batang lalaki

"Ano ka ba, totoo siya. Parati nga siyang kini-kwento ni Mommy eh. Mamaya nalang tayo maglaro pagbalik nami--"

"Wag nga sabi! Dito ka lang!" sigaw ng batang babae at agad hinila ang kamay ng batang lalaki at siya namang pagbukas ng pinto ng kanyang ina

"Anak! Di ka pa tapos diyan? Kanina pa kita tinatawag, ang bagal mong kumilos bata ka, nandun na ang kuya at ang Papa mo" giit ng kanyang ina

"Eh kasi Ma yung kaibigan ko ayaw akong papuntahin kasi di daw totoo si Papa Jesus eh"

"What?" nagtatakang tanong ng kanyang ina sabay luhod at hinawakan ng magkabilang balikat ng kanyang anak. "At sino nagsabi niyan?" dagdag niya pa

"Yung kaibigan ko po"

Labis na nagtaka ang kanyang ina dahil sinabi ng kanyang anak na "kaibigan" niya.

"Baby, kung sino man yang kaibigan mo.. Wag ka ng lumapit sa kanya dahil hindi siya maganda impluwensya sayo, okay?" giit ng kanyang ina

"Mommy wag mong sabihin yan! Baka magalit siya sayo!"

"Anak, wag mo ng isipin yun. Halika ka na kanina pa naghihintay sila Daddy mo dun" ggit ng Ina sabay hawak ng kamay ng kanyang anak, bago pa man isarado ang pinto ay nagulat ang ina nang biglang may nahulog na bagay mula sa gilid ng higaan ng kanyang anak.

"Anak, punta ka na kina Daddy" sabi ng kanyang ina at pumasok ulit sa kwarto ng kanyang anak at tiningnan kung ano yung bagay na nahulog

Ang picture frame ng anak niya. Nabasag ito.

Biglang nakadama ng takot ang kanyang, nararamdaman niyang may hindi magandang mangyayari.

***

"The Mass has been offered.."

"Mommy bili tayo popcorn! Pleasee.." ani ng batang magkapatid

"Okay go to your Daddy, magpasama kayo.. Kiko, samahan mo muna ang mga bata, bibili lang ako ng bulaklak dito" ani ng kanilang Ina

"Okay Hon.."

Naglalakad si Miranda patungo sa mga nagtitinda ng mga bulaklak. Nang makabili siya ay biglang may humarang na matanda sa kanyang harapan

"Ineng! Bantayan mo ang anak mo! Pag wala kang ginawang paraan, tuluyan nila siyanga makukuha!" galit na sabi ng matanda habang hawak ang mga braso niya, madiin na pagkakahawak dahilan upang matakot siya

"T-teka po ale.. Baka gutom lang po kayo, m-mauna na po ako" sabi ni Miranda at agad na kumalas sa pagkakahawak ng matanda

"Binalaan na kita, Ineng. Pagsisihan mo yan" sabi ng misteryosong matanda


"Wag mong hayaang makuha ng tuluyan ang kaluluwa niya!" dagdag pa niya ngunit tuluyan nang naglakad si Miranda papunta sa kanyang mag-aama na labis na nangangamba dahil sa babala na sinabi sa kanya ng matanda.

The Girl Who Never ExistedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon