Chapter 27

30 1 0
                                    


****

Daniel: Ang tagal naman atang bumalik ni Karen?

Si Reese naman ay pumunta sa table nila Daniel dahil nag-aalala na siya kung bakit sobrang tagal na bumalik ni Khyle. Umupo si Reese sa bakanteng upuan kung saan dun nakaupo si Karen.

"Nakita niyo ba si Khyle?" tanong ni Reese sa kanila.

"Hindi eh. Si Karen nga din nag CR lang pero di na bumalik. Baka na-flush na sila" sagot ni Kenneth sabay nakatikim ng batok mula kay Vanessa

"Gago ka talaga kahit kelan. Baka naman nagkita lang sila tsaka nag usap sandali, you know" sabi ni Vanessa

Natahimik naman sila sa sinabi ni Vanessa. Si Daniel naman ay nagtaka baka sakaling totoo ang sinabi ni Vanessa na nag-usap sila dahil dun unang pagkikita nila ay parang may namagitan sa kanila dati. They feel awkward being together.

"Pupuntahan ko lang si Khyle" sabi ni Daniel sabay tayo nang tumayo din si Reese dahil may nararamdaman siyang mali.

"Sasama ako" sabi niya tsaka naman sila naglakad ni Daniel palabas ng venue.

Nang malapit na sa pinto sila Daniel at Reese, tumayo naman si Mico at Kenneth para sundan sila.

"Girls, dito muna kayo ha? Sundan lang namin sila" pagpapaalam ni Mico sa kanila. Bago siya lumabas kasama si Kenneth at tumingin siya kay Erika, sakto naman nakatingin din si Erika kay Mico dahil nagtataka na rin siya kung bakit sunod sunod itong lalabas ng venue. Medyo magkakalapit lang naman ang kanilang mga table.

Sumenyas naman si Mico at agad naman naintindihan ni Erika at tumayo na.

"Teka lang, Mich ha. Parang may something ata sa mga barkada ko eh. I'll be back" pagpapaalam ni Erika sa kanyang partner.

***

"I DESERVE AN ACCEPTABLE REASON!"

Tila namang natulala sila Daniel at Reese sa di kalayuan nang marinig nila ang pasigaw na boses ni Khyle.

"What the fuck is going on?!" pabulong na sigaw ni Reese kay Daniel, akmang susugurin ni Reese ang direksyon nila Karen nang hinawakan ni Daniel ang mga braso niya para pigilan ito.

Dumating naman sila Mico, Kenneth at Erika at nagtataka kung bakit umiiyak si Reese. At nakita nila sa di kalayuan sila Reese at Khyle na nag-uusap.

"Anong nangyayari?" tanong ni Mico

"Hayaan mo na muna silang mag-usap" sabi ni Daniel kay Reese.

"Maybe they need closure. Tandaan mo, ikaw ang mahal ni Khyle. I know him." dagdag pa ni Daniel.

Pinunasan naman ni Daniel ang mga luha ni Reese.

"Go back inside. Si Khyle dapat ang magpapaliwanag sayo" ani Mico

"Gusto kong marinig ang pinag-uusapan nila!"

"You don't need to. May tiwala ka kay Khyle diba? He loves you. He will explain everything to you as soon as possible. For now, they need to talk. Stay inside, malamig dito. Kami na bahala dito" sabi ni Daniel kay Reese para gumaan ang loob ni Reese.

"I hope so." tipid na sagot ni Reese tsaka pumanhik na ulit sa loob habang pinupunasan ang kanyang luha.

***

"Kung hindi ko ginawa yun, siguro patay ka na ngayon! I did that because I love you! At mas gugustuhin kong ako nalang kesa ikaw ang saktan nila! Dahil mahal kita, Khyle..." sambit ni Karen habang humahagulgol sa pag-iyak.

The Girl Who Never ExistedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon