VERONICA'S POV
"Mommy we're home!"
bati namin ni kuya pagpasok sa bahay. lagi lang kasi nasa sala si mommy, nanonood ng teleserye or kaya nag fefacebook. lumapit kami sakanya at nag beso
"May meryenda akong hinanda kumain na muna kayo"
Tumungo ako sa kitchen at kumuha ng pagkain. hay nako! buti nalang at binigay ko na yung Jollibee sa mga bata para kasi talaga saken yon at kay kuya. tuwing uuwi kami dito sa bahay foodtrip muna bago magkanya-kanya, I mean bago umakyat at pumunta sa kwarto. At bawal samin yung magtagal sa kalye dapat uuwi muna sa bahay para makita ni mommy ewan ko kung bat ganon? tas after nun pwede kana umalis basta nagpaalam ka ng maayos ng harap harapan ni mommy. may curfew pa nga ng 10-10:30pm eh. pwede lang malate ng uwi unless reasonable ang dahilan. pagnalate ng ilang minuto at walang dahilan bawas sa allowace. Strikta no? pero mabait si mommy sobra! ganon lang siya magmahal!
pag balik ko sa sala nakita ko si kuya na kinukulit si mommy. aish! mukhang batang gusto sumama sa mall
"Mommyyyy! sige na pleaseeee buy me a new car na pooo huhu! ayoko na mag pasundo kay babygirl at isa pa hirap na mag sundo si babygirl sakin huhuhu!"
"Ops. I didn't said that Mom"
Piningot ni mommy ang tenga ni kuya dahil sa sobrang kulit tumawa naman ako at nilapag ang dala kong pagkain
"Sino ba ang may sabing mag pasundo ka sa nakakabata mong kapatid ha?!"
"Ehhh kasi mommy ayoko mag commute. sayang sa pera at isa pa di kaba natatakot na baka ma-rape ang pogi mong anak?!"
Pfft! Kumakain lang ako habang nanonood ng t.v at nakikinig sakanila pag lingon ko saktong kinurot ni mommy ang tagiliran ni kuya haha! ang kawawang bata
"AWWW MOMMY NAMAN!"
"Wag moko masigawan Kevin Villaruel ha! Lesson learned! It's all your fault. If you really want to buy a new car again you better talk to your Dad or buy a new one on your own"
"Mommy?! alam mo naman si Dad hindi yung papayag dibaaa atsaka ayoko gastusin ang pera ko sa bangko huhu mommy naman sige na kasiii huhuhu pleaseee!"
tumingin ako sakanila at natawa kasi si Mommy tumatawa rin. Haha. alam ko naman na hindi matitiis ni Mommy si kuya at ganon din naman si Dad. They're just teaching kuya a lesson. Jusko naman kasi! ang laki na hindi pa marunong mag commute! at gusto pa ni kuya lahat ng gusto niya dapat masunod agad, psh! what a brat! parehas lang kami 4th year college ni kuya. dapat talaga hindi nayan nag aaral ngayon, kaso tinamad ayon tumigil at nag repeat. 2yrs ang tanda niya saaken.
.
.
.
.DINNER TIME:
Bumaba ako galing sa kwarto at nakita si Dad na nakaupo na sa upuan harap ng dining table at nag lalaptop. Nakita ko rin naman si Mommy na nag hahanda ng kakainin namin katulong si Manang Jona. Lumapit naman ako kay Daddy para bumeso at mag mano.
"Where's your Kuya Kevin? Hindi ba niya alam na oras na ng gabihan at kailangan pa siyang tawa---"
"Good evening daddy! Im sorry Im late may tinapos lang akong research"
nakahinga naman ako ng maluwag ng marinig ang boses ni kuya. umupo naman ako habang si kuya nag mano kay Daddy at naupo narin. Nasa may Master Chair si Dad sa kanan naman niya si Mommy at sa may bandang kaliwa naman kami ng table ni kuya. habang si Manang Jona ay nasa sala kasama ang isa pa namin kasambahay
tahimik lang kaming kumakain haggang sa nagsalita si Dad.
"Kevin, do you want a new car? A brand new GTR?"
napatigil kami sa pagkain. may GTR naba sa pinas? sa dami kasi na naging kotse ni kuya, ayaw niya ng GTR dahil hindi naman daw brand new yung nandito sa pinas. arte diba?! pero ang astig kaya ng kotse nayun! sabi na nga ba't hindi matitiis ni Daddy si Kuya
"WOAH?! GTR? A BRAND NEW GTR?! ARE YOU SERIOUS DADDY?"
"Do I look joking son? Im dead serious, I'll buy you one when you and Veronica graduated."
"WHAT?!"
"Oh. I forgot. Graduate with honor son.
"Huh???! Daddy??! sa Graduation pa??? at may honor pa???!"
Nagkatinginan kami ni Mommy at natawa. Bigla naman tumayo si Dad at umakyat na. Si kuya naman parang binagsakan ng langit, lupa at impyerno ang mukha. hahaha! mukhang no choice si Kuya kundi mag aral ng mabuti at grumaduate ng may honor. tutal ayaw niya gumastos para sa sarili niyang kotse, edi mag tiis siyang mag commute kung gusto niya mag gala. Hahaha! Okay lang sakin na sunduin or hatid ko siya sa school niya pero ang ipahiram ang kotse ko is a big NO. NO. NO baka ako pa pag initan ni daddy o baka masira pa niya ang kotse ko tsaka need ko rin naman ang kotse ko for my own. Goodluck brothie! Hehe.
Balita ko kase, yung Lambo ni Kuya Kevs na naconfist pinaayos at binenta na ni Dad para maturuan talaga ng leksyon 'tong si Kuya. Hindi naman na siya papayag na ayun ulit ang kotse niya dahil nga maarte siya at ayaw ng paulit ulit na kotse! Hay naker!
(A/N: Rich kids pala ang mga characters natin mga sis! Meron ba kayong kilalang kasing arte ni Kuye Kevs!?)
BINABASA MO ANG
My three Ex's and Me
Teen FictionPaano kung makita mo si ex boyfriend na may mahal ng iba? At nalaman mong hindi kana niya maalala pero ang alaala niyo ay naalala niya sa iba? Magpapakilala kaba? Aaminin mo bang mahal mo pa rin siya? Paano kung may present boyfriend kana at biglang...