Chapter 25

56 2 1
                                    

VERONICA'S PoV

"Baby girl mag iingat ka ron okay!? Mag tetext ka! At kapag tumawag ako siguraduhin mong masasagot mo agad! Intindi mo!?"

"Oo kuya! Nakailang paalaa kana no?!"

Bumaba nako sa brand new Nissan GT-R 3.8 V6 AT ni Kuya Kevin! Hinatid niya ako ngayon dito sa University dahil dito kami mag kikita-kita. Paalis na kasi kami ngayon papunta sa resort nila Justin sa Cebu. Speaking of Justin, normal lang daw na sumakit ang ulo niya dahil sa pagod. Ayun ang sabi ni Manager Lea pero ako? Hindi ako naniniwala mukhang may tinagago kasi siya! Lalo na ngayon na naguguluhan na ako kung bakit na kay Sabrina ang kwintas na pag mamay-ari ko!

"Veronica!"

Napatingin ako at si Kuya kay Tiffany. Nasa Grandia na silang lahat? So ako nalang ang kulang? Napatingin ako kay Kuya na tulala kay Tiffany. Omg???

"Hoy!!"

"Hoy!? Bakit ba?!"

"Type mo si Tiffany no?!"

Tumawa ako at nakita si Kuya Kevin na namumula. As if naman na papatulan siya ni Tiffany? Eh baliw na baliw pa nga si Tiffany kay Justin. At mukhang hindi niya alam yon dahil hindi ko pa nababanggit na ex rin ni Justin yan si Tiffany.

"Veronica? Tara na lets go! Bye kuya Kevin!"

Natawa ako ng sabihin ni Tiffany ang Kuya kay Kuya Kevin. Sinamaan naman ako ng tingin ni Kuya, nag paalam nako sakanya at sumakay narin sa Grandia. Nagulat ako ng kasama rin pala namin si Manager Lea at yung Liza? Nakakahiya naman kasi? Ako nalang pala talaga ang hinihintay

Tahimik lang kami buong byahe. Yung iba nakatulog na. Nakasilip lang ako sa bintana at napatingin kay Justin, bumilis ang tibok ng puso ko ng mahuli ko siyang nakatingin sakin at nag iwas din ng tingin. Tumingin nalang ulit ako sa bintana at hindi ko na namalayang nakatulog narin ako

.
.
.
.
.

"Veron!! Andito na tayo! Gising na!"

Unti-unti kong iminulat ang mga mata ko at nakita si Tiffany na ginigising ako. Tumigin ako sa bintana at mukha ngang nasa resort na kami. Tumingin din ako sa paligid at kami nalang ni Tiffany ang nasa loob ng kotse. Inayos ko ang mga gamit ko at sumunod ng lumabas.

Nag inat ako at nilanghap ang masarap na hangin!! Humihikab pa ako ng mahagip ng mga mata ko si—Lucas!? Anong ginagawa niya rito?! Wait. Baka naman nag bakasyon din siya dito? Pero nag taka ako ng kausapin siya ni Brix. Teka??? Magkakilala ba sila?
Nanlaki ang mga mata ko ng makitang papalapit sakin si Lucas

"Gising kana pala"

Tumigin ako sa likod, kanan, kaliwa at tinuro ang sarili ko. Ako ba ang kausap niya? Pano niya alam na tulog ako?

"Sinasabe mo?"

"Hahaha hindi mo bako napansin kanina? Kasama moko sa loob ng kotse no?"

"K-Kasama ka namin?"

"Yeah."

"Paano? Kilala kaba nila?"

Turo ko kila Tiffany na nag pipicture picture. Pano naman namin siya nakasama? Eh sa tagal ng byahe hindi ko siya napansin sa loob ng kotse?

"Oo. Nagkakilala kami sa loob mismo ng kotse nayan habang tulog ka"

"Wait. Wait? Hindi ko magets?"

"Hahaha. Magegets mo rin! Tara?"

Nauna na siyang mag lakad kaya sumunod naman agad ako. Ang daming magugulong nangyayare! hindi ko maintindihan! Pero naisip ko lang, simula nung kinuha neto ni Lucas ang phone number ko. Ni isang text or call wala akong nakuha galing sakanya? So ano yun? Pa cute lang?

.
.
.

KINAGABIHAN. Sama sama kaming pumunta sa beach para mag bonfire. Pagdating kasi namin dito sa resort nag paghinga kami agad, kumain at nag ikot-ikot. Hindi ko parin magets kung ano ang dapat kong magets na sinasabe ni Lucas!

Dito sa resort, medjo nag iiwasan ng onti si Sabrina at Justin kasi andito si Liza. Katulad nga ng sinabe ni Manager Lea, kailangan nilang mapatibay ang love team nila kasi may ginagawa silang project. Sa madaling salita dapat si Liza at Justin ang mag jowa ngayon, lalo na sa harap ng maraming tao. Malay ba namin kung maraming paparazzi sa tabi-tabi?! Si Brix at Sabrina ang mag kasama ngayon at mukha namang walang isyu yun kay Justin. Syempre si Tiffany at Sarah ang mag kasama, habang ako? Ewan ko ba kung bakit panay dikit sakin 'tong si Lucas!?

"Ano? Gets mo naba?"

Tumingin ako sakanya at nag iwas din agad ng tingin. Nakaupo kami ngayon sa harap ng bongire habang ako may hawak na stick at nag susulat ng kung ano ano sa buhangin

"Ano bang ibig mong sabihin?"

"Hay nako! Cum Laude ka pero ang slow mo no?"

"Ewan ko sayo!" binato ko siya ng maliit na bato.

"Kapatid ko yan si Zac."

Napatigil ako. Kapatid?! Kelan pa nagkaron ng kapatid si Justin!? At sa lahat ng tao, si Lucas pa? Kaya ba ganon nalang kagaan ang loob ko sakanya??

"Seryoso? Alam ko—"

"Kapatid niya ako sa ibang babae."

Parang hindi ko kinakaya ang mga nalalaman ko? Kelan pa nangyare na may ibang anak ang Daddy niya? Hindi ko maintindihan? Sa panahon na nawala si Justin naging artista siya, at ngayon naman may kapatid na siya? Whaaat???

"Okay ka lang? Parang gulat na gulat ka ata?"

"Uhm.. medyo?"

"Hahaha! Ang cute mo talaga no? May boyfriend kaba?"

"Bakit mo naman tinatanong?"

"Bawal bang magtanong?"

"Bawal"

"Sungit mo naman? Ganyan ba talaga pag cum Laude!?"

"Che! Tigilan mo nga ako!"

Tumawa kami at nag patuloy sa pag uusap. Mukhang onti-onti ko ng nalalaman ang lahat? Mukhang kailangan ko ng alamin ang tungkol kay Justin at mukhang kailangan ko narin sabihin na isa rin ako sa mga naging ex niya. Ang dami kong tanong na gusto kong masagot ni Justin


(A/N: Hi readers! Keep on reading dahil tatapusin ko na rin agad tong story hihi. Enjoy! Vote and Comment naman kayo gusto ko malaman mga opinyon niyo lovelove!)

My three Ex's and MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon