Chapter 13

74 3 0
                                    

TIFFANY'S POV

"Huhuhu! Wahhh! Huhuhu!"

"Huhu bessy wag kana umiyak"

"S-Shut up! Huhuhu!"

pagkauwi ko palang dito sa bahay dumeretso nako agad sa kwarto ko kasama si Sarah. alam niya siguro na sobra akong nasaktan sa mga nakita at narinig ko kaya di niya ako iniwan at ngayon! SOBRANG SAKIT TALAGA! HUTA! kanina pako bato ng bato ng mga bagay na mahawakan ko at si Sarah naman pinupulot yon agad at binabalik sa pinanggalingan. Muntanga diba?!

Paksh*t lang kase! Diba may boyfriend na si Sab? bakit pa siya nagustuhan ni Cole?! at anong sinasabe ni Cole na gusto niyang balikan si Sab?! si Sab ba yung pinalit niya saken?! bakit ayooon?? bakit sa lahat ng tao yung bwiset pa nayun aish!

at nung makita ako ni Zac.. para lang akong anino si Vanessa dahil dun lang siya nakatingin at saakin wala napadaan lang ang mga mata niya sakin! HUHUHUHU! Ganon bako kabilis kalimutan?! akala ko ba ako ang first girlfriend niya?! p-pero bakit ganon? ANG SAKIT TALAGAAAA! MAHAL NA MAHAL KO PARIN SI COLE! Kahit pa na sinaktan niya ako noon at sinasaktan parin hanggang ngayon!

"Bessy hindi ka paba titigil sa pag iyak mo jan?

"*sobs*"

"Hay nako. mabuti pa kumain na---"

"Pwede bang umalis kana? hindi naman kita kailangan eh! Wala kang kwenta!"

nabigla ako sa sinabe ko. mukhang nabigla rin si Sarah kaya tumahimik ang paligid, mas okay narin yon para umalis na siya dahil gusto kong mapag isa! Tumulo nanaman ang mga luha ko, kala ko aalis na si Sarah pero bigla siyang nagsalita

"Tiff.. wag kang umasa na aalis ako. alam ko ganyan ka ngayon kasi galit ka. alam ko pag galit ka damay lahat, kahit lagi ka namang iritado saken." buti naman at alam niyang nakakairita siya lagi!

"Hindi ako naniniwalang 'wala akong kwenta' alam mo naman yon na simula't sapul ako na lagi yung nasa tabi mo, masaya ka man o malungkot. Kahit kelan hindi kita iiwanan, Tiffany. Kapatid na kasi ang turing ko sayo eh."

ano bang pinagsasabi neto ni Sarah? parang lalo akong naiyak sa mga sinabi niya at totoo, kahit iritang irita nako sakanya na kahit araw araw ko pa siyang sungitan at sabihan ng kung ano ano. Never niya akong iniwan.

"Kahit hindi ako yung perfect na kaibigan para sayo, para sakin naman ikaw ang pinaka perfect na bestfriend! dahil kahit kelan hindi mo naman ako pinagpalit sa iba! Hehe ako nga lang ang gusto mong kaibigan diba? kaya kahit ganyan ugali mo hindi kita iiwan kasi hindi mo rin naman ako iniwan eh..."

nag uunahang tumulo ang mga luha ko sa mata. siya lang naman talaga ang kaibigan ko! dahil ayoko kasing makisalamuha sa ibang tao! allergic kasi ako sa mga tao lalo na sa mga katulad ni Sabrina!

Tumingin ako kay Sarah na nakayukong nakaupo sa coach sa kwarto ko, lumapit ako sa kanya at niyakap siya. Alam kong nagulat si Sarah pero niyakap niya rin ako. Hindi ko madalas o namin, ginagawa to pero narealize ko kasi na ang swerte ko sa kaibigan na hindi ko na kailangan ng jowa, pero wala eh mahal ko pa rin si Cole! HUHUHUHU!

.
.

"So ano nang balak mo ngayon na nandito na ulit si Cole?"

Actually hindi ko alam. Wala ako maisip dahil sa nangyare kanina! kumakain kami ngayon na McDo na pinadeliver ni Mommy para saamin ni Sarah. May ari kasi si Mommy at Dad ng isang McDo dito sa Pinas, Share ko lang naman!

kung nagtataka kayo kung bakit Cole ang tawag ko kay Zac Collins, aba'y di ko na matandaan! hehe! basta ang alam ko kasi ang boring ng Collins hindi bagay kay Cole, habang yung Zac naman ay masyadong papogi kaya ginawa kong Cole para swabe lang ganon!

"Hindi ko alam. pero sana magkausap kami"

"Sana... Artista na kasi ang Ex mo eh!"

Nalaman kong artista na si Cole at sumikat sa Thailand. Nagulat ako nung una pero hindi narin ako nagtaka dahil ang gwapo niya lalo eh! simula kasi nung nag break kami wala na talaga akong Connections sakanya. Nung naging kami kasi wala pa siyang mga social media non. kahit ata ako eh?

"Pero gusto kong malaman ang tungkol sakanila ni Sabrina. bakit gusto pa niyang balikan ang babaeng yon? Tss"

"Kaya nga eh! wag ka mag alala bessy! Gawan natin ng paraan yan!"

Nanahimik lang ako at pinagmasdan si Sarah na nag iisip ng paraan. Mag iisip din ako syempre! mahirap kasi magtanong kay Sab lalo na't mainit ang dugo namin sa isa't isa! idagdag mo pa na parehas pala naming ex si Cole! at mukhang hindi yon alam ni Sabrina dahil nung unang araw na mag kita kami hindi naman namin alam na ex namin pareho si Cole! kaso nga lang si Cole mahal pa si Sab at si Sab may Brix na at habang ako mahal na mahal parin si Cole HUHUHUHU!

My three Ex's and MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon