Chapter 26

73 2 0
                                    

JUSTIN'S PoV

Lagi nalang ako nanaginip tungkol sa nakaraan. Masasabi kong tungkol sa nakaraan namin ni Sabrina, pero sa panaginip ko hindi ko makita kung sino ang babaeng kasama ko. Na kahit mukha ni Sabrina ay hindi ko makita. Madalas ng sumasakit ang ulo ko, sabi dahil sa puyat at pagod ko lang. Pero alam ko sa sarili kong hindi lang dahil doon, dahil tuwing may gusto akong alalahanin bigla nalang itong sumasakit

Hindi ko alam kung bakit bigla nalang nag iiba ang nararamdaman ko para kay Sabrina. Sinasabe ng utak kong mahal ko siya pero iba naman ang sinasabe ng Puso ko.



"Are you okay?" Tanong sakin ni Manager Lea

"Yeah, naguguluhan lang ako."

"Tungkol nanaman ba sa pag kakaaksidente mo?"

"Uhh maybe? Bakit ganon? Parang may mali sa mga ala ala ko?"



She sigh at tumingin deretso sa mga mata ko. Simula kasi nang maaksidente kami, tinulungan niya ako o kami na makabangon muli. Kaya malaki talaga ang utang na loob ko kay Manager Lea



"Look Zac, kung may mali man alam kong ikaw lang din ang makakadiskubre ng kung ano man ang tama"


"Siguro nga, ewan ang gulo!"


Ngumiti sakin si Manager Lea at naglakad na palayo. Ano ba ang dapat kong malaman? May mali ba talaga?
Naglakad ako ulit papuntang bonfire kung saan tanaw ko dito sa di kalayuan sila Sabrina. Naglakad lakad na muna kasi ako dahil gusto ko mag isip isip. Naiinis din kasi ako na makita ang girlfriend ko kasama ang ex niya, hindi kasi kami masyadong pinagdidikit ni Sabrina.



"Where have you been Zac?"

"Nagpahangin lang"

"Hayy still thinking about your dreams?"


Tumango lang ako sa tanong ni Liza. Alam niyang kaibigan lang ang turing ko sakanya, pero tinetake advantage niya ang pagiging love team namin dahil may gusto siya saakin. Masyado kasi siyang obvious. Napatingin ako kay Veronica na kakwentuhan ngayon si Lucas. Biglang nag iba ang pakiramdam ko, bigla ata akong nainis?


"Are you jealous?"

"W-What? Hindi"

"Liar"


Hindi ko na pinansin si Liza at naupo nalang din sa kahoy katapat ng bonfire. Hindi ko alam kung kanino ako maiinis? Kay Brix ba na kasama si Sabrina? O kay Lucas na kasama si Veronica? Kumuha ako ng beer at nilagok ng isahan.

.
.
.


TIFFANY'S PoV

Ang hirap pala kapag wala kang jowa no!? Nagsisisi na tuloy ako bakit pako sumama rito? Para akong nanonood ng movie habang pinagmamasdan sila lahat! Nakita kong tumayo si Cole at iniwan si Liza. Nagtaka naman ako kung bakit umalis nanaman siya? Eh kakaupo niya lang ulit? Sabagay? Mahirap nga naman na makita mo ang girlfriend mong kasama ang ex niya diba? Parehas kami ng nararamdaman ngayon! Tumayo rin ako at sinundan si Cole

Nakita kong pumunta si Cole sa isang Kubo at naupo. Napatingin siya saakin at tumingin agad sa malayo. Tumabi ako sakanya, hindi naman siya nag react.



"Okay ka lang?"

"Mukha ba akong okay?"

"Woah? Easy! Nagtatanong lang ako Cole"

"Bakit ba Cole ang tawag mo sakin?"

"Alam mo? Ikaw din ang makakasagot sa tanong mong yan Cole! Ex mo nga ako diba?"

"Talaga? Hindi ko nga maalalang naging ex ko ang isang tulad mo"

"Excuse me!? Porket pinaglaruan mo lang ako ganyan mo nako pagsalitaan"

"S-Sorry.."


Natahimik kaming dalawa. Bakit feeling ko bigla nalang tutulo ang mga luha ko??


"Napatawad na kita, matagal na. Mahal pa nga kita eh"


GOSH!? Nasabe ko ba yun?! Nakakadiri! Bakit ba akong babae ang nag coconfess sa lalaki?! Ganon na bako ka desperada?!


"I mean—"


"Seryoso ka ba sa sinasabe mong naging ex girlfriend kita?"


"Aba? Oo naman no? Hindi naman ako baliw para gumawa ng kwentong naging ex moko!?"


"Easy. Baka nakalimutan ko lang kasi baka matagal na at naaksidente ako"


"Aksidente?"


"Yup, bago ako makauwi dito sa pilipinas naaksidente ako"


"Sus! Kwento mo!? Si Sabrina nga naaalala mo tapos ako hindi??"


"Maniwala ka sa hindi, ayan din ang pinag tataka ko"


Nagkatinginan kaming dalawa. Kita ko sa mga mata siyang seryoso siya sa mga sinasabe niya. Naaksidente si Cole? Ako nakalimutan niya pero si Sabrina hindi? May ganon ba?



"Im sorry kung hindi na kita matandaan.. pinipilit ko namang alalahanin lahat pero hindi ko magawa eh, Im sorry kung nasaktan kita"



Gosh?? Bigla nalang akong naiyak.. Sa tagal ba naman naming hindi nagkausap nang ganito? Simula kasi nung nag break kami, lumayo nako sakanya at ngayon ko lang siya narinig na nag sorry ng ganyang kaseryoso.




"Im sorry din kung hindi ko na masusuklian ang pag mamahal mo sakin, alam mo namang may mahal nakong iba ngayon.."



Umiiyak lang ako. Mahal ko si Cole. Mahal na mahal ko siya. Pero panahon naba talaga para palayain ko siya? Sa tagal ng pag hihintay ko sakanya susuko naba ako?



"Mahal kita Cole.."



Nagulat ako ng maramdaman kong niyakap niya ako. Lalo tuloy umagos ang mga luha ko. Alam ko narin ngayon na, malabo na. Malabo nang maging kami o maayos ang dati samin ni Cole


"Z-Zac?!"


Naghiwalay kami sa pag kakayakap ni Cole. Nakita ko si Sabrina. Pinunasan ko ang luha ko. Napatayo si Cole at lumapit kay Sabrina



*SLAAAP!*


"How dare you!? Wala kang pag babago!"

"S-Sab? M-Mali ang inii—"

"Shut up!"


Lumapit sakin si Sabrina at nagulat nalang ako ng sabunutan niya ako palabas ng Kubo. Bakit hindi ako makalaban? Naiiyak lang ako!


"Malandi ka!"

"Sabrina?!" awat ni Cole.

"You shut up Cole!"

Napadapa ako sa mga buhangin atsaka ako pinagsabunutan ni Sabrina. Pumipiglas ako pero hindi kaya ng buong katawan ko ang buong katawan niyang nakapatong sakin. Naramdaman ko pang pinupunit niya ang damit ko. Wala akong magawa kundi ang umiyak



"SABRINA!? Please stop!"

Hinila ni Cole si Sabrina palayo saakin. Nakita ko naman sila Sarah na papalapit at inalayan ako patayo.


"Oh my ghad!"

"Sab!?"

"Tiffany?! Okay ka lang ba?"

Tumango lang ako kay Veronica. Hindi mapigilan ang pag agos ng mga luha ko. Hindi ko man lang napag tanggol ang sarili ko!



"Bitawan moko Zac! Alam mo? Wala kang pagbabago! Malandi kapa rin! At ikaw naman Tiffany! Wala nabang ibang lalaki sa mundo at panay parin ang dikit mo kay Zac!? Magsama kayong dalawa mga bullshit!"



Tumakbo si Sabrina palayo. Nakita kong napaupo si Cole sa buhangin at agad namang lumapit sakanya si Liza. Kasalanan koto. Kasalanan ko ang lahat ng ito!

My three Ex's and MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon