Chapter 27

184 3 0
                                    

SABRINA'S PoV

Mga walang hiya! Tumakbo ako palayo sakanila, gusto kong mapag isa! Bakit ang sakit?! Bakit umiiyak ako? Bakit ko yun nagawa?! Hindi ako makapaniwala na matapos ang ilang taon, makikita ko nanamang pinag tataksilan ako ni Zac! Hindi ko na kaya! Gusto ko ng itigil 'to! Pero bakit ganon? May nagsasabi sakin na ipaglaban ko si Zac?? Tama paba 'to?



"Acting pa ba yon? Parang totoo na?"


Dahang dahan akong napapatigil sa pag takbo at mas lalo pang umagos ang mga luha ko ng marinig ko ang boses na iyon, si Brix. Habang gusto kong maghiganti sa pananakit sakin ni Zac hindi ko man lang naiisip kung nasasaktan ko na ba si Brix?


"Gantong ganto rin yung dati diba? Nung sinundan kita kasi pinaiyak ka ng lalaking yon"

Narinig kong natawa si Brix may lungkot ito ng kaonti. Napaupo ako sa buhangin at pinupunasan ang mga luha kong hindi matigil sa pag agos. Sino bang hindi makakalimot sa gabing iyon? Naramdaman kong lumapit si Brix at umupo sa tabi ko.


"Mukhang kailangan nanaman kitang bigyan ng panyo—Ay teka. Wala pala akong panyo hehe"


Natawa ako at nagkatinginan kami mata sa mata. Niyakap niya ako at mas hinigpitan ko ang pagkakayakap sakanya, humiwalay din siya agad sa pagkakayakap at pinunasan ang mga luha ko



"T-Thank you.."

"Thank you? Para san naman?"

"Thank you for staying.. kahit ganito ako"

"Sus! Kaya nga ako nag stay dahil ganyan ka"

"Ang swerte ko"

"Sabrina.. mas swerte ako sayo"

Hinawakan niya ang chin ko at pinisil ang ilong ko. Hinampas ko siya ng mahina sa braso na ikinatawa naming dalawa


"Hali kana, ihahatid na kita sa kwarto mo baka makita pako ng boyfriend mo at bugbugin din ako"


He smirked and I laugh, inalayan niya ako patayo at naglakad na kami pabalik sa hotel. Bakit okay parin sakanya ang pinag gagawa ko? Dahil ba gusto niyang sumaya ako? At satingin niya masaya ako sa ginagawa ko kaya hinahayaan niya lang ako? Sumulyap ako ng tingin kay Brix, napaka-amo ng mukha. Napaka martyr sa pag ibig. Lahat ibibigay mapasaya lang ako kahit kapalit nito ay ang masaktan siya todo, hindi niya man sabihin pero nararamdaman ko. Ang tanga ko! Isa rin akong martyr! Alam ko ng nasasaktan ang taong mahal ko pero pilit ko parin itong pinag papatuloy. Hanggang saan aabot ang katangahan na ito? Magiging masaya ba talaga ako kapag nasaktan ko narin si Zac?

.
.
.
.

KINAUMAGAHAN. Hindi ako nakatulog ng maayos kagabi dahil ang dami kong iniisip! Si Brix ang kasabay kong nag breakfast, humiwalay muna kami kila Zac para mahimasmasan sa mga pangyayare kagabi. Wala naman magawa si Zac kung si Brix ang kasama ko dahil nga dapat si Liza ang kasama niya sa harap ng maraming tao. Ilang beses ako sinubukang lapitan at kausapin ni Zac, wala naman akong magawa kundi ang umiwas lang sakanya. Ayoko siyang makita o makausap! Naasar ako! Lalo na kung maiisip kong ako ata ang nasasaktan? Kung ang plano naman ay ang saktan siya? Gusto ko ng maghiganti agad!


"Uh-Uhh, Sabrina?"


Taas ang kaliwang kilay ko ng harapin ko ang malanding 'to! Si Tiffany nga at wala ng iba pa! Ang lakas din ng loob ng isang tong kausapin ako? Pag tapos ng pang lalandi niya kay Zac?! Naiisip ko ngang masyado akong affected eh? Pero naiisip ko ring kasama naman to sa mga plano ko? Hindi ako magtatagumpay kung hindi ko gagawing makatotoohanan ang lahat!


"Pwede ba kitang makausap?"


"Tanga. Hindi mo pa ba ako kinakausap ngayon?"


"Ahm, y-yung mga nakita mo kasi kaga—"


"Hahaha anong nakita ko kagabi? Yung nilalandi mo ang boyfriend ko? Alam mo umalis kana ngayon na! Bago pa mag karon ng part two ang ginawa ko sayo kagabi!"

"Sabrina, hindi ba pwedeng hayaan mokong mag expla—"

"Explain shit! Tantanan mo nga ako!"


Samsampalin kona sana si Tiffany ng may humawak sa kamay ko. Si Veronica, ang isa pang tao na panay din ang buntot kay Zac! Piniglas ko ang kamay ko sa pagkakahawak niya at binigyan siya ng tingin na ano-naman-ang-ginagawa-mo-rito???



"Not again Sabrina, let's go Tiffany"


"Ha! Ang dalawang buntot nagsama"



Tatalikuran na sana nila akong dalawa ng mag salita ako. Parang ako pa ang kontrabida ngayon?! Eh sila nga 'tong panay ang buntot at epal!


"Excuse me?"


"Excuse me mo mukha mo! Alam mo ikaw Veron? Akala mo kung sinong inosente ka pero may taglay ka ring kalandian!"


"W-Watch your words Sab!"


"Shut up! Bakit? Totoo naman diba?! Parehas kayong dalawa na panay ang buntot kay Zac!"


Nakita kong hinawakan ng mahigpit ni Veronica si Tiffany. Palaban din talaga 'to si Tiffany, walang kadala-dala! Kahit mag sama pa silang dalawa ni Veron pag bubuhulin ko silang tatlo nila Zac!



"Wala kang alam Sab"


"May dapat bakong malaman Veron?! At ikaw Tiffany satingin mo papatulan kapa ni Zac?"


"That's enough Sabrina!"


"EX ako ni Cole!"


"Hahaha! Ayun na nga diba? EX kana lang ngayon Tiffany! Get lost!"


"Pero, m-mahal ko parin si Cole.."


"Tiffany??"


"Huh! Napaka ambisosya mo naman Tiffany? Mahal kapa rin ba ni Zac? Hindi na diba?! At hinding hindi na yon mangyayare!"


Naglakad na ako palayo sakanila at sadyang binangga si Tiffany. Napakalandi! Napakabobo at napakatanga! Ayoko nalang sila isipin! Gusto ko nang matapos at maging matagumpay ang plano ko, masyado na silang nakakagulo!

My three Ex's and MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon