VERONICA'S POV
Ilang araw nalang before Christmas! Busy kaming lahat sa pag dedecorate netong room at yung iba naman busy sa mga planong gagawin namin para sa Program nitong University, inaayos ko ang mini christmas tree ng mahagip ng mga mata ko si Tiffany with her bestfriend Sarah. Sobrang stalker na siya ni Sabrina at ni Justin, araw araw narin siyang masungit na parang buntis. Ako naman, ewan ko? wala na ata talaga akong saysay sa mundo ni Justin pero sana, sana naman ay inaalam parin niya kung sino talaga ako sa buhay niya. Hindi ko kasi talaga siya makausap tungkol dun wala rin namang pagkakataon na mag usap kami dahil lagi silang mag kasama ni Sabrina, mukha ngang going strong sila eh!
"Ang dalas na ngang umabsent ni Brix eh"
"Dahil siguro hindi niya kaya makita si Sabrina kasama si Zac"
"Sakit naman kasi nun? Pag gising mo one day iba na kasama ng girlfriend mo"
"Balita ko nga bumaba na ang grades ni Brix eh, graduating pa naman tayo!"
"Ang talino pa naman ni Brix"
"Si Sabrina kasi Malandi eh"
"Oy grabe ka! may makarinig sayo"
Tinuloy ko ang pag aayos ng mini christmas tree, pagtapos ko marinig ang usap-usapan dito sa room. Umiikot ang mga mata ko baka sakaling makita ko si Brix pero wala nga. Biglang nag tilian ang mga babae na kala mo ay kinikiliti ang singit habang nakasilip sa bitana, rinig na rinig ko rin ang malakas na tugtog ng 'all I want for christmas is you' SO ANONG MERON???
"What the fuck??" rinig kong inis na sabi ni Tiffany habang nakasilip sa bintana, tumakbo rin ito agad palabas ng room
Lumapit narin ako sa mga nag kukumpulan na students para makita kung anong meron, nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko. Napakaraming tao sa quadrangle at pinanonood si Justin na sumayaw sa harap ni Sabrina ng All I want for Christmas is You. parang nanghina ang mga tuhod ko, agad din akong bumaba papunta roon.
.
.
Sobra akong nakipagsiksikan sa dami ng mga students na nanonood. Nang malapit nako sa may harapan, napatigil ako ng kantahin ni Justin ang kanta namin noon. Ang 'back at one' nanlalambot ako sa mga nakikita at naririnig ko, tumingin ako kay Sabrina na walang emosyon ang mukha pero namumula ito. Bigla rin nahagip ng mga mata ko si Brix na pinapanood lang sila
*sobs*
Napatingin ako sa di kalayuan, nakita ko si Tiffany na umiiyak kasama si Sarah. Tumakbo bigla si Tiffany at sumunod naman si Sarah susunod pa sana ako kaso biglang nagsalita si Justin, lumingon ako sakanila ni Sabrina
"Babe.. I hope you like my surprise Happy Aniversarry"
December ngayon at kung hindi ako nag kakamali, December 14 ngayon. Aniversarry din namin yun Justin. B-Bakit ganon?? Sinasadya niya ba tong lahat?
"Sorry for leaving you my love, but now that I am here I'll promise not to leave you again. I love you so much Sabrina Stanley.."
A-Ang sakit.. Bakit pakiramdam ko AKO ang sinasabihan ni Justin ng mga salitang iyon? Nakita kong nagyakapan sila. Sila sa harap ng maraming tao, sa harap ko na parang sinasabe nilang dalawa saaming lahat na pag mamay-ari nila ang isa't isa at walang sino man ang kayang sumira nito. Napahawak ako sa dibdib ko tsaka mabilis na naglakad palayo, ramdam kong ilang segundo nalang babagsak na ang mga luha ko at ayokong kahit sino man ang makakita ng pag iyak ko.
.
.
SABRINA'S POV
"Did you enjoyed? Napasaya ba kita?"
BINABASA MO ANG
My three Ex's and Me
Novela JuvenilPaano kung makita mo si ex boyfriend na may mahal ng iba? At nalaman mong hindi kana niya maalala pero ang alaala niyo ay naalala niya sa iba? Magpapakilala kaba? Aaminin mo bang mahal mo pa rin siya? Paano kung may present boyfriend kana at biglang...