VERONICA'S POV
Andito ako sa tapat ng Kulbo Monte University at malamang sa alamang hinihintay ang magaling kong Kuya Kevs! nagtataka naman ako kung bakit parang ang daming taga iba't ibang school na babae ang nandito, Eh All boys University to? Mukha silang may inaabangan at may mga pabanner pa? Dami alam ah! ngayon ko lang nakitang ganto dito. Ano bang meron? May artista ba?
"Bulagaaa!" nagulat naman ako sa dumangaw sa bintana. Lintek na Kevin Villaruel!!! Nakabukas kasi ang window ng kotse ko kasi nga nakikitsismosa ako sa mga nangyayare sa labas
"Bwiset ka! gusto mo bang iwanan nalang kita dito?!"
"Ito namang si baby girl joke joke lang syempre" binuksan naman niya ang pinto ng front seat at agad na pumasok at syempre inaandar ko na agad ang kotse kasi baka mamaya nyan may mga reporters narin dito at di pa kami makaalis agad!
"Hindi mo bako tatangunin kung anong meron sa school?"
tumingin ako kay kuya na busyng naglalaro ng mobile legends. bat ko naman gugustuhing tanungin yon?! di naman ako ganon ka-tsismosa no!
"Why would I?"
"Because I know you'll like it or magugulat ka or maiinis"
"What are you talking about?"
tumingin ulit ako kay kuya na naglalaro parin ng mobile legends. dahil may pagkatsismosa nga ako ng very light! at nacucurious nako kung ano meron, kinuna ko ang phone niya
"Hoyyyy!!! Rank yon pota!"
"Shut up or ibababa kita? pagpatuloy mo yung sinasabi mo."
"Aish!" Nagfofocus lang ako sa pagda-drive mahirap na baka mapano pa!
"Yung exboyfriend mo kasing si Zac Collins sa Univ na namin siya nag aaral"
"and?"
"Hindi kaba nagugulat? Ang alam ko pa artista na siya. Sa...hmm? san ba siya sumikat? sa Thailand bayun?"
"so?"
"Wala ka naman na palang pake sa Exboyfri---AHHH! ano ba babygirl?!"
"W-WHAT???!"
BRINEAK KO AGAD ANG PRENO NG SASAKYAN NG MAREAKIZE KO LAHAT! ANO RAW?! ANG EX BOYFRIEND KO? SI COLLINS? S-SI ZAC?! S-SI JUSTIN???! SI JUSTIN ZAC COLLINS? ARTISTA?! AT NANDITO NA SIYA?! WHAT?!
"AYAN! Talo tuloy! dapat pala mamaya ko na kinuwento eh hays! huhuhu"
Napatingin ako kay kuya na hawak na ang phone niya at hinahaplos pa ang ulo niya. Im shookt! Papaanong sumikat siya ng ganon kabilis at sa Thailand pa? What?!
"Are you kidding me kuya kevin?"
"Huh? Why would I? actually classmate ko pa siya at alam mo ba baby girl hindi niya ako pinansin at parang hindi niya ako kilala. ang laki nga ng pinagbago niya eh."
"What? hindi ka pinansin? parang hindi ka kilala?"
"Oo. kaya pwede ba? iandar mo na ang kotse dahil gusto konang umuwi! marami pakong gagawin."
Ang daming tanong sa utak ko na gusto kong masagot. ang daming tanong na si Justin lang ang makakasagot. Paano siya sumikat? Artista naba talaga siya? Paano siya napunta sa Thailand? alam ko sa US siya nag aral. at bakit siya nandito ulit?
*Flashback*
Umiiyak ako ng husto dahil sa lungkot habang yakap yakap ako ni Justin. Aalis na kasi siya at habang buhay ng titira sa US. gusto na kasi siyang kunin ng parents niya dahil siya lang ang mag isa dito sa pilipinas, wala rin siyang kapatid. buti na nga lang at mayaman sila at nabibigay ang lahat ng gustuhin ni Justin dahil kung hindi ako ang malulungkot ng sobra para sakanya. Masaya rin ako dahil makakasama na niya ang parents niya pero ang sakit dahil malalayo siya sakin...
"Wag kanang umiyak Ica pag balik ko dito, babalikan kita..."
"Hindi naman natin alam kung babalik kapa eh..."
"Sino naman nagsabeng hindi nako babalik? hindi naman ako papayag na mawalan ng Ama ang magiging anak ko diba?"
"Loko, nagbibiro kapa jan!"
Tumawa kami na may halong lungkot. Niyakap niya ko ulit ng mahigpit at ramdam ko rin na umiiyak na siya. Napagdesisyunan kasi namin na maghiwalay na muna, naniniwala kasi kami na kung kami, kami talaga haggang sa huli. kahit pa wala kaming kasiguraduhan sa lahat... kumalas siya sa pagkakayakap at tumigin sa wrist watch niya pagkatapos pinunasan niya ang aking mga mata gamit ang panyo niyang dala
"I have to go Ica. wag kang malulungkot ha? dahil mas malulungkot ako. Babalik ako agad pangako ko yan sayo. Mahal na mahal kita Ica... ikaw lang ang mamahalin ko habang buhay."
"Mahal na mahal kita Justin..."
Hinawakan niya ang dalawang pisngi ko at hinalikan ako sa noo, sa ilong at saaking labi... bumusina ang kotse nila kaya naglayo kami agad. kumaway siya saken palayo. tinitignan ko lang siya paalis hanggang sa maglaho na siya sa mga paningin ko...
*End of Flashback*
Hawak ko ngayon ang panyong naiwan sakin ni Justin. Namalayan ko nalang na umiiyak na pala ako dito sa kwarto ko... ang sakit sakit parin kapag naaalala ko. pagkapunas ko sa mga mata ko nakita ko agad ang maliit na nakasulat sa panyo 'This belongs to my Life, Ica' napangiti ako bigla. siya lang ang tumawag sakin ng Ica dahil hindi raw bagay sakin ang Veronica dahil pang mataray daw
Naalala ko simula nung umalis si Justin hindi na siya nagparamdam saakin. Nag email ako sakanya, sa facebook, twitter at kahit sa instagram at araw araw akong nag memessage. hanggang sa hindi ako nakuntento nagpadala ako ng sulat na hindi ako sigurado kung nakuha niya ba yon? hanggang sa isang araw nakatanggap ako ng sulat na naglalaman ng masasakit na salita, na tangi ko lang naintindihan ay hindi na niya ako mahal. may iba na siyang gusto. at wag nako manggulo.
(A/N: Sakit naman non! Nareveal na si Ex? Okay ba ang names mga sis? Hahahaha!)
BINABASA MO ANG
My three Ex's and Me
Teen FictionPaano kung makita mo si ex boyfriend na may mahal ng iba? At nalaman mong hindi kana niya maalala pero ang alaala niyo ay naalala niya sa iba? Magpapakilala kaba? Aaminin mo bang mahal mo pa rin siya? Paano kung may present boyfriend kana at biglang...