(A/N: Guys! Mag vote naman kayo or comment man lang! Don't be shy mga sis! I hope na nagugustuhan ang story hihi!)
VERONICA'S PoV
Alam kong may alam si Manager Lea at alam ko rin na alam niya ang storya kung bakit hindi ako maalala ni Justin. Pero hindi pa ako handa! Hindi ko alam kung bakit pero may tamang panahon para doon at hindi ngayon yon!
"Hoy!"
"Ay piste!—Kuya?! Ano ba?!"
Kasama ko kasi si Kuya Kevin ngayon na pumunta dito para manood ng taping ni Justin at mamasyal narin. Paano ba naman kasi 'tong kuya ko masyadong magaling at buraot gusto kasi niyang ilibre ko siya dahil daw sa ginawa kong pag papaintay sakanya nung nakaraan! Hay nako mga paraan eh!
"Hahaha! Ang lalim kasi masyado ng iniisip mo baby girl okay lang yan!"
"Ano bang sinasabe mo jan?"
"Wala naman baby girl! Umuwi na nga tayo baka pagalitan pa tayo nila Mommy, paskong pasko gumagala tayong dalawa hahaha!"
"Kasalanan moto no!?"
"Bat naman ako? Ako ba may gustong makita si Za—ARAY KO NAMAN!!! Namimihasa ka!"
"Duh!? Wag ka ngang maingay may makarinig sayo! At isa pa sabi mo ilibre kita diba!?"
"Pero hindi ko sinabeng dito moko dalin at ilibre Diba?!"
"Ah ganon? Sige. Maglakad ka pauwi!"
Tumakbo ako palayo kay kuya ng tawang tawa. Kala niya dyan! Buti nga sakanya!
"Baby girl!!! Wag naman ganon!!"
Hinahabol niya lang ako hanggang sa makarating na kami sa parking lot. Joke ko lang naman na paglalakarin ko siya no?! Kahit naman iwan ko siya dito may pera siyang pang taxi! Tanga talaga ng kuya kong 'to hindi nagiisip! Ay! Sabagay ayaw pala niyang gumastos. Gzz!
Sumakay nako sa kotse at sumakay din naman agad si Kuya Kevs. Hingal na hingal siya eh? Ganon bako kabilis tumakbo?! Tumawa lang ako ulit at inandar na ang kotse pauwi sa bahay.
.
.
.
.
.*December 30*
Nagpaalam kami ni Kuya Kevin na manonood ngayon ng fireworks display dito sa mall. Pero ayun! Ang kupal wala sa tabi ko! Iwanan ko kaya 'to at umuwi nako agad?? Tss! Ang loner ko naman kasi! Walang jowa! Walang kaibigan! Wala lahat! Parang sasaktan ko lang ang sarili ko pag nanood pako ng fireworks nayan!
"10:30 pa ang fireworks. Gusto mo ba munang kumain?"
Nagulat ako sa nagsalita. Sino naman 'to? Ako ba ang kausap niya? Katabi ko siya pero sa iba naman kasi siya nakatingin. Tumingin siya bigla sakin kaya napaiwas ako agad ng tingin. Katakot ha!
"S-Sorry. Haha Natakot ba kita Miss?"
"Excuse me? Ako ba ang kausap mo?"
"May iba pa bang Miss dito?"
"What?"
"Uh. W-Wala hehe"
Makaalis na nga. Mamaya manyakis pa ang isang 'to! Mahirap na. Laging bilin ni Mommy Daddy and Kuya, don't talk to strangers!
BINABASA MO ANG
My three Ex's and Me
Roman pour AdolescentsPaano kung makita mo si ex boyfriend na may mahal ng iba? At nalaman mong hindi kana niya maalala pero ang alaala niyo ay naalala niya sa iba? Magpapakilala kaba? Aaminin mo bang mahal mo pa rin siya? Paano kung may present boyfriend kana at biglang...