Chapter 12

70 2 0
                                    

SABRINA'S POV

Nakahinga ako ng malalim pagkatapos kong inumin ang Milktea ko dito sa I Heart Milktea. Dito na muna kami dumeretso ni Brix para mag palamig at para narin pakalmahin siya. Kolaka naman kasi! Saan ba nang galing yun si Zac at anong nilaklak na drugs?! bakit bigla niya gustong balikan ako?? dahil ba gumanda ako? hindi ba siya nakahanap ng ipapalit saken?! nagsisi naba siya sa ginawa niya saakin noon?! Aish! Grabe talaga ang isang yon oh!

"Are you thinking of him?" napatingin ako kay brix na nakasandal sa upuan at seryosong nakatitig sa labas

"Uhh. Y-Yes"

"Do you still love him?" napatigil ako sa pag sipsip ng iniinom ko at bumara pa ang pearl sa lalamunan ko! nasamid ako pero hindi ko masyadong pinahalata kasi sobrang seryoso ni Brix! anyare ba sakanya?!

"A-Ano bang sinasabe mo Brix?!"

"Sabrina..." tumingin siya sakin deretso sa mata at nakita ko ang lungkot na nararamdaman niya.

"Don't leave me, p-please"

"Brix..." niyakap ko si Brix. alam kong PDA kami! at alam ko rin na nakakahiya para kay Brix dahil lalaki siya at umiiyak pa, ang dami kasing tao at pinagtitinginan pa kami nung iba pero wala akong pakeelam!

"Baby? please stop crying ha? I won't leave you, I promise. Anokaba!"

hinawakan ko ang pisngi ni Brix at pinunasan ang mga luha niya. Hays! bakit ba niya iniisip na iiwanan ko siya? Mahal ko kaya siya! I smiled kaya ngumiti rin si Brix

"Ang bakla mo! dito kapa umiyak hehe"

"Takot lang na mawala ka"

huweeeeew! hanuba! kinikilig nanaman ako hihihi! ang haba na nga ng hair ko dahil kay Brix dumagdag pa yung Zac nayon?!

pero paano kung mangulit ng mangulit si Zac na balikan ako? ayoko naman na mag away sila ni Brix lagi kapag ganon diba? mas okay nga kung maging magkaibigan pa silang dalawa. Napansin kong ang laki na ng pinagbago ni Zac. Tumangkad, pumuti, ang pormal, kagalang galang at hindi ko naman itatanggi na gumwapo siya lalo.

So totoo pala yung usap usapan na bumalik na siya dito. Simula kasi nung nag break kami wala nakong pakeelam sakanya. Wala narin akong alam kung anong pinag gagawa niya sa buhay niya, kaya nga nagulat nalang ako dahil gusto niya 'kong balikan!

"Sobrang gwapo ni Collins no?!"

"Bakit kaya siya nandito sa Pinas? may project kaya siya dito?"

"Sino kaya yung babaeng sinakay niya sa kotse? ang swerte naman non!"

"Bagay nga sila eh!"

"Waaaahh hindi pwede pano nalang si Collins at si Lizaaa? huhuhu"

"Sino naman yung babaeng binigyan niya ng bulaklak?"

"Kaya nga! ang dami namang babae ni Collins!"

"Hoy hindi ah! Ang bait kaya niya yieee!"

Project? anong project naman yun at bakit dito pa sa pilipinas balak gawin?! at Sinong babae naman yung sinakay niya sa kotse??? hindi kaya si---V-Veronica??? siya lang naman yung ibang tao sa pagitan namin kanina, pero bakit?! at sino naman yung Liza nayon na sinasabe netong mga to? bakit ang dami nilang alam?? a-at a-ako, ako yung binigyan niya ng bulaklak! hindi mabait ang demonyo nayon! totoong madaming babae yang collins nayan! Grr! sinasabe ko na nga ba't trip niya lang ako! Bullshit ka talaga Zac! F*ckyou!

mukhang gusto niyang makipag laro sakin huh? Edi okay go fine! I'll teach him a lesson at humanda siya sa gagawin kong paghihiganti hindi pa tayo tapos Zac Collins!

"Baby?" nabalik ako sa katinuan ng magsalita si Brix. "What?" walang ganang sagot ko

"Are you okay?"

"Yeah. ihatid mo nako Brix"

tumayo nako at ramdam ko naman na sumunod si Brix. pinagtitinginan naman ako ng mga babaeng nag bubulungan kanina. Itinaas ko ang middle finger ko sakanila na mukha namang kinagulat nilang lahat, wag na nilang subukang sumabay sa badtrip ko!

(A/N: Ops. Natatakot narin ako kay Sabrina ha? Grabe ang imahanisyon ko ang bad!)

My three Ex's and MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon